Kabanata 13

5046 Words
Maririnig mula sa kabuuan ng farm ang sabay na pag-iyak ng mga baboy, at baka na tila baga umaawit ang mga ito. Ang iyak ng baboy ay dahil nasisikipan. Sa mga baka naman ay dahil sa gutom kaparehas ko dahil maging ako nagugutom din naman. Ang pagkain ng almusal ay nakalagitnaan ko na. Nasanay narin ako na palaging gutom kaya natiis ko pa kahit may gagawin akong trabaho. Tulak-tulak ang kariton na bakal dumiresto ako sa kulungan ng mga baboy na nasa gawing kaliwa ng farm. Hindi gaanong mainit ang kabuuan ng lugar dahil sa mga puno sa paligid paikot ng mga kulungan. Dumiretso ako sa dulo ng kulungan ng baboy kung saan wala roon ang mga hayop. Ang inukopa ng mga baboy ay ang tangkay sa unahan. Inilipat sila sa kabilang parte ng kulungan para malinisan ang mga tangkay na para sa kanilang pagpaparami. Pagkalapit ko sa tangkay ay kinuha ko ang hose sa gilid ng kulungan saka ito hinila. Bago ako pumasok sa tangkay ng baboy na may kalaparan din naman, nagsuot ako ng boots sabay tulak sa kariton papanhik. Napapatingin ako sa ibang taong mga naroon na nag naglilinis din ng kulungan ng baka sa hindi kalayuan ng aking kinapuwepuwestuhan. Ilang saglit pa'y sinimulan ko ang paglilinis matapos kong maisuot ang puting gloves. Kahit nakasuot na ako ng mask naamoy ko parin ang mabahong dumi ng baboy. Ibinaba ko ang mga panglinis mula sa kariton at sinimulan ko ang paglilinis mula sa malayong sulok gamit ang pala. Pinangdakot ko ito sa mga kumpol ng dumi na aking inilalagay sa kariton matapos. Habang abala sa paglilinis, kumakanta-kanta ako ng mahina para malibang ang aking isipan. Sa kasamaang palad wala pa rin namang nangyari. Sumasagi parin sa utak ko ang senaryo na paghalik ni Gavin sa akin. Binilisan ko na lamang ang paggalaw ko para maalis ang namumuong maitim na ulap sa aking isipan. Sa paglagay ko ng dumi sa kariton napatigil ako nang makita ko si Gavin sa labas ng tangkay. Nakatayo lamang siya't tila ako'y pinanuod sa aking ginagawa. "Ba't ka narito?" ang agad kong tanong sa kanya. Pinatayo ang palang hawak habang inaantay siya na sumagot. "Trabaho," ang kanyang sabi. Itinaas pa niya ang hawak na tingting. Katulad ko'y natatakpan din ng mask ang kanyang ilong at bibig. "Nagtanong ako kay Mip kung may alam pa siyang puwede kong pagkakitaan. Sabi niya dito raw ako sa alagaan nila. Hindi ko alam na narito ka rin pala nagtratrabaho kapag weekend." "Bakit dito pa? Marami namang iba diyan." Inalis ko ang dumi na kumapit sa aking boots gamit ang bibig ng pala. "Wala nga akong mahanap. Saka baka makita ako ng mga nakakilala sa akin." "Iyon ba talaga ang dahilan?" pag-usisa ko. "Parang hindi," aniya sabay ngiti ng malapad. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Kung makaasta ang lentek parang walang nagawang kahiya-hiya sa akin. "Kung 'dito ka maglilinis. Hahatiin ang ibabayad sa akin para mabayaran ka," ang sabi ko't nagpatuloy sa paglilinis. Pinagpapala ko ang mga kalapit na dumi. "Huwag kang mag-alala. Nakausap ko na si Mip tungkol diyan. Iba ang ibabayad niya sa akin at sa'yo," paliwanag niya. Nagkibit-balikat na lamang ako sa nalaman mula sa kanya. "Diyan ka sa kabila kung maglilinis ka," sabi ko't pinagpatuloy ang aking ginagawa. "Sabay na tayo rito," aniya saka siya pumasok suot ang boots. Sinundan ko siya ng tingin sa bawat niya paghakbang."Para mabilis matapos." "Sigurado ka ba maglilinis ka? Sa itsura mong iyan?" Napapatingin ako sa kabuuan niya. Suot niya'y puting sando na tinernohan ng itim na jogging pants. "Saka panigurado ako hindi ka sanay sa mga ganito. Mahihirapan ka lang." "Maglilinis lang naman. Madali lang iyan," ang buo niyang maipagmamalaki. Nagkibit balikat ako't nilinis ng walis ang dumi na dumikit sa sahig. Kinuha ni Gavin ang pala at siya naman ay nagdakot ng naiiwan pang dumi. Napapatingin ako sa ginagawa niya kasi mukhang