Pinagmasdan niyang mabuti ang mga damit na nasa ibabaw ng kama ko. At ng may nagustuhan ay kinuha na niya ito, isang loose skyblue shirt at black ripped jeans. "Here" sabi nito at inabot sa akin at ngumiti. Napangiti nalang din ako. Kinuha ko na ang mga damit na susuotin ko sa kanya. "Go! " sabi ko at inginuso ang pinto. "Why?" tanong niyang may kapilyuhan. "Magbibihis na po ako. " sagot ko at pinandilatan siya. "Oh I thought ako ang gagawa noon?" lalong naging pilyo ang ngiti niya sa akin. Nilakihan ko siya ng mata at kunwaring itutulak siyang palabas ng pinto. He put his hands-up na parang sumusuko na. Sabay tumatawang lumabas ng kwarto ko. Agad naman akong nagbihis paglabas niya. Sinuot ko rin ang aking white rubber shoes na meron ako. Natawa ako ng makita ang sarili ko sa

