INTERNATIONAL IDOL

1801 Words
ALEX' POV "Seryoso ka Alex? Hindi mo talaga kilala si Isaiah? Maski nga siguro si Nanay kilala siya." "Mukha ba akong may TV Tasing? Alam mo namang radyo lang ang meron ako, depukpok pa." W Nandito ako ngayon sa pwesto nila Tasing sa palengke. Pagkatapos ng interview ko, dito agad ako dumiretso. "Sobrang sikat yon 'te! Pati sa ibang bansa kilala siya." "Basta di ko siya kilala." "Hay nako. Nga pala, kamusta? Pumasa ka ba sa interview?" "Oo, bukas tatawagan nila ako para sa orientation." "Naks! Sabi sayo matatanggap ka eh. Kilala mo na ba kung kanino ka magtatrabaho?." "Hindi pa, bukas ko pa malalaman." "Paniguradong ibibigay niya yung number niya sayo, bigay mo rin sakin ah." "Tumigil ka nga Tasing. Mawawalan pa ako ng trabaho sayo eh." Halakhak lang ang sinagot niya sakin. Tumagal pa ako ng dalawang oras, kaya tinulungan ko na rin siyang magtinda. Nagkekwentuhan kami tungkol sa interview ko kanina kapag walang customer. Habang nagkekwentuhan kami, biglang tumunog ang selpon ko. +639757561593 Good day Miss Castro, this is Carmen Perez, one of the managers at Star Entertainment. I am expecting you here tomorrow at 8:00 AM, for your orientation. "Mauna na ako Tasing, magluluto pa ako ng pagkain ko eh. Bukas na lang ulit." Paalam ko. "Sige Alex, balitaan mo ulit ako ah." Saktong pagtayo ko naman ay dumating si Nanay Cora, nanay ni Tasing. "Oh Nay." "Magandang gabi Nanay Cora." "Oh Alex, nandito ka pala. Kararating mo lang ba? Saan ka galing?" Tanong nito. "Galing po akong interview, dito na ako dumiresto. Kanina pa ho ako ditong alas singko, pauwi na nga ho ako eh." "Ganon ba? Oh ito dalawang pakpak ng manok, iuwi mo para naman hindi ka puro noodles at de lata." "Nako Nay wag na, itinda niyo na lang. Sayang kita." "Ikaw talagang bata ka. Para ka namang iba sa amin, sige na kunin mo na." Sabay abot nito sa akin ng supot. "Jusko 'te! Wag ka nang mahiya, kunin mo na." Pangungumbinsi ni Tasing. Sa huli ay kinuha ko na. "Salamat Nay Cora, uwi na po ako." "Sige, mag-ingat ka." ***** Pagkatapos kong kumain, napagpasyahamn ko na ayusin yung damit na susuotin ko para bukas. Dapat presentable akong tignan. Nilabas ko lahat ng kakapiranggot kong damit. Siguro naman may maayos akong masusuot dito kahit papaano. Sinukat ko lahat at tinignan sa maliit kong salamin. Lahat sinukat ko, pero bumagsak ako sa isang plain black shirt at pantalon. "Maayos naman na siguro 'to." Sinampay ko ang mga ito at tinupi yung iba at binalik sa maliit kong aparador. *TOK TOK TOK* "Bukas!" Sigaw ko. Pagbukas ng pinto ay bumungad ang mukha ni Amby. "Hi mahlabs!" "Kailangan mo?" "Nabalitaan ko kasi kay Tasing na may orientation ka raw bukas. Anong oras alis mo? Hahatid na kita." "Sige, para di na ako mamasahe. Agahan mo gising mo, alas otso dapat nandun na ako. Kapag ikaw hindi nagising ng maaga, tutuluyan kita." "Copy boss! Matutulog na ako, gudnayt! Mwah!" Pagkasara niya ng pinto, napairap na lang ako sa kalokohan niya. Kami nina Amby, Tasing, at Gabo, magkakaibigan simula pa nung bata. Napunta si Gabo sa ampunan noong nahuli silang nagnanakaw sa isang tindahan ng mga tinapay, katorse anyos lang siya non. Simula noon, hindi na namin siya nakakausap. Ako naman, dose anyos ako noong maulila ako. Kaya tinuring ko nang magulang ang mga magulang nila Tasing at Amby. Tinulungan nila akong makapagtapos ng high school. Kaya ngayong may permanenteng trabaho na ako, ako naman tutulong sa kanila. *TING* Gab +639978723010 Hey Alex, how's the interview? Pasado ba? Magrereply sana ako, kaso naalala kong wala akong load. Kaya tinabi ko na ulit yung phone ko, at inayos na yung higaan ko. *I stay out too late~ Got nothing in my brain~ That's what people say, mm, mm~ That's what-* "Hello?" ("Hey Alex, are you busy? Did I interrupt you? Hindi ka kasi nagreply kaya tinawagan na kita. I hope you don't mind.") "Hindi naman, katatapos ko lang maglatag ng higaan. Wala kasi akong load kaya di kita nareplyan, pasensya ka na." ("Ito naman, wala 'yon. So how's the interview? Pasado ba?") "Oo, bukas pupunta ulit ako doon para sa orientation." ("That's nice. Anong oras orientation mo? Sunduin na kita diyan.") "Nako Gab wag