CHAPTER 2

1039 Words
LAGLAG ang balikat kong sumunod na lamang kay, Randolf. Kailangan kong sundin ang gusto niya upang makabawi sa kanya. Nang makapasok na ako sa kanyang opisina ay bahagya akong natigilan dahil sa nakatayo na pala ito sa harap ng pintoan, "what took you so long?" kunot-noong tanong nito sa akin nang mabungaran ko siya sa may pintuan ng kanyang opisina, nakahalukipkip ito habang naka sandal sa pader ang kanyang balikat. Tumingin ako sa kanyang mga mata, ngunit wala akong mababanaag na emosiyon kun 'di galit at pagkapoot lamang ang aking nakikita. Agad din akong nagbaba nang tingin ng mapagtanto kong kakaiba na ang tingin na ipinupukol nito sa akin, bahagya akong lumapit sa kanya tiyaka sabay sabing, "Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sa iyo, pero sana ay bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon," sumamo ko sa kanya, ngunit tanging ngisi lamang ang kanyang isinagot sa akin. Tumalikod na ako upang lisanin ang kanyang opisina ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay nagsalita na ito. "Kung gusto mong mapatawad kita, mananatili ka sa poder ko." walang emosiyong wika nito sa akin. Mariin naman akong napapikit sa aking mga mata habang napalunok sa aking laway. Dahan-dahan akong humarap sa kanya at diretsong tumingin sa kanyang kulay abo na mga mata. "Hi-hindi pwede," nauutal kong wika ngunit nakita ko ang pag dilim nang kanyang mukha, ibang-iba na siya sa Randolf na nakilala ko noon. Humakbang siya palapit sa akin at mariin akong hinawakan sa aking braso, masakit man pero hindi ko pinakita sa kanya na nasasaktan ako kahit na nandito pa rin ang bakas ng pananakit, ni Ezekiel sa akin. "You stay, whether you like it or not," mariing wika nito at pabalya akong binitiwan. Sapo ko ang aking braso na ngayon ay nangingitim na dahil sa tindi ng paghawak nito. Napayuko naman ako at dahan-dahang humakbang palabas ng kanyang opisina at hindi na ako nag aksayang lingonin siya. Pagdating ko sa lobby ay agad akong hinarang nang dalawang guwardiya, "Ma'am, hindi po kayo pwedeng lumabas," wika nang may kaidaran ng matanda, tumango naman ang isa pang guwardiya bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kanyang kasama. "Ha? Bakit?" kunot-noo kong tugon sa kanila, "bilin ho sa amin ni Sir. Hindi ka raw lalabas hangga't hindi pa siya bumababa," mahabang litanya nito. Pero bago pa ako makapag protesta ay nakita ko na ang sunod-sunod na pagpasok ng mga naglalaking bulto sa lobby na aming kinaroroonan. Naka tingin ang lahat sa akin habang may mga mapaglarong ngiti na nakapaskil sa kanilang mga labi. Maliban sa isa na halos magsalubong ang kilay nito, ni wala man lang itong kangiti-ngiti sa labi. "Teka, 'di ba, siya iyong lalaking naabutan ko sa opisina ni Randolf?" tanong ko sa aking isip. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya, kaya nagulat ako nang singhalan niya ako. "What the hell are you looking at!" napalunok na lamang ako sa sarili kong laway tiyaka mahigpit akong napakapit sa aking bag. "Hey, Rafael." saway nang kasamahan nilang kulay asul ang mga mata. Matalim ang mga tingin na ipinupukol sa nag ngangalang, Rafael sa akin. Kaya yumuko na lang ako at sa labas na itinuon ang aking tingin. Maya-maya pa ay lumapit sa akin ang isa sa mga kasamahan nila, nakangiti pa ito habang nakalahad ang kamay sa harap ko. "Hi, I'm Trevor. I'm Randolf's friend," tatanggapin ko na sana ang kamay niyang nakalahad, subalit bigla na lang may humawak sa aking kamay. Nilingon ko naman ang lalaking pangahas na humawak sa kamay ko pero nanlaki ang mga mata ko ng mapagsino ito. It was Randolf, at salubong ang kilay nitong nakatingin sa akin. Tiningnan ko naman ang nagpakilala sa akin na si Trevor, ngunit napakamot lamang ito sa kanyang kilay tiyaka nilingon ang mga kasamahan niyang ngayon ay humahagikgik. Bukod kay Rafael, napapailing na lamang siya habang nakatingin kay, Trevor. "What brought you here, idiots?" malamig na tanong nito sa mga kasamahan niya ngunit sa akin siya nakatingin ng masama. "Hey, Ran, 'di pa ako tapos magpakilala sa kanya," wika ni Trevor habang naka ngiti. "Talk to my hand, Trevor." Tiyaka mabilis niya akong hinila palabas ng building na halos magkandatisod na ako sa kanyang paghila sa akin. "Ran, nasasaktan ako," reklamo ko sa kanya. "Talagang masasaktan ka! Nalingat lang ako sandali nakikipaglandian ka na agad?" Biglang nagpantig ang aking tainga sa kanyang sinabi. Kaya binawi ko agad ang kamay ko sa kanya pero agad din niya itong hinawakan ng sobrang diin. "Wala akong ginagawang masama," mahina ang pagkakasabi ko pero may diin. "Talaga ba, Isabella?" He's smirking while he looking at me coldly. Pagkatapat namin sa kanyang sasakyan ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto. "Get in," malamig nitong wika. "No," matigas kong tugon. "Papasok ka ba, oh kakaladkarin pa kita sa loob." Pagbabanta nitong turan. "Tatawag ako ng police, you harassing me." wika ko. Sabay labas ng telepono ko sa aking bag. Pero bago pa ako magtipa ay maagap niyang nakuha ang telepono ko. "Sino'ng tangang police ang maniniwala sa iyo, Isabella. Now, get in." matigas nitong utos. Mabilis naman akong tumalima dahil ayaw kong makipagbangayan sa kanya. "Sasakay rin naman pala, eh, nagmamatigas pa." bulong nito. Kahit alam naman niyang naririnig ko ang binubulong niya. Pabagsak niyang isinara ang pinto ng sasakyan na halos ikabingi ko na, tiyaka siya umikot sa kabila at binuksan ang pintoan ng driver seat at umupo rito. "Sa susunod, ayaw kong makita kang nakikipaglandian sa kung sinong lalaki." Malamig ang boses nitong wika tiyaka binuhay ang ignition at nagsimula ng magmaneho. Halos paliparin niya na ang lulan naming sasakyan. Mahigpit naman akong napakapit sa seat belt ko at mariing napapikit. "You scared?" He asked. Dahan-dahan naman akong tumango na parang batang takot na mahulog. Pero sa totoo lang ay takot talaga ako, lalo na sa pagmamaneho ni Randolf ngayon. Ayaw ko nang maranasan muli ang ginawa ni Ezekiel sa akin. Ang paghulog nito sa'kin sa sasakyan habang matulin ang pagpapatakbo nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naghihilom ang mga sugat na dulot nito sa akin. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng aking luha. Kusa itong bumagsak habang inaalala ang mapait kong karanasan sa mga kamay ni Ezekiel Vergara, na ang akala ng lahat ay asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD