12

1546 Words
♾️♾️♾️ Nitong mga nakaraang araw ay masyadong mahigpit ang siguridad niya, si kent halos kada oras kung tawagan siya, di niya maiwasang kiligin at naiyak dahil sa ipinapakitang pag aalala at apgiging ptotective nito sa kanya. plano ni carla na sorpresahin ang asawa, nagluto siya ng lunch para dito at dadalhin niya sa opisina. pasalamat niya na rin sa mga kabutihang ginawa nito sa kanya. hindi siya pinapasok ng receptionist nito dahil wala syang apointment, hindi pa kasi siya nakilala ng mga ka empleyado ni kent bilang asawa nito. nahihiya naman din kasi siyang sabihin sa mga ito na asawa siya ng C.E.O ng kumpanya. anakalimutan nya din dalhin ang celfone nya. pinaghintay siya nito sa lobby may board meeting pa daw si kent at wala ang secretary nito para ipa apointment siya, Dala marahil ng pagod nya mula pa ng maglipat sila ng bahay ni kent, nasa mansyon sila ng mga ito at dahil wala pa ang mga magulang nito dahil nagbabakasyon pa. Natatakot nga siya baka isang araw maabutan siya ng mga ito. at hindi siya magustuhan ng mama ni kent ayon sa mga kasambahay masungit daw ito pero mabait naman daw. At dahil na rin siguro sa kulang nyang tulog mula ng sugurin siya ng tiyahin na ikinabahala niya ng sobra. Pinagsamang Stress, lack of sleep at pagod kaya nakatulogan niya ang paghihintay sa lobby nagising siya nasa loob na siya ng opisina ni kent kng hindi sya nagkakamali. Nakarinig siya nang ingay na parang may sumisigaw sa pinid ng nakasarado na pinto. dahan dahan niya itong binuksan at pumasok siya. napatda sya sa bakas ng galit sa mukha ni kent. tumigil ito at sinulyapan siya. basi sa mukha ng nasa loob ay mukhang pinapagalitan ang mga ito ang receptionist kanina at ang dalawang security guard. pinapagalitan ang mga ito, Lumapit sya sa mga ito. "Anong nangyari?"tanong niya na sa dalawang receptionist naka tingin. "Sorry po talaga maam, hindi kasi namin alam na kayo po pala ang asawa ni sir,pasensya na po talaga kayo"Naiiyak na hinging paumanhin ng pobreng babae. Napamaang siyang tiningnan ang asawa. "kahit na hindi nyo siya kilala dapat hindi nyo sya hinayaang matulog doon." Nagpupuyos sa galit ang asawa niya, mababakas sa mukha nito ang galit. "Hey,, stop that wala silang kasalanan. Ginawa lang nila ang trabaho nila its my fault ok, kaya please let them go tama na yan ok" Saway niya kay kent,hinawakan niya ang kamay ng asawa. para kumalma ito minsan sumusobra na ang pagiging protective nito sa kanya. na ikatutuwa ba niya, ikakatakot o ikakabahala niya.? Nang kumalma na ang asawa, ay siya na mismo ang nagpalabas sa mga empleyado nito, bago pa makalabas ang mga ito, binantaan pa ito ni kent na susunod na mangyari pa ang insidenting iyon ay maghanap na sila ng ibang trabaho. Nagtatanong ang mga matang tiningnan siya nito. "Care to explain?" "Kent sorry, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako" hinging paumanhin niya sa asawa. "Paano kong hindi ako bumaba, eh di buong maghapon kang nandoon pinagpyepyestahan ng mga empleyado ko" "What do you mean?" kent P.O.V pasado ala una ng hapon ng sulyapan ni kent ang orasan, at karamihan sa mga empleyado nya, pabalik na sa kani kanilang department. Napansin niyang panay sulyap ng mga empleyado niya sa lobby at karamihan sa mga ito ay mga lalaki. Katatapos lang nang Board meeting niya. Kanina pa kumakalam ang sikmura niya at nag iinit na rin ang ulo niya, dahil kanina niya pa tinatawagan ang asawa at hanggang ngayon hindi niya pa rin sinasagot ang tawag nito. Nang maalala niya na may numero pala siya ng isa sa mga security nito, huminto muna siya sa tapat ng lobby para tawagan ito. pagkatapos ng tatlong ring ay sumagot na ito. "Hello Ramon.."bungad niya dito "hello sir may ipag uutos po ba kayo" "Ah wla naman i just want to ask,kung nasa paaralan pa ba kayo? at nasaan ang maam nyo at bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko, tawagin mo nga sandali at kakausapin ko lang" "ho?? eh wala po kami sa paaralan,kanina pa po natapos ang klase ni maam atsaka wala po siya dito" "Anong wala,? kung ganoon nasaan siya? saan nagpunta?" nababahala na siya, baka napahamak na naman ito. "sir, nandito kami sa labas ng opisina nyo, at mahigit dalawang oras na po mula ng pumasok si maam dyan sa loob?" "what? wala dito ang maam nyo," "Sir, nasa loob po talaga siya, dahil hindi naman namin siya nakitang lumabas, hindi niya na po kasi kami pinasama sa kanya, at dahil nandyan ka naman daw po sa loob atsaka babalik din daw siya agad, dadalhan ka lang daw niya ng lunch" "ok, ok tawagan ko kayo pag wala siya dito" agad niyang pinutol ang tawag dito, patungo siya sa harap ng reception, agad niyang tinanong ang naka asign na receptionist don. "Ms. Valdez. pumasok ba dito ang asawa ko?" Nagulat pa ito ng magtanong siya. "ho? asawa niyo as in wife.?eh sir hindi ko po napansin." "what hindi mo napansin? ano pa lang ginagawa mo at bakit hindi mo siya napansing pumasok,?" Sigaw niya dito,na halos mapaiyak sa siguro sa sobrang takot sa kanya, tinawag niya ang mga gwardyang na nasa entrance. "May nakita, ba kayong babae pumasok dito at hinahanap ako?" "Ho?matangkad po ba maputi at medyo mahaba ang buhok" describe nito na tugma sa asawa niya. "Yes, asawa ko iyon saan nagpunta" Napakamot ito sa ulo, at tila kinabahan. "Asawa nyo po pala iyon sir!,Tin" tawag niya sa receptionist, na pinagalitan niya kanina at namumula na ang mga mata. "Saan nagpunta iyong babae kanina hinahanap si sir? iyong gustong pumasok pero walang appointment kay sir." "Iyon po ba ang asawa ni sir.?" kinakabahang tanong nito, tumango ang guard. "Ayon po sir uh, iyong nakatulog po doon," turo nito sa natutulog na babae at hindi siya pwedeng magkamali si Leanne Carla nga iyon. Agad niya itong nilapitan napailing na lang siya at biglang kumuko ang dugo niya sa ayos nito. Kaya pala panay sulyap nang mga empleyado niya kung saan ito naroon. binuhat niya ito sa at dinala sa private room sa opisina niya, inilapag din niya sa mesa ang pagkaing dala nito at saka tinawag ang sekretarya niya para pa init ang pagkain at pinatawag din niya ang dalawang receptionist ang mga naka bantay na guard kanina. inutusan din niya ang ito na ipunin ang lahat ng empleyado niya sa function hall. pumasok na ang mga ito pinagalitan niya ang mga ito, sa conference room. mangiyak ngiyak ang dalawang babae at napatungo lamang ang dalawang guard, Iyon yong naabutan ni carla, sinaway siya nito at pina alis na ang apat. Napakalma siya ng hawakan nito ang kamay niya. "Are you ok?how do you feel? may gusto ka ba or what?" Napatigil siya ng makita niya itong nagpipigil ng tawa. Napakunot ang noo niya. "Anong nakakatawa Mrs.Ventura? Inis na tanong niya dito. At di na napigilan nito ang bumunghalit ng tawa, kahit naiinis siya dito dahil pinagtatawanan nito ang concern niya dito, natuwa at napangiti pa rin siya kahit paano, dahil ngayon lang ito tumawa ng ganito na hindi nahihiya. "You know what kent ang weird mo rin minsan." natatawa pa ring sabi nito. "at ako pa ngayon ang weird?ako na nga tong concern sayo tapos pagtatawanan mo lang ako." Nakapout na sabi niya. "hindi naman sa ganon, Kasi nga po, nakatulog lang naman ako don, at kung pagalitan mo sila para bang ang laki laki ng kasalanan nila, na suppose to be, wala silang ginawa, dapat nga matuwa ka sa kanila kasi ginagawa lamang nila ang trabaho nila, tsaka ok lang naman ako, nagugutom nga lang ako." paliwanag nito, may sasabihin pa sana sya ng sumilip si minerva ang sekretary niya. "Sir nasa Function Hall na po ang lahat"sabi nito. "Ok, by the way Minerva this is Carla my wife, and Hon this is Minerva my efficient secretary." "Hai Minerva nice to Meet you" lumapit siya dito at nakipag shake hands. "Nice to meet you too mam, ang ganda nyo naman po" Magalang na sabi nito,Napangiti siya. "I'll take that as a compliment minerva, thank you" Giliw na pahayag niya dito. "Ah minerva"Singit ni kent sa usapan ng dalawang babae. "Tell them to wait us, Well just take our lunch" "Hey nakakahiya sa kanila kng paghintayin mo sila, you can go kaya ko na ang sar.." "No", putol niya dito "im the boss kaya ako ang masusunod" "ok fine whatever sir, sabagay gutom na din ako., siyanga minerva kumain ka na ba? halika sumabay ka na sa amin " anyaya ni carla ky Minerva. "ai naku po salamat na lang po tapos na po ako, sige po sir tawagin nyo na lang ako pag tapos na kayo." Tumango lamang siya, pagkaalis ni minerva ay kumain na sila. nagretouch lang sandali si Carla at bumaba na sila papuntang function hall kung saan naghihintay ang mga empleyado niya. Ipinakilala ni kent sa lahat ng empleyado nito si Carla bilang asawa nito. nagbulong bulongan ang mga tauhan niya na napakaganda daw ni Carla at mukhang napakabait daw ng asawa niya. Ang swerte daw niya, Napansin niyang unti unti nang nawawala ang pagkamahiyain nito. nakangiti siyang pinagmasdan ito habang nag uusap sila ni Minerva na agad nakagaanan ng loob ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD