03: HAVE WE?

1684 Words
SAGE "One Americano and a slice of blueberry cheesecake. Alright, got it po!" I smiled at the customer after I got her order. Umalis siya sa counter para bumalik sa table niya habang ako naman ay kumilos na para ihanda ang inumin at pagkain niya. It has been a week since Ralph and I met at the park. Kahit paano, unti-unti nang tumatatak sa akin ang mga sinabi niya. It took some teaspoons or maybe cups of tears to finally stop crying about his revelations. If I am being honest, I haven't felt okay since that time but I'm getting better now. At least. Saka, wala naman kasi akong magagawa. It happened already and all that's left for me to do is teach myself to be okay. Because like how Rome wasn't built in a day, we can't be fine in an instant too. If something caused us pain, it is fine if it takes so much time to move on from it. It is alright to take all the time in our hands to heal. Pero dahil kailangan ko pa ring iligaw ang isipan ko sa mga nangyayari, pumapasok pa rin ako sa shop. Alam ko rin naman na dapat ihiwalay ang trabaho sa personal na buhay kaya hindi ako masiyadong nahihirapan. Kaya heto ako, dahan-dahang nagbubuhos ng espresso shot sa mug na may lamang mainit na tubig saka nilagay ito sa bandeha kung saan nakapatong ang platito na may laman namang slice ng blueberry cheesecake. "Leo, got new orders?" I asked Leo while wiping the sides of the platter for any excess cream or blueberry compote. This is what I do in this humble coffee shop everyday. I prepare drinks and desserts, and make sure that everything here is fine. It sounds like a really easy job but it is not—especially when customers just flock like a group of migratory birds here. Minsan, nakakatapon din ako rito ng kape o tsaa kapag wala talaga ako sa sarili. We all have that kind of day, don't we? May mga araw rin na mali-mali ang pagkahiwa ko sa chiffon milk cakes o cheesecakes at iyon ay talagang hindi pinapayagan dito sa amin. Kapag nakagawa kasi ako ng ganoong uri ng pagkakamali, wala akong ibang puwedeng gawin kung hindi bilhin ang maling hiwa o ang buong cake, kung minamalas talaga ako. Ayaw ko rin naman kasing mapagalitan at lalong hindi kami p'wedeng maghain ng hindi pantay-pantay na cake slices. Like I said, we have to keep everything nice and crisp around here. "Wala pa, madam Sage," natatawang sagot ni Leo na naghuhugas ng mga pinggan ngayon. Siya lang ang nag-iisang taong nakita kong masayang maghugas ng plato. "Alrighty, Leo!" Lumabas ako sa counter para ihatid ang tray sa customer dahil nga naghuhugas pa ng pinggan si Leo. Nagpasalamat sa akin ang customer at bumalik na ako sa counter para maghintay ng susunod na order o additional requests ng current customers. Habang naghihintay, nagpasiya akong punasan muna ang countertop dahil may ilang patak ng kape at milk tea mula sa mga drink kanina. Nakayuko ako habang ginagawa iyon kaya hindi ko napansin na may tao na pala sa harap ko. "Excuse me, miss. Can I get a cup of hot latte, please?" Wait a second. That voice. Agad akong tumingala at daig ko pa ang taong biglang ginising habang mahimbing ang tulog sa sobrang gulat. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako nakapagsalita kaagad. Si Riel. Tama; si Riel, nakatayo sa harap ko at umu-order ng kung ano mang sinabi niya na hindi ko na naintindihan. He is wearing a white oversized shirt and he's looking fine in it. "I-I'm sorry, ano nga po uli 'yon?" I asked. Agad kong inihagis sa lababo kung saan naghuhugas si Leo ang basahan na ginamit ko kaya narinig kong napahiyaw ang kasama ko. Mamaya na ako hihingi ng pasensiya sa kaniya. Naningkit ang mga mata ni Riel. "I think I've met you before." You sure did. "A-at the forest." His face brightened and a faint smile formed across his reddish lips. "Ah, yes. The forest lady, right?" Forest lady, really? "Yes sir, that's me," I answered. My voice is a bit shaky because I'm still at the state of shock that he's here. Riel made a face. "Sir, huh? Like you did not shove me away from your treehouse." "I am sorry but what's your order again, sir?" I asked, ignoring his remarks. I'm at work so all personal matters must be set aside and that definitely includes Riel. Riel nodded, realizing his mistake. "Oh, right, sorry. One cup of hot latte for me, please." "Is that all? Dessert, sir?" "Just had my morning bagel so that's all. Thank you." "Ise-serve ko na lang po ang drink niyo, sir," wika ko bago siya talikuran para asikasuhin ang drink niya. Diniinan ko talaga ang sir. Latte is quite an easy-to-prepare drink that's why it didn't take much time to serve. Sa sobrang bilis, hindi pa rin tapos sa paghuhugas si Leo na naka-earphones pa kaya wala akong choice kung hindi ihatid ito sa table ni Riel. Where is Leo when you need him the most? Well, he's vibing to his favorite band, screaming like a mad man as if he's fighting for his life against the dishes. I sighed. Umaasa lang ako na sana ay hindi na ako asarin ni Riel. I'm still in the process of moving on and any interaction with him would be of no help. Nakakainis lang na natunton niya kung saan ako nagtatrabaho. Of all coffee shops, why here? "This is your hot latte, sir." Inilapag ko sa mesa niya ang tray kung saan nakapatong ang umuusok pang kape. Naroon na rin ang table napkin, extra sugar at creamer packet pati na ang kutsarita at handout copy ng menu namin kung sakaling may bilhin pa siya. Oo, inunahan ko na siya sa lahat ng puwedeng mangyari. Ayaw ko na kasing tatawagin niya ako uli rito para sa anumang kailangan niya. I need him gone from this place as soon as possible. Tumango si Riel at nagpasalamat. Aalis na sana ako ngunit bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Agad na dumirekta ang tingin ko sa mahahabang daliri niyang nakapulupot sa manipis kong palapulsuhan. Napansin yata ni Riel na nagulat ako sa ginawa niya kaya agad niya itong tinanggal at pumeke siya ng ubo. My eyebrows furrowed as I pulled my wrist away from him and glared. What is he up to? Now, not to be assuming, but him pulling my wrist and suddenly appearing in our shop made me think that this isn't all a coincidence. "May problema po ba tayo?" I asked, looking into his eyes directly. Medyo iritable ang tono ko para maramdaman niyang hindi ko gusto ang ginawa niya pero hininaan ko ang boses ko dahil ayaw ko ng komosiyon lalo at matao ngayon. Umiling siya at nagbato ng tingin sa akin. "Wala naman, miss. But could you spare me a moment? I need to ask you something." "Busy po ako." "Just. . . a few minutes. Mabilis lang." Paano ko ba kasi sasabihin sa kaniya na ayaw ko siyang kausapin? Paano ko ba sasabihin na ayaw ko kapag nandiyan siya nang hindi masasaktan ang feelings niya? This is so annoying! Wala nang ibang pagpipilian, umupo ako sa silyang nasa tapat ni Riel, napapikit na lang. "Sige, basta saglit lang po. I still need to—" "I just need your confirmation," pagpuputol niya sa sinabi ko. Sumandal siya sa upuan niya bago kinuha ang tasa ng inumin niya at humigop doon. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at napairap na lamang sa inis. Ayaw ko nga siyang makita tapos heto kami ngayon, nakaupo sa iisang mesa. "Ano po bang tanong mo?" Saglit siyang tumigil sa pagsimsim ng inumin niya. He then raised his hand, like he is telling me to stop. "Please. . . drop the po." Uminom na siya uli sa kape niya bago ito dahan-dahang nilayo sa labi niya. Last time I checked, Riel is not this dramatic. The winter in the States must've done something to his dramatic tendencies. "Okay. Pero ano ba ang tanong mo?" "Have we met before?" Napakurap ako at nagbalik ang tingin sa kaniya. What kind of question is that? "Of course, we have met before. Nakalimutan mo na ba agad? I am the forest lady—" "No, not that. Before that," pamumutol niya muli sa akin. Naging seryoso ang mga mata ni Riel at parang sinisipat niya kung nagsisinungaling ba ako. Ngayon, nanlamig ang katawan ko. Hindi ko inasahan na may kasunod pang tanong kaya muli akong umiwas ng tingin sa kaniya at natulala sa labas ng coffee shop. "Answer me, miss. . . Sage." How did he— Oo nga pala. May nameplate na nakakabit sa apron ko at malamang binasa niya 'yon. 'Wag assuming, Sage. Parang sa bawat segundo na hindi ako sumasagot, lumulubog ako sa upuan ko at unti-unting nilalamon ng kaba. Nakakainis. Ang daming p'wedeng tanong, bakit 'yan pa? I sighed, surrendering. I have no other choice but to lie. Just a little bit. "No. We haven't met before that forest incident." Tumayo na ako at akmang aalis nang magsalita siya uli. "Really," sabi niya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil tinalikuran ko na siya pero nararamdaman kong natatawa siya. He sounded so sarcastic it made me want to pour that hot latte over his perfectly white shirt. "That's the truth. Hindi pa tayo nagkikita bago 'yong sa gubat." "Is that so?" Kumunot ang noo ko. Ano bang gusto niyang malaman? Bakit hindi na niya sabihin kaagad? He is here for his latte, isn't he? Dapat ay magpa-book siya ng appointment sa akin kung gusto niya ng close-door interview. Napabuntong-hininga ako, sukong-suko na. Pumihit ako paharap sa kaniya at seryoso siyang tiningnan sa mga mata. "Bakit? Mukha ba akong nagsisinungaling? I'm telling you the truth." Narinig ko rin siyang bumuntong-hininga. "That's not it. Pakiramdam ko lang. . . pakiramdam ko lang, nagkita na tayo noon. Pakiramdam ko, nakilala na kita dati."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD