Nagdaan nanaman ang linggo at di nanaman umuwi si Kanvin. Sanay na ako parang mas mabuti nga iyon at tahimik dito sa bahay. Yun din yung laging sinasabi ng anak ko na sana di na umuwi si Kanvin minsan ay napapabuntong hininga nalang ako at napapaisip kung tama ba itong desisyon ko na manatili sa puder ni Kanvin na parang wala din naman minsan lang din namang makita ng anak ko.
Alas-nuwebe na at tapos ko na lahat ng gawaing bahay ako lang ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay wala kasi kaming kasambahay dahil na rin sa kagustuhan ni Kanvin para may pakinabang naman daw ako. Hinihintay ko nalang na dumating si Ciro galing sa paaralan. Ako minsan ang naghahatid sa kanya sa school pag nagrerequest ito lalo na pag wala si Kavin pero paguwian at sumasabay nalang sya sa yaya ng kaklase nya na dalawang bahay lang ang layo sa amin.
Nadinig ko ang pagbukas ng pinto siguro ay si Ciro na yan di ko na ito nilingon dahil sa busy ako kakahilot ng leeg ko. Naramdaman ko siyang nasa likod ko, napangiti ako siguro ay gugulatin nanaman ako nito.
"Baby kung ano man yang binabalak mo wag mo ng ituloy alam ko na yan" Nakangiting sabi ko habang nakapikit pa din, di ito nagsalita ngunit ramdam ko pa ding nasa likod ko pa din siya "Baby pahilot nga ulit ng batok ko masakit nanaman eh" sabi ko, di na naman ito sumagot, naramdaman ko nalang ang kamay niya sa may batok ko. Nangunot ang noo ko, bakit parang lumaki at bumigat ang kamay niya? Hinawakan ko ito, lumaki nga agad akong napadilat at lumingon sa likod at nakita ko ang blangkong mukha ni Kanvin.
Sa gulat ko ay napatayo ako. Napangisi si Kanvin sa reaksyon ko at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nailang naman ako tingin niya at nanliit din naka T-shirt niya at short na maong lang kasi ako. Wala pa akong bra. Napaakap nalang ako sa dibdib ko.
"Acting like a virgin. Seriously? " Nakangisi nyang sabi saka inilang hakhang niya lang ako saka marahas na hinalikan. Mga halik na parang sabik na sabik at matagal ng di nakakatikim nito. Akmang huhubarin na niya sana ang damit ko nang...
"Nay!" Sigaw ng anak ko sabay bukas ng pinto at tumakbo palapit sa akin, napalingon ako sa anak ko at napaatras naman si Kanvin, ng makalapit si Ciro at agad na niyakap ako nito yumuko naman ako at agad niya akong pinaulanan ng halik. Napatawa nalang ako sakanya.
"Mr. Kalev Ciro Monteverde sabihin mo nga sakin ano nanamang kailangan mo?O baka naman may ginawa ka nanamang kalokohan?" nakataas kilay Kong tanong sakanya, naglalambing nanaman eh siguro ay may kailangan nanaman.
"Nakakasakit na kayo ng feeling nanay" nakasimangot nitong sabi at parang nagtatampo. Napatawa naman ako.
"Asus! Nagdrama nanaman si bulinggit" sabi ko sabay pisil ng pisnge niya.
"Ayy oo nga pala Nay pikit po muna kayo may surprise po ako" nakangiting sabi nito.
"Sige nga ano yun? Siguraduhin mong di yan kalokohan" sabi ko dito na agad niya namang iniling-ilingan, pumikit na ako at di nagtagal ay nagsalita siya.
"Dilat na po" dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko si Ciro na nakangiti habang may hawak na fudge bar at may kandila sa gitna "Happy birthday Nanay!" masaya niyang sigaw na ikinagulat ko naman birthday? birthday ko? Anong petsa na ba ngayon? "Wag nyo pong sabihin nakalimutan niyo nanaman? " Nakangiwi nitong sabi, napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Hehehe~peace anak" nahihiyang sabi ko sabay peace sign.
Napabuntong hininga nalang siya "Ano pa nga ba? Nay blow na po kayo nangangalay na po ako" reklamo niya, napatawa nalang ako sabay blow ng candle, akmang susubuan na ako ni Ciro ng Fudge bar.
Natigilan kami ng may biglang tumikhim. Napatingin kami sa dereksiyon nung tumikhim at nakita namin si Ciro na nakasandal sa pader at nakacross arms, oo nga pala nandyan siya nakalimutan ko.
