Chapter Three

1607 Words
SA GITNA ng nag-iinit na halik, unti-unting bumalik sa ulirat si Celeste. Pilit niyang nilabanan ang pagkalango sa emosyon at marahang itinulak ang matipunong dibdib ni Leandro. Naputol ang halik. Pareho silang humihingal, ngunit may malamig na reyalidad na bumalot kay Celeste. "Wait... Sir Leandro, stop," nanginginig ngunit pilit na pinapatapang ni Celeste ang boses. Umatras siya ng isang hakbang at inayos ang nagusot niyang blouse. Kumunot ang noo ni Leandro, ang kanyang madilim na mga mata ay puno ng pagnanasa ngunit may bahid ng pagtataka. "Why? Did I hurt you?" "No," mabilis na sagot ni Celeste. Tumingin siya nang diretso sa mga mata nito. "Ano'ng ibig mong sabihin kanina? Na huwag na kitang tawaging Sir?" Napanganga nang bahagya si Leandro. Tila ba ngayon lang nag-sink in sa kanya ang mga salitang lumabas sa sarili niyang bibig. Napasabunot siya sa sarili niyang buhok, halatang nalilito rin sa mabilis na pagbabago ng sitwasyon at sa bigat ng emosyong bumabalot sa kanya. "I... I don't know, Celeste. Honestly, I don't. Everything is just confusing right now. But I know I want you here." Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Celeste. "Exactly. You don't know." "Celeste—" "Sir Leandro, alam ko po ang lugar ko," putol niya rito, pilit na pinapatatag ang boses kahit nanginginig na ang kanyang mga kamay. "Ikaw ang Chief Financial Officer ng kumpanyang ito. Galing ka sa isang prominenteng pamilya, kapatid ka ng isa sa mga pinakasikat na abogado sa bansa. At ako? Isa lang akong clerk sa research team. Hanggang doon lang iyon. Masyadong malayo ang mundo nating dalawa." "Do you think I care about our social status right now?" seryosong tanong ni Leandro, humakbang palapit sa kanya. Umatras si Celeste. "I do. Kasi iyon ang totoo." Humugot siya ng malalim na hininga bago ibinagsak ang bigat na dala-dala niya. "Kaya kung ginagawa mo ito... kung hinahalikan mo ako ngayon dahil na-gu-guilty ka na nakuha mo ang pagkabirhen ko... please, huwag." Natigilan si Leandro. "That's not—" "At kung nakokonsensya ka dahil nalaman mong dalawang taon kitang palihim na inaalagaan, na ako ang nagtitimpla ng kape mo at nagbibigay ng gamot mo, stop," dire-diretsong sabi ni Celeste, pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo. "Sir, I did all of that willingly. Ako ang may gustong gawin ang mga bagay na iyon. I gave you my virginity because I wanted to, and I took care of you because I loved doing it. Wala akong hinihinging kapalit. Hindi mo kailangang bayaran iyon ng kahit ano." "Dammit, Celeste, I am not trying to pay you back!" medyo tumaas ang boses ni Leandro, puno ng frustration ngunit may halong pagka-desperado. "I am just trying to figure out why I can't get you out of my head since that night in Batangas!" "Baka nabibigla ka lang," malumanay ngunit basag ang boses na sagot ni Celeste. Nag-umpisa nang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Please... Sir Leandro, huwag mong pagkamalan na pagkagusto ang nararamdaman mong utang na loob o awa para sa akin. Don't force yourself if you're not ready, or if you're just doing this out of pity." Tuluyang bumagsak ang luha mula sa mga mata ni Celeste. Napaiwas siya ng tingin, niyayakap ang sarili na parang pilit pinoprotektahan ang pusong nasasaktan sa sitwasyong kinaiipitan ngayon. "Galing ako sa magulong pamilya," garalgal na bulong niya, ang boses ay puno ng pait. "Hiwalay ang mga magulang ko, ang lola ko walang ibang nakikita sa akin kundi pera... I grew up surviving all on my own. Pagod na pagod na ako sa bigat ng pasanin ko at sa gulo." Nakatitig lang si Leandro, walang masabi, tila ba tinamaan ng isang matinding suntok sa dibdib nang makita ang kahinaan ng dalaga. Pinunasan ni Celeste ang mga luha niya at ngumiti nang tipid. "All I ever wanted was to be truly loved... at magkaroon ng isang totoong tahanan na masaya at payapa. Hindi ko iyon mahahanap sa isang sitwasyon na puno ng kalituhan." Tumalikod si Celeste at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto. Binuksan niya ito at bago tuluyang lumabas, sumulyap siyang muli sa nakatayong CFO. "Excuse me, Sir Leandro. Babalik na po ako sa trabaho." NANG MARINIG ni Leandro ang mahinang paglapat ng pinto, naiwan siyang nakatayo sa gitna ng kanyang malawak at tahimik na opisina. Para siyang napako sa kinatatayuan niya. Wala na si Celeste, pero ang amoy ng vanilla perfume nito—at ang bigat ng bawat salitang binitawan nito—ay tila naiwan sa hangin. "All I ever wanted was to be truly loved... at magkaroon ng isang totoong tahanan..." Paulit-ulit na nag-echo ang humihikbing boses ni Celeste sa isip niya. Unti-unting nanghina ang mga tuhod ni Leandro kaya napabagsak siya sa mismong leather couch kung saan muntik na silang magpadala sa tawag ng laman kanina. Napasabunot siya sa sarili niyang buhok at mariing napapikit. "F*ck... you're an idiot, Leandro," gigil na bulong niya sa sarili, puno ng pagsisisi. She was right. He acted on raw desire and confusion. Inatake niya ito ng halik dahil nababaliw siya sa isiping tinatakasan siya nito, na parang isa lang siyang one-night stand. Pero hindi niya naisip ang mas malalim na pinagdadaanan ng dalaga. Awa? Utang na loob? Napailing si Leandro. Hindi awa ang nararamdaman niya. It was deep, profound admiration. Paano siya maaawa sa isang babaeng mag-isang itinaguyod ang sarili mula sa pagpa-part-time sa mga restaurants at egg shop? Paano magiging utang na loob lang kung sa tuwing gabi, bago siya matulog matapos ang nangyari sa kanila sa Batangas, ang maamo at nakangiting mukha nito ang naiisip niya? She had a broken family who only treated her like an ATM, yet she still had so much love to give—enough to silently take care of a grumpy, demanding CFO for two straight years without asking for a single "thank you." Biglang may nag-alab sa dibdib ni Leandro. Isang determinasyon na hindi pa niya naramdaman sa buong buhay niya, kahit pa sa mga pinakamalalaking business deals ng Co Law Firm. He didn't just want her in his bed. He wanted to give her the home she was desperately crying for. At papatunayan niya iyon. Hindi sa pamamagitan ng pag-corner sa kanya sa opisina, kundi sa tamang paraan. Mabilis siyang tumayo, inayos ang sarili, at pinindot ang intercom sa ibabaw ng desk niya. "Garry, come inside. Now." Wala pang limang segundo, bumukas ang pinto. Pumasok si Garry na parang nerbiyosong pusa, inaaasahang masisante siya dahil sa muntikang pagkahuli sa kanila ni Attorney Carson kanina. "S-Sir? I swear hindi ko po alam na nandiyan si Celeste sa ilalim—I mean, sa loob ng opisina niyo kanina! Akala ko po nakaalis—" "Garry, sit down," kalmadong putol ni Leandro. Ang boses niya ay seryoso, walang bahid ng galit, kundi puro awtoridad. Dahan-dahang naupo si Garry sa visitor's chair. "P-Po?" Tinitigan siya ni Leandro. "You're close to her. You've been covering for her for two years. Tell me everything about Celeste Detiangco. Her routine, her struggles, her meals. Everything." Napalunok si Garry. "Sir... baka magalit po si Celeste—" "I am not going to use it against her, Garry. I want to take care of her," Leandro confessed, his voice softening, surprising even his secretary. "She thinks I'm just playing around. I need to fix this." Kumurap-kurap si Garry, unti-unting nakikita ang sinseridad sa mga mata ng kinatatakutang CFO. Huminga siya nang malalim at nagsimulang magkwento. "Sir, minsan po... hindi siya nagla-lunch. Dinadahilan niya busog pa siya o marami pang research papers, pero ang totoo, tinitipid niya ang allowance niya. Kanina lang po, narinig kong pinadalhan niya ng pambili ng laptop ang pinsan niyang senior high school tapos nagbayad ng kuryente para sa Lola niya sa probinsya. Naubos po ang sweldo niya." Parang may bumaon na patalim sa dibdib ni Leandro. Kaya pala ganoon na lang kadaling sabihin ng dalaga na pagod na ito sa gulo. "And Sir..." dagdag ni Garry, bahagyang ngumiti nang malungkot. "Totoo po lahat ng sinabi niya sa inyo. I've seen and known it all. Aabotin siya ng alas otso ng gabi at tuwing alas sais y medya pa lang ng umaga, nandito na si Celeste para linisin ang draft ng financial reports niyo para hindi kayo ma-stress pagpasok. Tapos bibili pa po iyan ng stocks para sa paggawa ng paborito mong kape at sa loob ng dalawang taon ay kabisado na niyang timplahin kahit nakapikit pa siya." Leandro nodded, his jaw tightly clenched. Damn it. She gave everything to everyone, leaving nothing for herself. "Okay. Thank you, Garry. That's all I need to know." Kinuha ni Leandro ang kanyang itim na American Express credit card mula sa wallet at inilapag sa mesa. "Take this." Nanlaki ang mga mata ni Garry. "S-Sir?" "Starting today, you will order the best lunch for the entire research team. Every single day. Put it on my card. Make it look like a 'department-wide incentive' para hindi siya maghinala at hindi siya mapahiya. Make sure she eats." "O-Opo, Sir!" "And Garry?" pahabol ni Leandro bago makalabas ang secretary niya. "Yes, Boss?" "Cancel all my dinner meetings this Friday. And get me the address of her apartment in Taguig. I'm going to court her properly. Walang palya. Ipapakita ko sa kanya kung ano ang kayang gawin ng isang Leandro Co kapag seryoso siya." Napangiti nang malawak si Garry bago tumango at lumabas ng opisina. Naiwang mag-isa si Leandro, nakatingin sa malaking glass window ng opisina niya na natatanaw ang buong BGC. Unti-unting sumilay ang isang determinadong ngiti sa mga labi niya. You want a real home, Celeste? I'll build you a damn castle if I have to. Just wait for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD