"Nababaliw na ako." Sinabunutan ko ang sarili ko at ngumuso sa kanya, "Anong tingin mo?" Nagkibit-balikat siya at tumingin sa malayo, "'Wag ka sa'kin magtanong. Hanggang pakikinig lang ako. Zero experience pagdating sa love." Wala akong ibang nagawa kundi ang bumuntong-hininga at tumango, "Hahanap na talaga ako ng bagong kaibigan na maraming experience sa love." Umasim ang mukha niya, "Ang sama." Natawa ako at tamad na ngumudngod sa mesa ko, "Maghanap ka na kasi ng girlfriend!" Pang-uudyok ko sa kanya. "What merit I could gain if I have a girlfriend?" Actually, nakikita ko sa kanya si Kuya Riu no'ng high school pa si kuya. Ganitong-ganito rin siya no'n. Ayaw mag-girlfriend at tinu-turn down ang bawat babae na ipapakilala ni mom sa kanya. Si Ate Taime lang ang kaclose niya na babae.