"Tapos na kayo?" blankong ekspresyon nitong sabi.
"Nandyan ka pa pala? " Di makatingin kong sabi at dahan dahang tinago sa likuran ko ang anak ko.
"Tss. Kadramahan niyong mag-ina" sabi niya sabay talikod.
"Tss. Asshole " mahinang sabi ng anak ko na ikinalaki ng mata ko at tinakpan ang bibig nakita kong natigilan si Kanvin at natiim bagang na nilingon si Ciro.
"What did you say? " Sabi niya sa matigas na tuno at sinamaan niya ito ng tingin. Nakita ko namang sinamaan din ng tingin ni Ciro ang kanyang ama.
"Ahh... K-Kanvin nagbibiro lang siya he he alam mo na pagbata pilyo talaga" pagdadahilan ko. Di niya ako pinansin at nakatuon pa din ang mga mata niya kay Kanvin. Tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig ni Ciro saka hinawakan ang kamay niya.
"Si-sige doon na kami sa kusina" sabi ko na pilit hinihila ang kamay ni Ciro, masama pa din kasi ang tinginan nila sa isa't isa hindi lang kasi ang mukha ang nakuha ni Ciro kay Kanvin pati ang ugali nito at ang mannerism din nito tulad ng mainipin ito at ayaw na ayaw ang pinaghihintay, ayaw din nitong di nasusunod ang mannerism nito na pinaglalaruan ang mga labi pag na bo-bored, ang paghawak sa paghimas sa batok nito pag nahihiya. Minsan nga ay nakakatampo na ako ang napakahirap sa pagdadala ng siyam na buwan, wala man lang nakuha saakin.
"Pagsabihan mo yang anak mo. Lumalaking walang respeto. Kung sa bagay ikaw ba naman maging ina niya" sabi niya habang dinuduro kaming dalawa at ngisi ng mapanuya saakin.
"Look whose talking. Alam mo PO pala ang salitang RESPETO. I think ikaw PO ang may kailangan niyan, may respeto PO ako sa mga taong marunong din RUMISPETO ganon PO ako pinalaki ng nanay ko" may diin na sabi ni Ciro sa ama niya. Naku! Ang batang to talaga.Nanlisik ang mga mata ni Kanvin sa sinabi ni Ciro. Patay na.
"If you'll excuse us Sir. My mom and I has something to celebrate. Bye for now" pormal na dugtong ni Ciro saka ako hinila papuntang kwarto namin at iyon ay ang maid's quarter. Tama kayo ng basa never niya pang tinawag na tatay, daddy or papa ang tatay niya Sir lang talaga tawag niya dito.
Nung nasa kwarto na kami ay agad kong hinarap si Ciro.
"Kalev ano yun? Bakit mo sinagot-sagot ang Daddy mo ng ganon? Di kita pinalaking ganyan Kalev! "Sigaw ko sa kanya, Alam niya pag Kalev na itinawag ko sakanya ibig sabihin ay seryoso ako at galit na. Nakita ko namang nanggilid ang kanyang mga luha, masakit man pero kailangan ko siyang tiisin gusto kong ipakita sakanya ang mali niya para matuto siya. Tinalikuran niya lang ako at humiga na saka nagtalukbo sa kumot.
"Kalev kinakausap kita! Di ka na nakakatuwa! Magsorry ka sa Daddy mo ngayon din. Mali ang pinagsalitaan mo siya ng ganon dahil ama mo pa din siya!" Sigaw ko ulit sakanya, this time ay hinarap niya na ako at umiiyak na siya.
"Sawang-sawa na po ako Nay. Sawang-sawa na ako sa buhay natin. May tatay nga ako pero di ko naman maramdaman. Naiingit ako sa mga kaibigan ko na palagi nilang ipinagmamalaki ang mga tatay nila na kung ano ang kaya nitong gawin para sa kanila. May tatay nga ako pero ni minsan ay di niya man lang ako magawang tawagin na anak, may tatay nga ako pero ni minsan ay wala akong magandang alala tungkol sa kanya. Andito nga siya, kompleto nga tayo pero palagi ka naman niyang sinasaktan, niloloko. Naaawa na po ako sa inyo Nay. You don't deserve all of this Nay. Minsan nga ay inisip ko kung talaga bang ako ang dahilan kung bakit nagtitiis kayo dito o baka siya at hindi mo siya kayang iwan" mahabang sabi nito sabay pasok sa bathroom.