Chapter 1

1995 Words
"Here, Riane." Nilahad niya sa'kin ang kamay niya at mahinang ngumiti. Hindi ko malaman kung anong kamay ang dapat na ibigay ko sa kanya dahil parehong pinangpupunas ko 'to sa mga luha na tumutulo sa dalawang mata ko. "I-I don't want to hold you. It's cringe. Disgusting... and–" She cut me off as she smiled. "Yeah, I know. We're not friends... that's what you'd like to say, right?" Yumuko ako at tipid na tumango. Am I worthy to be her friend? "Pero alam mo ba..." Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Halatang hindi na siya tatagal dito sa tabi ko. Mahina at payat na ang katawan niya habang nakaratay sa kama ng puting kwarto ng hospital na 'to. Halos hindi ko na rin marinig ang boses niya dahil sa hina. She's suffering a big time, isn't she? But she's strong. Na-endure niya lahat ng sakit at tumagal siya ng limang buwan sa loob ng kwarto ng hospital na 'to. I am envious of her. After all, I ain't strong like her. I'm just an empty soul passing by. What am I? "Hmm?" Tinuon ko sa kanya ang paningin ko at tipid na ngumiti. But I still want to stay by her side until the end. She gave me the hope... and love... I needed to go on. "Riane..." Kumunot ang noo ko. Ako lang ba... o parang nag-iba ang mukha niya? "D-Dara?" Nawala ang ngiti ko sa mukha niyang walang kaexpre-expression. "H-Hey... you fine? Should I call a doctor?" Akmang tatayo pa lang ako ay hinawakan nito ang kamay ko. "W-What's wrong?" Unti-unting sumama ang tingin nito sa'kin hanggang sa hindi ko na siya makilala. "D-Dara..." Tears were starting to form again. "You're my only friend that could help me, Riane..." Matabang ang boses niya at walang kabuhay-buhay. "H-Huh?" Hindi ko maintindihan. Anong nangyayari? Bakit ganito si Dara? May nakain ba siyang hindi maganda? "Why did you let me die?" D-Die? Dara... died? Die? Die? Die? Who died? "IT'S TIME! IT'S TIME! IT'S TIME! IT'S TIME! IT'S TIME!" Napabalikwas na lang ako ng gising dahil sa tunog na 'yon. Hawak-hawak ko ang dibdib ko habang hinahabol ang paghinga. "A dream... huh?" I gazed at my cellphone that was on the table. I just turned off the alarm as I stretched my arms. That nightmare again... Guess it couldn't be helped. Today was her death anniversary so it'd be better to visit her grave before going to school. Mag-iisang taon na rin mula no'ng umalis siya rito sa Earth. Lagi kong napapanaginipan 'yong gano'ng senaryo pero habang tumatagal, bumibihira na rin kaya medyo na-overwhelm ako ngayon. I still couldn't overcome it. Well, time heals everything. I'd just leave it like that. "Alright!" Sinigurado ko munang nasa bag ko na ang lahat ng kailangan ko bago isuot ang black shoes ko. "Oh... wait." I just shrugged when I remembered that today was Friday. Free kaming magsuot ng kahit anong damit kapag Friday. Basta hindi lang flashy. Friday was my favorite day so I could wear my different kinds of shoes. But today was my unlucky day. Wala na akong oras para magpalit kaya okay na rin 'tong uniform. Napabuntong-hininga na lang ako at saka kinuha ang panali ng buhok ko. Finally, all done. Sinakbit ko ang bag ko at naglakad palabas ng pinto pero napahinto rin ako nang maalala na may nakakalimutan ako– wait. That line was pretty ironic. Where on earth did I learn that? Pumasok ulit ako sa bahay at kinuha ang folder na nakapatong sa center table ng living room. "I almost forgot this... or I really forgot?" I mumbled to myself. This folder was important. Lalo na sa araw na 'to. "Manong, school." Walang ganang sabi ko at pumasok na sa loob ng kotse. Another day for me – empty day... again. Sumilip ako sa labas ng bintana at pumangalumbaba. Tiyak na magiging hectic ang schedule ko ngayon. Hindi ako pwedeng maging tatamad-tamad tulad ng nakasanayan ko mula nang magsimula 'yong school year dahil nasa panganib ang club namin. "Lady Riane, nandito na po tayo." Tumaas ang kilay ko at muling tumingin sa labas ng bintana. Nandito na nga kami. Hindi ko nahalata kahit na ang tagal kong nakatingin sa labas– parang sampung segundo ko lang tinanggal ang paningin ko ro'n. "Uh, I suppose so. Thank you." Sinakbit ko ulit ang bag ko at kinuha ang folder na may lamang mga papel. Unang sumalubong sa'kin ang kaunting sikat ng araw paglabas ko. It was still 7:30am, though. Inagahan ko talaga ang pasok para magkaro'n pa ako ng isang oras sa pupuntahan ko. It was also better if doon na lang ako sa sementeryo nagpababa pero ayos na rin naman 'to para maibaba ko muna 'yong mga gamit sa club namin at makita kung may bagong member na sasali. "Wha!" Napabagsak na lang ako ng upo pagdating sa club room. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante sa corridor kaya mabuting nakarating na ako rito. Sa laki ng bag na dala ko, daig ko pa ang magta-travel papuntang bundok, hindi kataka-takang pagtitinginan ako. I guess, it's really better that I came here first. Tumayo ako at binuhat ang bag ko papunta sa sofa. Pinunasan ko muna ang mesa bago ilagay roon ang folder. Ngayon lang ulit ako nakabalik dito mula nang magbakasyon kaya medyo maalikabok. Hindi na rin ako magtataka kung may magtanong na paranormal club ba 'to o horror club... the looks were shouting it. Napangiti na lang ako hanggang sa unti-unting natawa. I still remembered my first day in here. It was a warm welcome. Kinuha ko ulit ang folder bago lumabas ng club room. Sa kanya naman ako pupunta ngayon. 'Yong dahilan kung ba't ako nasa club na 'yon. Dara... huh? My only friend. The one that lightened my life... and darkened it... again. Malapit lang sa school ang sementeryo kung nasaan si Dara kaya lagi akong bumibisita rito kapag may pagkakataon o hindi busy sa pag-aaral. "Oh! Ang tagal mo ring hindi nadalaw rito, ah?" Bati sa'kin ng guard no'ng makita ako. I smiled a little as I nodded. "Busy po." Maglilimang buwan na nga mula nang dumalaw ako rito. "Ah, oo. Graduating ka na nga pala ngayon, ano?" Tumango ulit ako. "Sulitin mo na ang oras mo ngayon. Balita ko, mas mahirap ang college kaya baka mas mahirapan ka na ring makadalaw rito..." "Well, opo." I sighed. Wala naman akong magagawa ro'n. Kung pwede nga lang sana, dapat ay pareho na kaming graduating ngayon at magco-college next year. "Hayaan mo, lilinisin ko pa rin 'yong nityo niya para hindi ka mag-alala." Nagthumbs up ito at ngumiti. "Thank you. Ipapabigay ko na lang 'yong bayad sa driver namin," "Naku! 'Wag na, hija. Parte rin naman 'yon ng trabaho ko rito." Ngumiti lang ako at hindi na sumagot. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa nityo niya. I missed this atmosphere. I still remember that time. Pagkatapos mangyari no'n, lagi-lagi na akong nandito. Halos nakabisado ko na ang amoy at pagdampi ng hangin sa balat ko pati na ang bawat pangalan ng patay na nakalibing rito na malapit sa nityo ni Dara. It was a crazy thing to remember. I have to admit that. "Hi." I said as I reached her grave. Pinatong ko ang isang folder sa tabi ko at nilagay sa ibabaw ng nityo niya ang isang bulaklak na kakapitas ko lang mula sa club. Tinali ko ulit ang buhok ko at tumingin sa maaliwalas na langit. "Today's a nice day, Dara. Sana maraming mag-apply na bagong member." Umupo ako sa harap ng nityo niya at bumuntong-hininga, "You know, ako na lang 'yong natitirang member. Ang sabi ng president ng student council, hindi raw matatawag na club 'yon kaya kailangan ko pang maghanap ng ibang member." Pinagkrus ko ang braso ko, "Pero may sasali ba sa club natin? I mean, hindi naman sikat o cool 'yong mga ginagawa natin sa club kaya wala masyadong interesado," To be honest, hindi rin ako interesado sa club namin no'ng una niya sa'king in-introduce. Sobrang kulit niya lang talaga no'n at ayaw niya akong tigilan kaya wala na ang nagawa kundi ang pumayag na sumali sa club nila. "But I promise... I'll do my best to search for new members. Please help me, alright?" I widened my smile. Ilang minuto pa akong nagstay at kinausap si Dara. Marami akong kwento sa kanya dahil kagagaling ko lang sa Spain. Isa 'yon sa mga bansa na gusto niyang mapuntahan na hindi naman namin natupad. "Well, bye for now. I'll be back." Tumayo na ako at pinagpag ang palda ko. Ngumiti ulit ako bago maglakad paalis. Ramdam ko ang paglakas ng hangin na dumadampi sa balat ko sa bawat hakbang ko. It gave me chills. Hindi nakakatuwa ang ganito biro, Dara. Seriously. "Pakilinis na lang po 'yong kay Dara kapag hindi ako nakakadalaw. Salamat po." Binaba nito ang asul na folder na binabasa niya. "Aalis ka na?" Tumango ako pero napatigil din. "Oh, sige. Ingat, ha?" "Teka po!" "May nakalimutan ka ba?" Mabilis akong tumango at saka nagmadaling tumakbo pabalik kay Dara. Nakalimutan ko 'yong folder! Nanganganib na 'yong club namin at mas lalo pang nanganib. 'Wag naman sanang hanginin! Mabuti na lang talaga at nakita kong may hawak na folder 'yong guard kaya naisip ko agad 'yong akin. In the very first place, bakit ko pa ba kasi 'yon dinala? I wanted Dara to see it but she couldn't and she wouldn't, anyway. Ang aga-aga, haggard na agad ako! Gaano ba kahassle ang araw na 'to? "Huh..." Kumunot ang noo ko pagdating sa nityo ni Dara. 'Yong folder... nawawala 'yong folder! "What the..." Where the hell did it go? Tiningnan ko na ang mga posibleng lugar na pwedeng pagbagsakan o mapuntahan no'n kung sakaling humangin pero walang kabakas-bakas kahit isang papel na nalaglag. Napaupo na lang ako at nasabunutan ang sarili ko. Sorry, Dara. I promised that I'd protect the club no matter what happened... but this was the end. I have no hopes... I fully gave up. Para akong tinakasan ng buhay paglabas ko sa sementeryo. Hanggang sa makarating sa school ay dala-dala ko ang bad vibes na bumabalot sa katawan ko. Mukhang kailangan ko pang pumunta sa student council mamaya para magsabi na ipapasara na ang club namin. Or no. Dara entrusted me the club. "What the hell!" I shouted out of frustration. Not to mention that I was still walking in the hallway. Napakagat na lang ako sa labi ko at dali-daling naglakad dahil sa kahihiyan na dinulot ko. Bakit ba ako bigla-biglang sumisigaw? What's wrong with me?! I needed to be strong. Kahit para sa club lang. Hindi ko pwedeng hayaan na basta-basta lang ma-dissolve ang pinagmulan ng friendship namin ni Dara. Pero may pag-asa pa ba talaga ako? Maybe, I'd just really give up. "Why are you staring?" Napamaang ako sa kinatatayuan ko nang mapansin na may estudyante sa harap ko. Hindi lang basta estudyante. Daphne... We weren't close to each other but I didn't like her. Hindi naman siya 'yong tipo ng bad girl katulad sa mga movies or drama. Actually, friendly siya. Sikat din siya sa school namin dahil siya 'yong kadalasan na mga pambato sa beauty pageants. But there's something about her that is ticking me off. "Nothing," Diniinan ko ang pagsagot. "Oh..." Tumaas ang kilay niya hanggang sa napunta sa ngiti, "Have a nice day, Riane," iyon ang narinig kong sinabi niya bago niya ako lagpasan. Kita ko ang pagwala ng ngiti niya bago siya tuluyang makalagpas sa'kin. Tsk. She really ticked me off. That look on her face... I wanted to erase it. Huminga na lang ako nang malalim bago magpatuloy sa paglalakad o– hindi. "It hurts..." Mahinang aniko at hinimas ang ulo ko na tumama sa kung anong matigas na bagay. What was that? "M-My seventh attempt..." What? Unti-unti, mas sumasama ang araw ko. "Tsk! Alis!" It was a guy. Teka... ha? Alis? Ako? Did he just say tsk? To me?! At... talagang hinawi niya ako! Halos tumama na ako sa bintana ng isang classroom kung hindi ko naregain ang balance ko. Humugot ako nang mahabang paghinga at kinuyom ang kamao ko. Now. Now that somebody did that... That lowlife birdbrain would pay! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD