CHAPTER 4

1067 Words
Maria Isabella's Pov KASALUKOYAN akong naglilinis sa bahay na pinagdalhan sa akin ni Ran. Hindi ko alam kung kanino ang bahay na ito, wala naman akong nakikitang picture frame na naka display sa kanilang wall. Habang pinupunasan ko ang mga figurines ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Kaya minabuti kong umupo na lang muna sa sofa. Bigla akong napatingin sa suot kong damit. Kay Ran, ito dahil sobrang laki nito sa akin. Napangiti ako ng mapait tiyaka isinandal ang likod ko sa malambot na sofa. Umalis pa naman si Ran, upang bumili ng pagkain. Kanina pa kasi ako nagugutom at pagod na pagod. Dahil maghapon akong walang pahinga. Unti-unti akong hinila ng antok hanggang sa tuloyan ng dumilim ang aking paligid. Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may mga matang naka tunghay sa akin. Kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang bultong kanina pa nakamasid sa akin. "Ran..." sambit ko ng mamataan ko siya. "Finally you're awake," malamig nitong wika. "Pasensiya na kung nakatulog ako, Ran." Naka yuko kong saad. Nahihiya ako dahil naabutan niya akong natutulog. "It's okay. Here, take this at kumain ka na." Sabay abot ng isang plastic na pagkain sa akin. Mabilis ko naman ito na tinanggap at nagmamadaling nagtungo sa kusina. Sobrang gutom na gutom na talaga ako kaya walang sabi-sabi kong nilantakan ang pagkain na binili ni Randolf. Hindi ko na nga siya nagawang ayain pa, kumain na lamang akong mag-isa. Pagkatapos kong kumain ay nagligpit na ako at hinugasan ang pinggang ginamit ko. "Are you done?" Muntikan na akong mapalundag ng bigla itong nagsalita sa likuran ko. "Ta-tapos na, Ran." nauutal kong tugon without looking at him. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa tuwing magkalapit kami ay kinakabahan ako. "Bilisan mo na riyan at uuwi na tayo," wika nito. Kaya naman ay binilisan ko na ang mga kilos upang mabilis akong matapos. Ang buong akala ko ay umalis na siya, subalit nang sa aking pagharap ay nasubsub ako sa malapad niyang dibdib, "I'm sorry, akala ko umalis ka na," hinging paumanhin ko sa kanya. Walang ni isang salita ang namutawi sa kanyang bibig. Tinitigan lamang niya ako at tuloyan ng tumalikod, ako naman ay tahimik lang na sumunod sa kanya. Nang nasa loob na kami ng kanyang sasakyan ay hindi niya ako kinikibo. Nakapagtataka lamang dahil hindi niya ako sinusungitan ngayon. At nagawa niya pa akong pagbuksan nang pintuan ng sasakyan niya. Marahil ay good mood siya ngayon oh 'di kaya'y hindi sila nag-away ng girlfriend niya. Parang may kung anong kumurot sa aking puso. "May girlfriend na ba kaya si Ran?" tanong ko sa aking isip. "Pero paano kaya kung mayroon na? What should I do?" Mga katanungan sa aking isip na hindi ko kayang sagutin. Kaya mas minabuti ko na lamang na ibaling ang aking paningin sa labas ng sasakyan kahit madilim na at wala na akong maaninag. "Fasten your seat belt, Isabella." Mabilis ko naman na inilagay ang seat belt ko at marahang isinandal ang aking likod sa upuan. Bahagya kong ipinikit ang aking mga mata upang ma-relax, "take a rest," mahinahon ang boses nitong wika sa akin. Kaya nagpanggap na lamang akong tulog, subalit ramdam ko ang paninitig nito sa akin ngunit hinayaan ko na lamang at pinanindigan ko na ang pagpapanggap. Maya-maya pa ay iminulat ko ang aking mga mata dahil narinig kong tumunog ang aking telepono. Agad ko naman itong nakita at mabilis na pinindot ang answer button. "He-Hello," kinakabahan ako nang sagotin ko ang aking telepono. "Ella...," halos pabulong na wika nito sa kabilang linya at batid ko rin na umiiyak ito. "Yanah, bakit? Ano'ng nangyari?" kunot-noo kong tanong sa kanya sa kabilang linya. "Umiiyak ka ba, Yanah? Magsalita ka!" Hindi ko na napigilan ang mapataas ang boses. "Hinahanap ka na ni Ezekiel, hindi siya titigil hangga't hindi ka niya makikita, Ella. Alam na rin niya na hindi ako, ikaw." Bigla akong nilukoban ng kaba, at napatingin bigla kay Randolf, ng mapansin ko itong nakatitig sa akin. Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya tiyaka muling kinausap ang kakambal ko sa kabilang linya. "Yanah, umalis ka na riyan. Ayaw kong pati ikaw ay madamay." "Hindi, Ella. Hindi ako aalis dito, hindi ko siya kayang iwan." umiiyak nitong saad sa kabilang linya. "Yanah, nababaliw ka na ba?" "I'm sorry, Ella. I love him," sabay patay nito sa kanyang telepono. Isang malakas na buntonghininga ang aking pinakawalan. Nag-alala ako sa aking kakambal paano kung sasaktan siya ni Ezekiel? Paano kung matulad siya sa akin na laging pinagbubuhatan ng kamay? Napaigtad ako ng ginagap ni Randolf ang kamay ko at marahan itong pinisil, "don't worry, everything's will be alright." wika nito. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na kami sa aming pakay, ANTS VILLE SUBDIVISION ang nabasa kong nakasulat sa isang malaking gate. Maya-maya pa ay huminto na kami sa isang magarang bahay. Namangha ako sa ganda at desinyo nito, isang malaking statue ng langgam ang nakaagaw pansin sa akin. Napangiti naman ako ng mapansin ko itong umiilaw. Ibang klase rin naman ang pagkakagawa niyon. "Let's go inside," aya ni Ran sa akin at hinawakan ako sa aking siko. Hindi pa man kami nakapasok sa loob ng bahay ay sinalubong na kami ng isang sexy at magandang babae. "Babe, finally you're here." wika ng babae. Astrid? What are you doing here?" tanong ni Ran sa babae. Humakbang si Astrid palapit sa amin at mabilis na yumakap sa leeg ni Ran at siniil ito ng halik. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanila habang magkahina ang kanilang mga labi. Hindi man lamang nila alintana na narito ako sa tabi nila. Parang kinurot ang puso ko sa aking nasaksihan. Tama nga ang hinala ko na may girlfriend na si Ran at wala na akong puwang sa puso niya. Tumikhim ako upang maagaw ko ang kanilang atensiyon at hindi naman ako nabigo. Pareho pa silang nakatingin sa akin, agad naman na humiwalay ang babae kay Ran at ipinulupot ang kamay nito sa braso ni Randolf. "Babe, who is she?" tanong ni Astrid. "Don't mind her, babe. She's just nothing." sabay sulyap sa akin at tiningnan ako ng matalim. Naintindihan ko naman kung bakit niya ako tinatrato ng ganito. Wala na akong karapatan na magselos dahil hindi naman na kami. Hindi ko na siya pagmamay-ari. Pero siya pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko. Siya lamang at wala ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD