Andrew decided to spend even more time with Aiden. He can't deny the fact that his mom, Veron, has a point. Kailangang madagdagan ang mga libangan ni Aiden para hindi nito masyadong isipin ang ina. Aaliwin niya ang anak hindi upang tuluyan nitong makalimutan ang ina kundi upang kahit papaano ay maibsan ang pangungulila nito. "Tatay, gutom na po ako," wika ni Aiden pagkatapos nilang maglaro sa arcade. "Ok. Let's go to the food court," malambing na tugon ni Andrew. Para mas mapabilis ang kanilang paglalakad ay kinarga niya si Aiden kahit na tumatanggi dahil malaki na ito di umano. Ang pagsakay sa escalator ang pinakapaboritong parte ni Aiden sa tuwing papasyal sila sa mall. "Bababa na po ako, Tatay," wika nito sa ama. Kaagad namang sumunod si Andrew. Tuwang-tuwa si Aiden habang pababa