hindi naman siya maarte pagdating sa ganoong gawain. Mabilis nga siyang nagpapala na kung titingnan ko'y tila nagpapasikat. Nakailang pabalik-balik siya ng pagdakot sa mga dumi hanggang sa mapuno niya ang kariton. "Doon mo ilagay iyan," ang sabi ko na nakaturo sa kaliwa kung saan naroon ang tambakan ng dumi. "Sige. Kung gusto mo ako na lang maglilinis lahat," suhestiyon niya na may kasamang pagtaas ng kilay. Tumayo siya ng tuwid saka hinayaan saglit ang kariton ng dumi. "Hindi ako lumpo. Punta na." Tinaboy ko siya gamit ang aking kamay. Minasdan niya lang ako ng pantay at binalewala ang aking sinabi. "Akala ko ba gusto mong mabilis kaya huwag kang tumunganga," dagdag ko pa. Sa sinabi ko'y muli niyang hinawakan ang kariton sabay tulak papalabas ng tangkay. Pero bago siya tuluyang makalabas, panandalian siyang tumigil sabay lingon sa akin. "Kailangan kong tingnan ka para madagdagan energy ko sa katawan," aniya sabay kindat sa akin na ikinakunot ko ng noo. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago siya umalis ng tangkay. Nailing-iling na lang ako habang pinagmamasdan siya sa pagtulak sa kariton hanggang sa tambakan ng mga dumi. Pinataob niya ang kariton sabay sipa sa likod nito para matanggal ang dumi. Sa bawat paggalaw niya'y tila naglalaro ang kalamnan ng makisig niyang pangangatawan. Nang mapalingon siya sa akin, inalis ko ang aking mata mula sa kanya. Bumalik ako sa paglilinis nang mapagtantong kanina pa ako nakatayo. Winalis ko ang mga natirang dumi sa mga inalisan ni Gavin. Si Gavin naman ay kababalik lang ng tangkay ng baboy. Tuloy-tuloy siya ng pasok saka nag-unat-unat ng kamay, pinapakita kung gaano kalakas ang kanyang braso. Nailing-iling nalang ako sabay walis ng walis. Ang nangyari sa aming dalawa ako ang taga-walis at siya ang taga-dakot ng mga dumi sabay lagay sa kariton. Siya rin ang nagtatambak ng mga dumi sa tambakan. Kung titingnan kaunit lang ang nagagawa ko. Pero pasalamat narin ako kasi hindi ako gaanong napagod. Nakailang ulit siya ng pabalik-balik sa loob ng ilang minuto hangnga sa nawala na ang gabundok na dumi. Pareho pa naming pinagmamasdan ang kabuuan ng tangkay habang nakatayo na magktabi. Ang kailangan na lang gawin ay walisin ang kabuuan nito. Kinuha ko ang hose upang paliguan ang sahig ngunit kinuha ito ni Gavin sa aking kamay. "Ako na para patas," ang sabi ko sa kanya sabay hila sa hose. Ngunit hindi siya nagpapigil saka muling hinila ang hose sa aking kamay. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako magrereklamo. Kahit alipinin mo pa ako, walang magiging problema sa akin," aniya habang nakahawak ang aming mga kamay pareho sa hose. Ang aming mga mata'y nagkakasalubong. Nag-uusap. Nagtatagisan. Nagpaparamdaman. Unti-unting gumalaw ang kanyang uluhan paibaba. Inalis ko ang kanyang kamay na nababalot ng glove sa hose sa paglapit niya ng mukha sa akin. "Pinapalampas ko ang kabaliwan mo. Pero ngayon umagang-umaga, iba na iyang sinasabi mo. Nababaliw ka na ano?" sabi ko. "Bakit? Hindi ba magandang pagsilbihan ka? Saka ayaw kong nakikitang napapagod ka." Pinitik niya ang ilong ko. "Tigilan mo nga ako Gavin," sabi ko sa kanya sabay layo. "Baka mamaya hindi ko na mapigilan," ang dagdag ko ng pabulong pero narinig parin niya ang sinabi ko. Mabuti na lang hindi naging malinaw. "Mapigilan ang alin?" Lumapit siya sa kinatatayuan ko sabay bukas sa hose kaya ang tubig ay tumama sa pader ng tangkay. "Na suntukin ka!" ang mariin kong sabi. "Parang hindi naman iyon ang gusto mong sabihin," aniya sabay ngiti. Inipit ko ang kanyang paa ng mariin kahit may boots. Tinaas-taas niya ang paa niya dahil sa sakit sabay ngiwi. "Magwawalis ako't ikaw ang tumutok ng tubig," suhestiyon ko nang matigil siya sa pag-aray. Tumango siya sabay lapit sa akin na ang lapad ng ngiti. Ako'y nailing na lamang. Ganoon nga ang ginawa namin, si Gavin ang