SIMULA

479 Words
Warning: Sa Thesis ko lang ang may free grammarian kaya expected na walang grammarian dito; wala akong pera LOL. Hindi tayo perfect kaya huwag mag-expect na tama lahat ng grammar. K? Ang lahat ng ito ay pawang imahinasyon ko lang kung may coincidence man, hindi ko na kasalanan yon. Basta, magsusulat ako XD. SEARING LOVE OF AUGUST IS WRITTEN BY: LANGGRICONOMICS Maraming salamat sa magbabasa kahit di ko kayo kilala. NOTE: THIS IS PSYCHOLOGICAL THEME AND ONLY FICTITIOUS. ... Kandencelle Iskolar ako dahil pinangarap ko. Nakapasok ako dahil nga iskolar ako. Di namin afford ang mag-aral sa Unibersidad na ito pero dahil pangarap kong pumasok rito ay ginawa ko ang lahat. Blowin' in the Wind stage team is one of the most exciting part! Matagal ko nang pinangarap ang makapag-play makita ang sarili na isang portrayer sa magandang nobela. I am a huge fan of Emily Bronte's work much more of her tragic story like Wuthering Heights. Huwag naman sanang trahedya ang kalalabasan ng storya ko. Basta gusto ko lang talaga makapag-aral ng matiwasay dito sa Bens University. Kasama ko ang nag-iisa kong bestfriend for all seasons si Rilynn. Afford naman niyang makapag-aral dito eh dahil nasa abroad parents niya e ako umaasa sa scholarship. Mabuti nalang talaga mabait sa akin ang tadhana dahil nakita ko sa listahan ang pangalan ko! "BESSSSSY! Napili ka sa theatre! Theatre actress kana Kit! Congratulations bruha!!" sigaw niya sakin. Pinagmasdan ko ang listahan na iyon, yon ang nagbibigay pag-asa sa akin na matupad ang mga pangarap ko. Thank you Lord! Free full tuition na ako! "Ako hindi mo ba ako e ko-congratulate?" nagtatampong sabi niya. "Para saan?" "Syempre nakapasa ako sa entrance exam! Ano pa nga ba! Edi sabay tayong mag-aaral sa BU!" natutuwang anunsyo niya. Ah, that... akala ko nag-apply din siya ng scholarship e. Plano pa naman niya pumasok sa basketball team. Hulaan niyo kung bakit. "MAKIKITA KO NA SIYA PERSONALLY!" See? Hindi ko nga kilala yang sinasabi niya. Ni pangalan. Hayskul palang magkaklase na kami ni Rilynn sa isang private school. Hindi gaano kamahal katulad dito. Maingay na talaga siya simula nun, hindi magpapatalo, at hindi ka bibitawan kapag walang nakuhang sagot na nakapagsatisfy sa kaniya. "Simulan na natin ang mala w*****d na story natin! Baka may mafall sakin dito agh tapos hindi ko masalo. Kawawa naman siya." hambog talaga minsan. "Ikaw din baka meron tyaka maghahabol!" sabi niya ulit pero kinilabutan ako. Wala akong oras sa ganiyang bagay, may pangarap ako. Hindi muna ako maglalande, ayokong matulad sa kaibigan kong bago lang hiniwalayan. Haha. Namatay na si Papa, buhay si Mama, may Tita akong maganda pero walang boyfriend, meron pa akong Lola na pinupuntahan ko tuwing free time. At meron akong kaibigan na walang kasing daldal. "Oy alam ko yan iniisip mo! Naiisip mo ng magboyfriend no?" pang-aasar niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nagpatuloy sa paglalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD