WARNING: Expect wrong typo and grammatical error ahead...
*******************
HUMINGA NANG malalim si Rhaime at bumuga ng malakas bago pinindot ang doorbell na nakita malapit sa may gate na maliit. Ngayon ang araw na sinabi ni Sansky sa kanya, hindi rin naman nagtagal at agad na bumukas ang maliit na pintong bakal na kaugnay ng malaking gate. Nakita niya ang isang matandang lalaki mula sa loob. Agad siyang nagbigay galang dito.
"Magandang umaga po sa inyo, ako po pala si Rhaimella ako iyong ipinadala nang agency po."
"Magandang umaga din sa iyo halika pasok ka at sumunod ka sa akin hane ng ikaw ay maipakilala sa aking asawa sa loob at Manong Ric nalang itawag mo sa akin."
Magiliw siya ngumiti. "Sige po kung iyan ho ang gusto ninyo."
"Mahal" Tawag pansin nito sa isang babae na abala sa paghihiwa ng karne na agad din lumingon habang sila ay papalapit dito. Nang tuluyan na silang nakalapit ay agad siyang ipinakilala ni Manong Ric.
"Heto na iyon pinadala ng agency na yaya."
"Magandang umaga, ako po si Rhaimella pero Rhaime nalang po itawag ninyo sa akin."
"Magandang umaga rin sa iyo." nakangiti rin nitong turan. "Ako naman si Manang Flor mo iyon nalang itawag mo sa akin."
"Oh mahal" tawag pansin nito sa asawa" ihatid mo na muna siya sa magiging kwarto niya."
"Ay naku okay lang naman po kahit mamaya na po Manang tutal nandirito na rin naman po ako at ngayon ang simula ko tulungan ko na po muna kayo kung may maitutulong na po ako."
"Oh sya sige kung iyan ang gusto mo."
"Ako naman ay babalik na sa hardin ng maituloy na ang pagdidilig ko doon."
"Iha oo nga pala bukas mo pa makikilala ang aalagan mo gawa nang wala siya dito ngayon bukas pa ang uwi. Pinapauna ko na sa iyo na sana habaan mo ang pasensya mo sa kanya dahil sadyang matigas ang ulo ng batang iyon at maloko kung minsan."
"Sa totoo lang ako talaga ang naghikayat sa kanya na dapat may personal na mag alaga sa batang iyon eh dahil nang sabay na mamatay sa car accident ang mga magulang niya tila ba napabayaan na ang sarili."
"Laking pasalamat ko nga at pumayag, halos kami nalang ni Manong Ric mo ang kasama nalang niya kaya hindi na rin niya kami tinuring na iba at naging sobrang malapit sa amin, tumatanda na rin kami kaya mainam na may personal na siyang tagapag alaga."
"Wala ho problema Manang, sanay po ako mag-alaga at makakaya ko ang katigasan ng ulo niya."
NATAPOS ANG maghapon ni Rhaime sa pagtulong niya kay Manang Flor sa mga gawaing bahay. Nakakapagod na maghapon para sa kanya pero ayos lang naman dahil nalibang siya at masarap kausap ang matanda. Marami silang napag kwentuhan na kung anu-ano lang. Kaya tiyak niyang mag-eenjoy naman siya dahil mabait ang mag-asawa sa kanya.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa silid na kinaroroonan niya ngayon habang nakaupo sa gilid ng kama....hmmm hindi na masama. Tamang-tama lang ang laki nang silid at komportable naman sa pakiramdam. Habang nagpapahinga siya ay tumunog ang cellphone na nakalagay sa bulsa ng kanyang pantalon na suot. Hindi na niya pinag-kaabalahan tignan pa kung sino ang tumatawag sapagkat alam na niya kung sino ang pagkaka-abalahan tawagan pa siya. Hindi pa man siya nakakasagot ay agad na itong nagsalita.
"How's your whole day bestie?"
"Ayos lang,wala naman problema pa sa ngayon."
"Luka-luka ka. What i mean is how are you being a Nanny?"
"Ah iyon ba, well i dont know for now kasi hindi ko pa naman nakikilala ang magiging alaga ko. Ang sabi ni Manang bukas pa raw ang dating. Kaya i did the house work muna stressfull pero kaya ko naman."
"Nice to know that bestie, basta keep in touch okay."
"Sure why not. Pero hoy bruha ka may i remind you na may sweldo ito ha bukod pa sa salary ko dito baka akala mo lusot ka na." Agad tumawa ang bruha niyang kaibigan.