taga-spray ng tubig ako naman ang taga-walis. Patuloy kami sa ginagawa na hindi gaanong nag-uusap. Habang tinatapos ko ang unang tangkay sa paglinis lumipat siya sa kabilang tangkay. Naroong kumikindat-kindat siya kasabay ng malapad na ngiti. Ang nagawa ko na lang ay isalubong ang kilay sa kanya. Matapos na mahakot niya ang mga dumi sa kabilang tangkay ito naman ang nilinis namin ng tubig. Lumipat narin ako ng puwesto nang makalabas sa unang tangkay. Namahinga siya saglit habang hinihila ang hose na hawak. Sinimulan ko ang pagwawalis sa pangalawang pagkakataon habang nagpupunas ng pawis sa aking noo. Si Gavin naman ay tinututok ang tubig kung saan ako nagwawalis. Nang walang anu-ano'y nag-iiba ang direksyon ng tubig, tumatama sa aking suot na boots. Kaya't tumatalsik ang tubig sa aking suot na short. Sinamaan ko siya ng tingin upang tigilan niya ang ginagawa. "May dumi, nilinis ko lang," aniya sabay alis ng tubig na tumatama sa aking boots. Tinutok niya ulit sa winawalisan ko. Tinapos ko na lamang ang paglilinis hanggang sa gilid. Nang maibalik ko ang tingin ko kay Gavin, napansin kong pinagmamasdan niya ang mga baboy na nag-iingay sa kasunod na tangkay. Kinuha ko ang walis at pala na inilagay ko sa kariton. Tinabihan ko siya't pinagmasdan din ang mga baboy. "Anong naiisip mo?" ang tanong ko sa kanya sa pagkatayo naming dalawa. "Ikaw ang iniisip ko," kanyang sagot. Dapat hindi na lang ako nagtanong binatukan ko siya ng malakas. Kamot ulo siyang napangiti sa akin. "Gusto mo mag-alaga ng baboy? Bibilhan kita," dagdag niya. Pinagsalubong ko ang kilay ko sa kanya. "Ba't naman pati ako mag-aalga ng baboy?" Iniwan ko siya sa kanyang kinatatayuan at ako naman ay lumakad na. "Para kumita ng pera." Sumunod siya sa akin ng lakad. Pareho kaming lumabas ng tangkay. Ako sana ang magtutulak sa kariton pero naunahan niya ako. Binayaan ko lang siya sa gusto niya. "Hindi ko kailangang mag-alaga ng baboy." Naglakad kami na tinutumbok ang cottage na nilalagyan ng mga gamit sa farm. "Kasi?" ang makahulugan niyang sabi habang nakatitig sa akin. "Anong kasi?" taka ko namang tanong. "Kasi ako ang gusto mong alagaan," sabi niya saka kinindatan niya naman ako. Ako'y napalunok ng laway. Sinipa ko siya sa muli sa paa bago nauna na sa lababo kung saan may hanay ng mga gripo sa gilid ng cottage. Nakangiting aso si Gavin sa pagpasok niya sa cottage. Kinuha ko ang tsinelas ko sa gilid ng lababo sabay hubad sa boots. Nagpalit ako't inilagay ko ang boots sa ilalim ng lababo. Kinuha ko na rin ang gloves saka aking itinabi. Binuksan ko ang gripo at hinayaang umagos. Naghugas muna ako ng aking kamay bago ako naghilamos ng mukha. Magsasabon na sana ako nang marinig ko ang pagsigaw ni Gavin. Dali-dali akong pumasok sa cottage dahil sa kaba. Naabutan ko si Gavin na pinagsisipa ang isang mahabang kawayan na tumumba. Iyon namang ginamit namin na kariton ay nakatumba rin sa lupa. Ang pala naman ay nakasabit na sa lagayan. "Anong nangyari sa'yo?" sabi ko sa paglapit ko sa kanya. Kinuha niya ang kariton sabay sandig nito sa dingding. "Sa pagmamadali ko sa pagkalagay nitong kariton biglang tumumba ang kawayan," tinayo niya ang kawayan saka initabi sa kariton. "Ba't ka kasi nagmamadali?" sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi. Kasi natatawa ako sa itsura niya na hindi maiguhit sa sobrang pagkabusangot. "Gusto ko lang." Pinakatitigan niya ako nang mapansin niyang nakangiti ako kaya inalis ko kaagad. "Nginitian mo ba ako?" dagdag niya saka inalis ang gloves sa kanyang kamay. Hinapo niya ang kanyang ulo na natamaan ng kawayan sa taas ng noo. "Hindi. Ba't naman pati kita ngingitian?" pagtanggi ko saka lumakad habang siya'y naiwang nagpalit ng tsinelas. Kanyang inilagay sa gilid ang hinubad na boots. "Nakita ko. Palusot ka pa," ang pahabol niya sa akin sa kanyang pagsunod sa akin sa lababo. Hindi ko na siya sinagot. Patuloy parin siya nag pagkapa sa ulo. "Tingan mo nga kung may bukol. Medyo sumasakit." Yumukod siya para makita ko ang kanyang ulo. Sinuri ko naman. Itinabi mo ang hibla ng kanyang buhok para makita kung may bukol nga. "Wala naman," sabi ko saka inilayo ko ang kanyang ulo. "Ayusin mo naman. Meron akong nararamdaman. Ang lakas kaya ng pagtama ng kawayan sa ulo ko." Sa mga sinabi niya pakiramdam ko tuloy hindi talaga siya natamaan sa ulo. Pinakatitigan ko siya. "Huwag mo akong pinagloloko. Umaarte ka lang na natamaan ng kawayan pero ang totoo hindi talaga," pagpalagay ko kasi pakiramdam ko wala naman talaga. Nang ngumisi siya ng malapad, totoo ngang walang nangyaring masama sa kanya sa loob ng cottage. Nagpatuloy na lang ako sa paghilamos para maalis ang mga kumapit na dumi sa aking mukha. "Paano kung dumating ang araw na may nangyari sa akin, anong gagawin mo?" Binuksan niya ang katabi kong gripo saka naghugas siya ng kamay. "Wala," sabi ko naman sa kanya. Saka hinugasan ang aking braso sabay sabon rito. "Seryoso? Wala talaga?" Kinuha niya ang sabon sa aking kamay saka siya nagsabon ng kanyang braso. "Oo dahil hindi ka naman importante sa buhay ko." Binanlawan ko ang braso ko. "Sa ngayon oo. Pero sa mga susunod na araw magiging importante rin ako sa'yo." Ngumiti siya ng malapad sa akin. Sinahod ko ang tubig sa aking palad sabay buhos sa kanyang mukha na kanyang ikinalayo. Inilabas ko sa kanya ang dila ko saka lumakad na. Tumayo ako sa hindi naliliman ng puno upang magpatuyo sa init ng araw. Mabilis na nag-anlaw si Gavin saka siya lumapit sa akin. Nakatayo lang kami pareho nang tumagal ay may napansin siya sa pisngi ko. Itinaas niya ang kanyang kamay pero kaagad kong inalis. "Anong gagawin mo?" sabi ko pa. "Kukunin ko lang ang bula ng sabon." Hinawakan niya ako sa galanggalangan sabay hila papalapit sa kanya. Pinahid ng likod ng kanyang kamay ang naiwang sabon sa gilid ng aking pisngi kalapit ng aking taenga. Napapatitig ako sa kanyang mukha kasabay ng pag-daloy ng kiliti sa aking katawan. Inalis ko ang kamay niyang nakakapit sa aking pulsuhan saka tumalikod sa kanya. Pinahid ko ng sarili kong kamay ang pisngi ko. Pagkatapos nito'y mayroon siyang sinabi na hindi ko nais marinig. "Naisip ko lang, Nixon? Saan na magulang mo? Kung may kapatid ka ba o wala?" Pinihit ko pabalik ang katawan paharap sa kanya. Sa sinabi niya'y sumagi ang ala-ala na hindi ko gustong maisip. "Ba't mo tinatanong?" sabi ko sa kanya saka umalis. Nakakaramdam ako ng lungkot, sa lahat ba naman ng puwede niyang itanong bakit iyon pang tungkol sa pamilya ko. "Kung wala ka ng magulang. Ako na lang mag-aalaga sa'yo. Ikaw, aalagaan mo ako. Tapos ako naman ang mag-aalaga sa'yo. Mag-alagaan tayong dalawa." Tumawa pa siya ng mahina na para bagang tuwang-tuwa sa lumabas sa bibig. Sa sinabi niya'y sinamaan ko siya ng tingin saka lumakad. Napapatingin sa amin ang mga taong naroon lalo na ang ibang nadaraanan namin, natigil ako sa paglalakad nang mapansin ko ang lalaking kumakaway sa akin kaya bumangga sa likuran ko si Gavin na tumakbo para makalapit sa akin. Niyakap niya ako sa mula sa likod kaya pinagtutulak ko siya. "Dumistansiya ka nga!" sabi ko para matigil siya kasi kahit anong tulak ko sa kanya. Yumayakap parin siya sa akin. Sinuntok ko na lang siya tiyan. "Bakit?" aniya habang nakangiwi. Hindi ko siya sinagot bagkus ay lumakad ako na tinutumbok ang lalaking kumakaway sa akin na nakaupo sa mahabang upuan sa ilalim ng punong manga sa gitna ng damuhan. Ilang hakbang ang layo mula sa puno ay ang likod bahay Pagkalingon ko kay Gavin nagpalit ang pag-uugali niya mula sa pagiging makulit na natambunan ng magalitin na Gavin. Binayaan ko na lang siya't lumapit sa lalaking nag-aantay. Nasanay na ako sa pag-uugali niyang ganoon. Matangkad ang lalaki kaysa sa akin. Kahit pangbahay na tshirt lang ang suot