I was wearing a blue dress. Hapit sa katawan ko ito na mataas ng ilang sentimetro sa tuhod. Pa-off shoulder ang style niya. Tinititigan ko ang sarili ko sa salamin habang inaayos ang buhok ko. No'ng makontento na ako sa ayos ay sunod kong kinuha ang make-up set ko at naglagay ng light lang na make-up. Para rin matakpan ang eyebags ko. Hindi ako palaayos na tao pero ayokong magmukhang dugyot sa kasal ng best friend ko. Ilang minuto ko pang tinitigan ang sarili ko sa salamin bago nakontento. Bumaba ako at sinalubong sina mom, dad at kuya na nasa living room na. Ako na lang yata ang hinihintay. "You look great, Riane. Kailan naman kaya ang kasal mo?" Pagbibiro ni mom. Lumapit sa'kin si kuya at inalalayan ako sa paglalakad. I was also wearing a stilletos. It wasn't my first time– m