"Ano ka ba best hindi mo na kailangan na sabihin pa sa akin iyan dahil baka nakakalimutan mo na kahit nasa bakasyon ka tuloy ang sweldo mo tayo kaya may-ari nito luka luka ka talaga. Bonus na nga lang iyan sweldo mo as Nanny at pwedi ba, can you please stop calling me bruha kasi baka may makarinig sa iyo diyan at isipin sobrang pangit ko., Ang ganda ko kaya."
Napahagalpak siya ng tawa sa sinabi nito. "Pangit tayo best kasi wala pa tayong asawa sa edad natin na ito." Iyon ang biruan nila palagi pero syempre hindi iyon totoo kasi kung sa ganda ang pag-uusapan hindi sila magpapahuling magkaibigan.
"Kainis ka talaga parelax-relax nalang sana ako ngayon kung hindi lang dahil dito."
"Asus ang arte mo, magagawa mo pa iyan pagkatapos mo diyan. Bye bye na bestie pahinga ka na rin at siguradong bukas mapapalaban ka na sa aalagaan mo."
"Sige bye."
Inayos niya muna ang mga dalang damit at maayos na isinalansan sa cabinet na sadyang nakalaan na din sa silid. Agad siyang naglinis ng katawan. Nang matapos ay nagpalit ng isang maikling cotton short at loose shirt at komportableng natulog na.
KATOK SA PINTO ang nagpamulat sa kanyang mga mata ng marinig niyang may tumatawag sa pangalan niya.
"Rhaime iha gising ka na ba?"
Napabalikwas siya ng bangon ng marinig niya si Manang Flor.
"s**t," mura niya. Napasarap ang tulog niya bakit ba kasi nakalimutan niya na wala nga pala siya sa kanyang sariling silid sa bahay niya.
"Opo Manang," dali dali siyang bumangon at binuksan ang pinto. "Magandang umaga po pasensya na napasarap ang tulog ko."
"Ayos lang lamang. Mag-asikaso ka na ng sarili mo at pagkatapos ay lumabas ka na diyan at gusto ka ng makilala ng aalagaan mo na nandoon sa sala."
Agad siyang naligo sa banyo na kasama ng silid. Simpleng blouse na kulay pink, black skinny jeans at black flat sandals, nagpulbos lang siya at nagpahid ng kulay rose pink na liptint sa labi at hinayaan lang niyang nakalugay ang buhok na hangang kalahati ng likod ang haba dahil basa pa.Nang makuntento na sa itsura niya sa paghagod sa sarili sa salamin ay tsaka palang siya lumabas.
Habang papunta sa may sala kung saan naghihintay daw ang kanyang alaga ay nakita niya si Manang Flor na hinihintay siya, tsaka palang niya napansin ang isang lalaki na nakaupo sa single sofa patalikod sa kanila at habang papalapit sila ni Manang ay hindi nya maipaliwanag kung bakit may namuong kaba ang bigla nalang niyang naramdaman sa dibdib. Relax pagkausap niya sa kanyang sarili ng tuluyan na silang makalapit sa harapan nito at ipinakilala na nga siya ni Manang.
"Ijo heto na iyon pinadala ng agency. kahapon pa siya dumating."
"Sige po Nay Flor iwan ninyo na siya."
Nakayuko ang ulo nito ng sinabi iyon at abala sa pagtipa sa lop top.
"Have a seat."
Nang marinig ang baritonong boses nito ay bigla siyang may naalala na tao na naging sobrang malapit sa puso niya na hinding-hindi niya makakalimutan. Hindi niya maintindihan kung bakit palakas ng palakas ang t***k ng kanyang puso sa kaba.
"Oh my god heart what happen to you." sabay hawak sa bandang parte ng puso niya.
"I said have a seat o gusto mo lang na nakatayo diyan sa harapan ko habang kinakausap kita, pwedi rin naman sa akin iyon."
Ang maawtoridad na boses na nito ang nagpapitlag sa kanya, kaya agad siyang umupo sa katapat na sofa nito kung saan siguradong makikita nila ang isat-isa. Isinara nito ang lop top at nag-angat ng paningin upang tignan siya.
Nang magtama ang paningin nila para siyang nakakita ng multo at halos nanlaki pa ang mata at napabuka ang bibig sa pagkagulat. Napahawak siya ng mahigpit sa magkabilang armrest ng sofa at naramdaman niyang talagang nanlamig ang buong katawan niya.
"Dylan!"
******** rhaime22 *********