makikita ang kaguwapohan nito. "Magmeryenda ka muna," pag-alok nito sa akin. Naupo ito katabi ng tray ng sandwich saka juice. "Salamat," sabi ko saka naupo sa kabila ng kinauupuan ng lalaki. Sa puntong iyon nakalapit na si Gavin sa akin na naupo kasunod ko. "Kaibigan mo?" ang tanong ng lalaki habang pinagsasalinan ako nito ng orange juice sa mataas na baso. Napalingon ako kay Gavin dahil sa tanong ng lalaki sa akin. "Oo," sabi ko na lang sa pagbabalik ng sumpong ni Gavin. "And we're dating," dagdag ni Gavin na ikinaubo-ubo ko kahit wala naman akong nainom na tubig. Nasamid ako ng sarili kong laway. Nagsalubong ang kilay ng lalaki sa sinabi ni Gavin. Siniko ko si Gavin sa tiyan. "Nagbibiro lang siya," pagbawi ko dahil ako'y kinabahan bigla. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ng lalaki. "Don't worry hindi naman ako judgemental," ani ng lalaki. "So, he's the guy na naikuwento ng kapatid ko sa akin na nagkakainteres sa'yo? Or it's the other way around?" Mas lalong ikinabigla ko ang sinunod nitong sinabi. Napamura ako sa aking isipan sa baka anong naikuwento ng kaibigan ko sa kanya. "Hindi naman iyan ganoon, kuya Miyo," pagtanggi ko sabay inom sa juice. Tumawa lang ang lalaki sa akin. "Oh really?" ang hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. "What's he's doing here then?" "Gusto niyang kumita kaya naglinis din siya," paliwanag ko. "Actually, hindi iyan ang dahilan," ang pagsingit naman ni Gavin. "Ang totoo gusto ko lang talagang makita at makausap siya. Kapag nawawala kasi siya sa paningin ko nababaliw na ako." Kumabog ang dibdib ko sa pahayag ni Gavin. Nilingon ko siya dahil hindi ko nagugustuhan ang biro niya. Sinuntok ko siya sa braso ng malakas, siya naman ay masamang tingin ang pinukol sa akin. Sa pagkakataong iyon, ginawa ko ang dapat na sa tingin ko'y magpapatigil sa kanya. Hinawakan ko siya sa suot na damit sabay hila sa kanya. Bago pa siya maka-react inilapit ko ang aking mukha sa gilid ng kanyang ulo. Bago ako bumulong ako sa kanyang taenga. "Kapag hindi ka tumigil ewan ko lang," ani ko saka ko siya binitiwan. Pagtingin ko sa kanya'y kaagad niyang ibinaling ang tingin sa malayo. Samantalang si Kuya Miyo ay nakangiti lang sa amin. Nakahinga narin ako maayos sa pananahimik ni Gavin. "Maiwan ko muna kayo para makapag-usap naman kayo," ang biglang sabi ni Kuya Miyo saka ito tumayo. Inayos nito ang suot na pang-ibaba sabay nag-unat ng kamay pataas. "Dito ka lang kuya," pagpigil ko naman sa kanya. Pero imbis na pakinggang ang aking sinabi lumakad na ito. "May kukulitin pa ako kaya diyan muna kayo," kumaway pa ito sa pagkatalikod nito. Nakasunod ako ng tingin sa likuran nito hanggang sa makapasok ito sa kanilang malaking bahay sa likurang pinto. Pagkalingon ko kay Gavin, dumikit ito sa kinauupuan ko. Wala ng espasyo sa pagitan naming dalawa. "Ano ba ang kaya mong gawin sa akin Nixon?" sabi niya sa akin. Iniharap niya ako sa kanya sa paghawak sa aking baba. Itinaas ko ang aking kamay na akala niya ihahawak ko rin sa kanyang mukha. Ngumiti ako ng matalim sabay pingot sa kanyang taenga. "Aray naman," reklamo niya habang pinipigilan niya ang kamay ko na nakakapit. "Huwag ka ngang magsasalita ng mga bagay sa harap ng ibang tao baka isipin nila totoo iyon," ang sigaw ko sa kanya. "Oo, hindi na," aniya pero nakangiti parin kahit nakabusangot ang mukha dahil sa sakit. "Bitiwan mo na ako." Nang makitang namumula na taenga niya, inalis ko na nga ang kamay ko. "Nakakainis ka!," sabi ko sabay tulak sa kanya kaya nahulog siya sa upuan. Muli naman siyang naupo. Ako naman ay uminom pa ng juice para maalis ang inis sa kalooban ko. Hindi ko alam kung anong kinaiinisan ko. Sa sinabi ba ni Gavin kay Kuya Miyo? O katotohanang naapektuhan ako ng kanyang mga sinabi? Parang nagugustuhan ko na ang lumalabas sa kanyang bibig. Hindi ko namalayan na para ng papatay ang itsura ko na napansin ni Gavin. "Sorry na. Gusto mo ba sa'yo ko lang sabihin na nababaliw ako kapag 'di ka nakikita?" sabi niya. Sinamaan ko nga siya ng tingin. Hinawakan niya ang kamay ko sabay pisil-pisil ng marahan. Sinasabayan pa niya ng pagngiti, iyong ngiti niya na nagpapaawa. Binawi ko ang kamay ko sabay palo sa noo niya. "Ba't ka ba umalis bigla noong isang araw? Akala ko ba'y hindi ka aalis pagkatapos magigising nalang ako na wala ka na," sabi ko para mabaling sa iba ang pag-uusapan namin. Hinapo niya ang kanyang noo sabay baba ng kamay sa pagitan naming dalawa. "Ah kaya ka ba naiinis dahil doon?" sabi niya saka siniko-siko ako ng marahan sa tagiliran. "'Di ah. Gusto ko lang malaman ang dahilan kasi wala ka namang sinasabi kung bigla kang nawawala," paliwanag ko sa kanya. "Ah. Natutuwa ako na hinahanap mo rin ako." Sa malayo siya nakatingin kung saan lumilipad ang isang agila. "Akala ko hindi. Masyado ka pa namang malihim." "Hindi ako malihim. Sadyang hindi ko masabi." Napatingin narin ako sa agila na matayog ang lipad. Tila naglalaro lamang ito sa hangin. Ilang saglit ding namagitan sa amin ang katahimikan. Ni walang nagsasalita sa aming dalawa. Napatingin ako kay Gavin sa pananatili nitong walang kibo. "Ba't ang tahimik mo?" "May naiisip lang ako," tugon naman niya sabay ngiti sa akin. Binatukan ko siya kasi parang hindi maganda ang naisip niya. "Sagutin mo na iyong tanong ko kanina?" sabi ko na lang sa kanya. "Anong tanong ba?" aniya naman. Pinakunot ko ang noo ko sa kanya. Tumawa siya ng bahagya bago muling nagsalita. Ako naman ay sumubo ng tinapay. "Kung lagi kang ganyan baka 'di ko na makayanan hahalikan talaga kita ulit." Naiubo ko ang tinapay dahil sa narinig. Binigyan ko siya ng matatalim na titig. Humagikhik pa siya at ako namany ay inubos na lang ang juice na nasa baso. "Siya nga pala kaya ako umalis kasi tinawagan na naman ako ng daddy ko." Tumango-tango ako sa sinabi niya. "Anong klaseng pamilya ang kinabibilangan mo? Ganoon din ba sila katulad mo?" "Katulad ko? Bakit ano ba ako sa tingin mo?" "Isang baliw," sabi ko na ikinatawa niya. "Malayo. Seryoso ang daddy ko," pagsisimula nito. "Madali magalit iyon. Kunting kibot ko lang na mali. Paparusahan ako." "Na nakuha mo sa kanya," dagdag ko sa una niyang sinabi tungkol sa kanyang pamilya. "Siguro. Ang mommy ko naman istrikta. Bagay na bagay talaga sila. Sumasakit nga ulo ko sa dalawa." Natawa ako sa bigla kong naisip kung anong naging paano ang sitwasyon sa kanyang paglaki sa pangangalaga ng magulang na ganoon. "Idagdag pa ang nakakatanda kong kapatid na dalawa." "Naintidihan ko na kung ba't ka ganyan," sabi ko narin na matigil ako sa kakatawa. Sumisimangot na siya sa akin. Sinuntok niya ako sa braso. Napalakas pagkasuntok niya kaya napangiwi ako. Nataranta siya kaya dumikit siya sa akin habang hinahapo ko ang aking braso. "Sorry, 'di ko sinasadya," aniya saka minasahe ang braso ko nasuntok niya. "'Di ko na uulitin." Napabuntong-hininga ako ng malalim sabay tulak sa kanya. "Okay na. Mas grabe pa nga iyong nagawa ko sa'yo," saad ko. Inakbyan niya ako na inalis ko rin naman. Ipinatong ko na lang kamay niya sa upuan sa pagitan naming dalawa. "Sa akin okay lang na suntukin o sipain mo ako. Pero kapag ikaw ang nasaktan ko, 'di ko kaya." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko ngunit inalayo ko ang kamay ko sa kanya sabay tayo. Gumuhit ang kaunting pait sa mukha niya dahil sa ginawa. Wala akong magagawa dahil iyon ang dapat. Kailangan kong huwag ng masyadong palalilimin pa kung anong mayroon sa aming dalawa. Tama na iyong nagiging masayda ako kapag nakikita siya. Kami lang naman pareho ang mahihirapan sa huli kung lalampas pa doon. Iniligpit ko ang baso sa lagayan na tray para maabala ang sarili. "Alam ko mayaman kayo Gavin. Pero anong pinagkakaabalahan ng magulang mo?" dagdag kong tanong para