na, nakakahiya naman. Tsaka nandiyan naman si Amby eh, siya ang maghahatid sakin." ("Sige, after na lang ng orientation mo. Labas tayo, my treat. Isama mo na rin sila Tasing at Amby, let's celebrate your new job. Reunion na rin nating apat.") "Nako sige, paniguradong matutuwa ang dalawang 'yon. Lalo na si Tasing." ("Cool. I'll call you after my contract signing tomorrow. Tulad ng dati?") "Tulad ng dati." Ulit ko. ("Bye, see you tomorrow.") "Bye." At pinatay na niya ang tawag. ***** Kinabukasan ay maaga akong binulabog ng pesteng si Amby. Alas singko palang ay kumakatok na. Nauna pa siya sa alarm ko, kaya nakatikip siya sakin ng maraming hampas. "Mahlabs naman eh. Ayaw lang kitang ma-late." Maktol niya. "L*tse ka Ambrosio, nauna ka pang mambulabog kaysa sa alarm clock ko!" "Sorry na nga eh. Pinag-igib na kita ng tatlong timbang pampaligo mo, wag ka na magalit." "Wag kang magpacute, mukha kang tanga." Napakamot na lang ito ng ulo. "Bumili ka ng kape at pandesal don, sabay na tayo mag-almusal." "Wag na mahlabs, maaga ring nagising si Nanay , nagluto siya ng almusal. Doon ka na lang daw kumain." "Sige, maliligo na ako. Punta na lang ako don." Pagkalabas ni Amby ay agad kong hinanda yung panligo ko. ***** Pagkatapos kong maligo ay dumiretso agad ako kanila Amby para mag-almusal. Naabutan ko si Nanay Lita na naghahanda ng pagkain. "Bakit ang aga mong nagising Nay Lita? May mga order ba ngayon?" "Wala. Nasabi kasi ni Amby sa akin na mayroon ka nang permanenteng trabaho. Kaya naisipan kong magluto ng almusal, para may laman yang sikmura mo." "Si Nanay talaga nag-abala pa." Si Nanay Lita ay isang mananahi, si Tatay Berto naman tricycle driver. Kahit papaano naman may kinikita sila, sapat para makakain sa tama. "Ano nga ulit iyong trabaho mo Alex?" "Personal Assistant ng artista Nay." "Aba, baka mamaya niyan nakikita ka na rin namin sa TV." "Oo Nay, 'isang babaeng suspek sa pagpatay' Doon mo siya makikita." Singit ni Amby, kaya nakatikim ulit siya sa akin ng hampas. "Aray mahlabs! Joke lang naman eh!" "Ikaw talaga Amby, puro ka kalokohan. Magpainit ka ng tubig para sa kape." Sita ni Nay Lita sa kanya. "Maayos naman ba yung papasukan mo?" Usisa muli ni Nanay Lita. "Sa tingin ko Nay maayos naman." "Tandaan mo yung sinabi namin sayo ng Tatay Berto mo, kapag naagrabyado ka kahitataas pa yung sweldo, umalis ka na." Paalala niya. "Wag ka mag-alala Nay, kaya kong ipaglaban sarili ko." Nakangiting sagot ko. Nakakatuwa talaga na hindi na nila ako itinurin na iba. Kahit na hirap din sila sa buhay ay hindi nila ako pinabayaan. Habang kumakain ay napagkwentuhan namin si Gabo. Alam kong miss na rin ni Nanay Lita si Gabo. "Siya nga pala, nagyaya pala si Gabo na lumabas mamaya pagkatapos ng cotract signing niya. Libre niya raw, kaya sabihan mo si Tasing." "Ayos ah, asensado na talaga yung tukmol na yon." "Oo nga, tapos ikaw dugyutin pa rin." Asar ko kay Amby. "Ikamusta niyo na lang ako sa kanya ha? Sabihin niyo bumisita rito minsan." Bilin ni Nanay. "Sige Nay." Nagpahinga lang kami ng ilang minuto ni Amby at umalis na kami. ***** 7:46 AM nang marating namin ang Star Entertainment. "Wag mong kakalimutang paloadan ako, at sabihan si Tasing. Itetext ko na lang kayo." "Copy boss!" Sumaludo pa ito bago ipaharurot ang tricycle. Pagpasok ko ay dumiretso agad ako sa reception area. "Hi Miss, nandiyan na ba si Ma'am Perez? Ako yung bagong PA, orientation ko ngayon." "Akyat na lang po kayo sa 4th Floor, hanapin niyo yung pintong may nakapaskil na 'Office of Carmen Perez'." Turo nito. "Salamat." Excited ako na kinakabahan. Excited kasi first time ko sa trabaho na ganito. At Kinakabahan kasi nga first time ko, di ko alam mga gagawin ko. Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng office ni Ma'am Carmen, kakatok na sana ako nang bigla na itong bumukas. "You must be Alexandrite?" "Opo, ako nga po." "Come in." Dahan-dahan akong lumakad papasok at pinagmasdan ang loob. Ang ganda. "I want to introduce myself formally. I am Carmen Perez, the manager of ILY." "ILY?" takang tanong ko. "ILY, short for Isaiah Lynx Ybañez." 'Akala ko I love you- teka? Siya ba yung binabanggit kahapon ng ibang aplikante?' "Ahh hehe, okay po." Naiilang na sagot ko. "So, I heard that you don't know who's ILY is? Why though?" "H-hindi po kasi ako palanood ng TV, kadalasan po kasing wala ako sa bahay, baghahanap ng pagkakakitaan." "Kahit konting information about ILY wala kang alam?" Umiling lang ako. "I see. Anyways, let me tout you here in our building first. Ipapakita ko sayo kung saan mo mahahanap si Isaiah kapag hindi siya mahagilap." "S-sino pong Isaiah?" "Ah, it's the first name of ILY. ILY stands for Isaiah Lynx Ybañez." 'Cool ng pangalan.' Tulad nga ng sinabi ni Ms. Carmen, tinour niya ako sa buong building. At sobrang ganda talaga ng lugar, parang nakakatakot hawakan maski pinto sa sobrang kintab. Pagkatapos bg pag-iikot namin ay bumalik na kami sa office niya, para daw sa contract signing. "So Ms. Castro, 1 year contract lang ang pinahihintulutan namin dito, dahil karamihan ay hindi umaabot ng isang taon. Pinakamatagal na ang 8 months." 'Isang taon lang pala akong magtatrabaho dito.' "Don't worry, pwede kang magrequest ng renewal contract." 'Yown!' "Pero dapat, both parties are good with that. It must be mutual, kasi kung hindi mutual for sure hindi magiging maganda yung pakikitungo niyo sa isa't isa. Is that clear? Do you have questions?" "Wala po, malinaw na po sakin." "That's good then, you can sign the contract now." Inabot ko ang ballpen na iniabot ni Ms. Carmen, at pumirma. "Take this one, para may kopya ka. Nabasa mo naman siguro yung conditions right? You must follow it Ms. Castro, kung ayaw mong mawalan ng trabaho." "Pangako po, gagawin ko po ang best ko." "That's the spirit Ms. Castro, goodluck to your work. Bukas na bukas, magsisimula ka na. Here's the number and condo number of ILY, puntuhan mo siya ng maaga bukas." "Sige po, salamat po Ma'am Carmen." "Kung may concerns ka, wag kang mahihiyang lumapit sa akin. Kung wala ka nang tanong, then your orientation is done." "Maraming salamat po ulit." Paglabas ko ng office ay agad kong tinext sina Amby at Tasing na pumunta na dito. Tinext ko na rin si Gab, na sa lobby na lang namin siya hihintayin. ***** ISAIAH'S POV *Kriiiiing! Kriiiiing! Kriii-* "What?" ["I already talked to your new personal assistant."] "Then?" ["She'll be coming tomorrow morning, you must guide her."] "Then?" ["Isaiah, be good to her. Pang-ilan mo nang assistant 'to. Hindi ka ba naiiritang papalit-palit ka ng personal assistant?"] "Carmen, their job is to obey me. Hindi ko na kasalanan kung lalampa-lamp at tatanga-tanga yung kinukuha niyong PA ko." She sighed. ["You must keep her, she seems good in any jobs."] "Yeah yeah, whatever. Is that all? Cause I wann go back to sleep Carmen." ["I'm warning you Isaiah, don't be to harsh to her. And besides, you are the one who wants to hire her."] "Fine, fine." I did not wait for her response, I hang up already. I was about to lay down again, when I heard the doorbell rang. "F*ck! Who's this bastard this time? I want to sleep!" I don't have any choices but to open the godd*mn door. "So it's true, bumalik na nga ang international idol sa Pilipinas." "What brings you here Valderama?" "My feet?" Suddenly, he went straight inside without any permission. And sat on the sofa. "I need to rest Valderama, I just got home earlier." "Earlier my ass, your fans saw you yesterday somewhere. Trending ka na naman sa social media." "D*mn it." I gave him a glass of water. "International Idol, tubig lang ipapainom sa bisita?" "Bisita ka ba?" Bara ko sa kanya. "How nice, marunong ka pa rin pa lang magtagalog." I just rolled my eyes on him. He is Lawrence Valderama, the sole heir of Valderama's wealth and property. He is one of my friends, the casanova one. I won't be shocked if this jerk will not have just one wife. "Tara club." He said, randomly. "Pass, I want to rest the whole day." "C'mon dude, minsan ka lang mabakante. Let's hang out with others later, for sure hindi tatanggi yung mga 'yon kapag nalaman nilang kasama ka." "And hind ako pwede, maraming paparazzi sa labas." He sat beside me. "Edi, dadalhin natin ang club dito." He smiled decisively. 'D*mn.' ----------- You've done this chapter. Thank you for reading! @EdgeOfLine
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD