"Nakita ko na ang nanay mo," wika ni Andrew sa anak na si Aiden. Malungkot ang kaniyang mga mata ngunit mayroon nang maaaninag na pag-asa. "Nakita naman na po natin siya, eh. Ayaw niya lang pong sumama sa atin," malungkot na tugon ni Aiden. Bumuntong-hininga si Andrew. "Dahil hindi niya tayo naaalala, anak," aniya. Napatitig sa kaniya si Aiden. "Wala siyang memory kaya hindi niya tayo nakikilala." "Bakit hindi niya po tayo naaalala? Bakit wala siyang memory?" "Dahil may sakit siya." Hinaplos ni Andrew ang buhok ng anak. "Kaya kailangan natin siyang tulungan na gumaling para maaalala niya tayo ulit." "Paano po natin tutulungan si Nanay?" Isang ngiti lang ang itinugon ni Andrew. "O, ANO'NG PLANO MO NGAYON? May nagbago ba?" tanong ni Dave kay Wisley. Huminga nang malalim si Wisley. "

