Aaron Four months later~~~ "Babe are you ready?!" tawag ko kay Theressa ng papasok ako sa kwarto namin. Nakita ko itong nagsusuot ng sapatos niya. Lumapit ako dito at lumuhod sa harap niya at ako na ang nagsuot ng sapatos sa kanya. Hinaplos nito ang buhok ko na ikinangiti ako. Nang matapos ay tumingala ako sa kanya at nakangiti ito. Inilapit nito ang mukha sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Bago pa siya makahiwalay sa akin ay hinila ko ang batok nito at inabot ang labi niya. Napangiti siya pero agad naman din itong tumugon sa halik. Nang matapos ang halik ay ipinagdikit ko ang ulo naming dalawa at parehong napangiti. Bago ako tumayo ay hinagkan ko ang dulo ng ilong nito at narinig ko itong napatawa. "Ready?" tanong ko at inilahad ang kamay ko sa kanya. Nakangiti nitong tinangg