lamang huwag mapunta sa aming dalawa ang usapan. Huminga siya ng malalim at tila naiitindihan niya rin naman ang gusto kong ipahiwatig. "Wala naman masyado. Puro trabaho lang alam nila. Sa dami ba naman ng kailangan nilang i-manage kaya pati ako nahihila," pagpapatuloy nito. "Tulad ng?" "Kapag sinabi ko sa'yo huwag mong ipagkakalat." Pinisil niya ang aking pisngi. Ako naman ay inalis ang kanyang kamay. "Eh wag mo na lang sabihin." Niligpit ko na ang nilagyan ng meryenda sa tray. Nagkamali ako ng lagay sa baso kaya natumba ang nahulog. Hinabol ko ang baso at nasalo ko naman ito bago pa mabasag sa medyo mabato na lupa. Pag-angat ko ng paningin ko'y napansin ko ang pamumula ng taenga ni Gavin. Nalaman ko na lang ang dahilan sa pagkapatong ng isa kong kamay sa kanyang hita. Inalis ko kaagad sambay tampal sa kanya kasi parang natutulala na siya. Nabalik naman siya sa reyalidad. "May sarili ba kayong kompanya?" ang sinabi ko na lang. "Oo, sa amin iyong Leonel," aniy habang mimasahe ang pisngi na aking tinampal. "Dinga?" sabi ko sa bahagyang pagkagulat. Kaya pala naroon si Nate sa bahay ng Kuya ni Geo ng magtungo kami doon. "Ang yaman niyo pala talaga." Binitbit ko ang tray saka lumakad na patungo sa bahay nina Mip. "Sila lang naman iyon. Hindi ako. Magulang mo, anong trabaho," tanong niya sa pagsabay sa akin sa paglalakad. "Simpleng magsasaka lang ang tatay ko. Tapos ang ina ko naman ay labandera lamang." Ilang hakbang pa'y narating narin namin ang bahay. "Akala ko ba patay na magulang mo?" ani Gavin na ikinatigil ko sa paglalakad. Tiningnan ko siya para malaman kung saan niya nakuha ang ideyang iyon. "Siyempre kasinungalingan iyon," ang nasabi ko na lamang para mapalitan ang pagka-intindi niya sa hindi ko pagsabi tungkol sa magulang ko. Maging siya'y huminto rin sa paglalakad. "Paano ako makakasigurado na hindi patay ang magulang mo?" panunubok niya sa akin. "Pumunta ka sa probinsiya," ani ko sabay lumakad ulit hanggang makalapit na nga ng tuluyan sa bahay. Bubuksan ko sana ang pinto nang pigilan ni Gavin ang kamay. "Saan?" tanong niya pagbukas niya sa pinto habang hawak parin ang isang kamay ko. Tinulak niya ito hanggang sa lumapad ang pagkabukas. "Ayan ang hindi ko puwedeng sabihin," sabi ko sa kanya. Tinuro ko ang kamay niya na nakahawak sa pulsuha ko dahil tala wala siyang balak bitiwan ako. Ngumiti lang siya sabay bitiw sa akin. Hinawakan ko ng maayos ang tray saka nagpatiuna ng pumasok. "May mga kapatid ka?" dagdag niya sa aking likuran. Lumapit ako sa lababo sa kusina saka nilagay doon ang hugasan kasama na ang tray. Naghugas narin ako ng mga kamay. Wala ang mga katulong dahil off ng mga ito kapag sabado. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang katanungan niya. Sa huli ang nasabi ko'y, "Wala." "Sigurado ka?" Sumandig siya sa lababo sabay hilig ng katawa para matingnan ako sa malapitan. Isang tulak nalang magbabangga na ang tongke ng aming ilong. "Sa tingin mo hindi?" sabi ko sabay tulak sa kanyang mukha gamit ang basa kong kamay. Pinahid niya kaagad ang mukha ng suot na damit. Dahil iyon narin ang ginamit niyang pangalis ng basa. Ipinunas ko na ang aking mga kamay sa damit niya. Sa bawat pagtama ng aking kamay sa kanya'y ramdam ko ang tigas ng kanyang dibdib. Nagkatinginnan kami dahil sa ginagawa ko. Na-estatwa ako kaya tila nakahawak ang aking mga kamay sa matigas niyang dibdib sa paghinto ko. Ngumisi pa siya ng matalim. Imbis na ako'y matuwa pinilipit ko na lang ang kanyang u***g na bumabakat sa kanyang suot na damit. "Aray naman," sabi niya. Natatawa na lang ako sa pagbitiw ko sa kanyang dibdib. "Kapag nagsisinungaling ka lang talaga. Gagahasain kita," ang banta niya para mga nasabi ko. Sinakal ko siya sapagkat hindi ko gusto ang ideyang iyon. "Ano iyang naririnig kong gagahasain?" sabi ng isang tinig sa aming gilid. Sabay kaming napalingon ni Gavin