"Damn! How could I say that?!" Nagpagulong-gulong ako sa kama ko at kinuha ang unan na malambot para yakapin nang mahigpit, "Idiot, Idiot, Idiot! What was I thinking?!" Humiwalay ako sa pagkakayap sa unan ko at bumuntong-hininga. Umupo ako at niyakap ang tuhod ko para mahimasmasan. Hindi ko na alam kung ano pang iniisip ko. Bakit ko sinabi 'yon sa kanya? Nakakahiya! Nagmukha akong cool ng five seconds pero no'ng naisip ko na 'yong pwedeng maging consequences no'ng ginawa ko, umatras din agad ako! Gusto kong bawiin pero... mukha siyang masaya kahit na walang kasiguraduhan 'yong sinabi ko. Ayokong bawiin 'yon. Mula no'ng bumalik ako rito sa Pilipinas, ngayon ko lang ulit nakita 'yong ganitong ngiti– uh, no. Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti ng ganito. Mas malaki 'yong ngiti niy

