Silencec scares me it gives me too much time to think..... ??? Kent P.O.V mahigit dalawang oras nang nakatulala si kent, mula ng pumasok si carla sa loob ng kwarto nila ay nagkulong na rin sya sa loob ng library, kanina pa tumatawag si kelly sa kanya at ayaw nya munang makausap o makita ito. Kitang kita nya sa mukha at mga mata ni Carla namay dinaramdam ito at kagagaling lang nito sa pag iyak, gusto man nyang sundan ito pero hindi nya ginawa dahil alam nyang galit ito sa kanya. Labis ang pag alala nya dito ng mahigit anim na oras nya itong hindi makontak, ibayong kaba at takot ang nadarama nya kanina baka napaano na ito. Tumayo na sya at tinungo ang silid nila, tahimik na ang loob palatandaan na tulog na ito, dahan dahan syang lumapit dito at pinagmasdan ito habang natutulog ma