sa direksiyon ng boses habang ang mga kamay ko nasa leeg parin niya. Nakatayo si Kuya Miyo sa dulo ng malapad na counter. "Wala kuya. Nagbibiruan lang," sabi ko sabay bitaw kay Gavin. Sinuntok ko siya sa braso para bantaan siya na huwag siyang magsasalita ng kung anong magbibigay ng masamang ideya sa kuya ni Mip. "Kala ko may kalokohan kayong gagawin. Sasama sana," ani Kuya Miyo sabay tawa. Lumapit siya sa mataas na freezer saka binuksan ito. Kumuha siy ang inumin na tubig saka pinagsalin ang sarili sa basong nasa gilid lang din ng freezer nakalagay. "Uuwi na kayo?" "Oo, pakisabi na lang kay Mip," sabi ko sabay hila sa damit ni Gavin. Hindi naman nagpapapigil si Gavin na ipinagpasalamat ko. "Sige, pagkagising niya. Natutulog eh," ani Kuya Miyo kasabay ng pagtango. Umalis kami ng tuluyan ni Gavin. Hindi ko siya bitiwan hanggang hindi kami nakarating sa malapad na sala ng bahay nina Mip. Nakakasilaw dahil sa maputing sofa at kumikinang na sahig. "Sabay na tayo, Nixon. Hatid na kita," ani Gavin sa paglalakad namin patungo sa pinto. "Puwede rin namang sabay pero hanggang sa sakayan lang. Hindi puwedeng hatid," sabi ko. NIalakad namin ang malapad na damuhan hanggang sa gate. Pinagbuksan pa kami ni manong card ng maliit na gate para kami'y makalabas. "Bakit hindi? Gusto kong malaman kung saan ka tumutuloy?" Nilingon ko siya sa paglalakad namin sa gilid ng kalsada. Nginitian ko si Gavin ng masama. "Mabuti na iyong hindi mo alam." Napakamot siya ng ulo sa sinabi ko. Binilisan ko ang paglalakad para tingnan kung makakahabol siya. Nakalimutan ko na mahabang biyas ng paa ni Gavin saka malapad kong humakbang kaya nakakasabay parin sa akin. Tumigil na lang ako kasi ako ang hiningal samantalang siya ay hindi man lang. Lumiko kami sa isang kanto at naupo sa sakayan. Magkatabi kami pareho na nakamasid sa kalsada sa pagdaan ng bus. "Kailan ka ba uuwi sa inyo?" ang naitanong ni Gavin. Sa totoo lang hindi ko gusto ang sinabi niya. Ito ang isa sa pinakaayaw kong tanong dahil hindi ko gustong umuwi. Masasaktan lang ako kapag nangyaring umuwi ako sa sarili naming bahay. "'Di ko alam," ani ko. Ganoon pa man ay nasabi ko parin ang nais ng sarili ko na ilabas kahit hindi ako sigurado. "Wala kang balak umuwi, ano? Tara punta sa inyo. Malapit lang naman siguro." Pansin ni Gavin ang pag-iiba ng mood ko kasi tinutulak-tulak niya ako ng kanyang balikat. "Ikaw lang." Tinulak ko siya ng malakas kaya natumba siya sa upuan. Umayos din naman siya ng upon a natatawa. "Hindi rin ba maganda ang relasyon mo sa magulang mo?" tanong niya na nakatitig sa aking mukha samantalang ako'y sa kalsada nakapako ang atensiyon. "Parang ganoon nga." "Parehas pala tayo." Hinawakan ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay ko saka nilagay niya sa kanyang dibdib kung saan tumatambol ang kanyang dibdib. Ang kanya naman kaliwang kamay ay inilapat nya sa aking dibdib. "Kaya pala pinagtagpo ang ating mga puso." Hinablot ko ang aking kamay saka siya binatukan. "Mauna na ako. Dito ka lang. May pupuntahan pa pala ako," pag-paalam ko sa kanya. Lumakad ako na ako't iniwan siya na nag-aantay ng bus. "Ingatan mo ang puso ko, Nixon," sigaw niya sa aking pagkatalikod. Pinihit ko ang aking katawan pabalik sa kanya. Nakatayo siya habang ang lapad ng kanyang ngiti. "Anong iingatan ko?" sigaw ko kahit narinig ko naman ng malinaw. Patalikod akong naglalakad. "Ang puso ko," aniya kasabay ng pagkaguhit ng puso sa dibdib. "Iingatan? 'Di mo nga binibigay," sigaw ko sa kanya. Tumuwid na ako sa paglalakad sabay takbo ng mabilis para makalayo kaagad kay Gavin baka sumunod pa sa akin. Sa pagliko ko sa isang kanto'y nagtago ako rito't siya'y sinilip. Eksakto namang huminto ang isang bus sa antayan. Sumakay si Gavin na nakangiti ng malapad. Nasabi ko tuloy sa sarili kung anong naiisip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD