"Okay na ba lahat hon?" Masuyong tanong ni Sebastian. "Yes." Nakangiting sagot ko habang isinasara ang zipper ng maleta na may laman ng mga damit namin. Narinig ko ang mahinang yapak nito palapit sa akin. Bahagya pa akong nagulat nang yakapin niya ako mula sa likuran at mabilis na hinalikan sa aking batok. Shit! Mura ng utak ko nang maramdaman ang paggapang ng tila kuryente sa aking katawan. "Sebastian ano ba!" Saway ko dito habang pilit tinatanggal ang mga braso nitong nakapulupot sa aking bewang. Ngunit para lang itong bakal sa tigas, kaya wala akong magawa kundi ang iiwas na lang ang batok ko sa kanya. "Stop it, Sebastian!" Inis na sabi ko. Pero sadyang pinaglihi ito sa kakulitan at hindi talaga ako tinantanan. "Nakakainis ka! Tama na nga!" Gigil na sabi ko, habang pinaghahampa

