" Wooooh!"
Malakas na sigaw ko habang winawagayway ang bote ng beer na hawak ko. Nakatayo ako sa kotse niya kaya damang dama ko ang malakas na hangin na sumasalubong sa aking katawan.
Ang sarap sa pakiramdam!
"This is life!" Sigaw ko ulit, sabay taas ng alak na hawak ko at diretso itong ininom.
Hindi ko na ininda pa ang mapait nitong lasa na nanunuot sa aking dila.
Well! Mas mapait naman dyan ang buhay ko eh!
Kaya keribells lang!
Bitter na saad ng utak ko, naiiling na lamang ako, bakit nga ba life is so unfair? Bkit lahat na lang sila hindi ako kayang mahalin at tanggapin kung ano ako?
Mahirap ba talagang mahalin ang isang Vanny?
Mapait akong napangiti...
Nanunuot ang lamig sa aking kalamnan, ngunit sapat na ang init na hatid ng alak na iniinom ko para maibsan ang nararamdamang lamig. Idagdag pa ang napaka hot na lalaking kasama ko ngayon, na tingin pa lang ay nakakapag init na!
God! Vanny, yang utak mo nagiging makasalanan na naman! Sa isip ko.
Palihim kong pinagmasdan ang itsura nito. Magmula sa kanyang kilay papunta sa kanyang mga mata, na tama lang ang laki at pagkasingkit nito. Pababa sa kanyang matangos na ilong at mapulang labi...
Na waring laging nag aanyaya na halikan ito. Sobrang lakas ng appeal niya, idagdag pa ang seryoso at suplado niyang awra.
Na nagpamisteryoso lalo ng dating nito. Nang makaramdam ako ng pagkangalay ng binti ay pasalampak akong umupo at uminom ulit ng alak. Ngunit napasimangot ako, nang wala na pala itong laman. Agad kong binitiwan ang walang laman na bote at umabot ulit ng panibagong alak na na nakalagay sa likurang parte ng sasakyan nito.
"Tsk! " Narinig kong angal nito, kasunod ng pagpakawala nito ng isang malalim na bumuntong hininga.
Nakalabi akong umayos sa pagkaka upo habang binubuksan ulit ang panibagong bote ng alak.
Anong problema niya? Tanong ko sa isip. Habang iniinom ulit ang bagong bukas na beer. Pang apat ko na ito, pero alam kong hindi pa ako lasing dahil mataas ang tolerance ko sa alcohol. Ngunit dama ko ang init na gumagapang sa aking buong katawan.
"Tsk! Stop it! Your already drunk." Saway nito ngunit nanatiling nasa unahan pa rin ang paningin. Hindi ko naman siya pinansin at itinuloy lang ang paginom. Narinig ko pa ang pagbulong nito ngunit hindi ko na lang inintindi.
Tsk! Ano bang problema ng mokong na to? Sa isip habang iniirapan ito.
Mariin akong napalunok nang dumako ang tingin ko sa katawan nito. Na kahit nakasuot pa siya ng polo shirt ay bakat pa rin ang magandang hubog nito. Bumaba ang mga mata ko sa pagitan ng mga hita nito.
Bwisit Ka talaga Vanny! Mura ng utak ko dahil sa kalokohang nasa isip ko. Pero ano kayang size noh? Pilyong tanong ko sa isip.
Dacks kaya? Panigurado yan!
Sunod sunod na lamang akong napa iling upang mawaglit sa utak ko ang kalaswaan na nasa isip.
letse! Talaga naman oh!
Iniiwas ko na lang ang paningin ko sa kanya at tahimik na itinuloy ang paginom. Nang makaramdam ng pagkahilo ay ipinahinga ko na lang ang ulo sa headboard ng sasakyan at bahagyang pumikit.
God! I can't believe na sumama talaga ako sa hindi ko kilala, ni hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Nang magoffer ito kanina ay walang pag aalinlangan akong sumama. Hindi man lang ako nag isip kung tama ba o mali, basta ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na iyon. Nakiusap pa ako kanina na dumaan kami sa isang convenience store, na sinunod naman nito.
Dahil kailangan ko ng pangparelax, at ang alcohol ang stress reliever ko. Ito ang lagi kong kasama sa tuwing inaatake ako ng lungkot, pagod, at problema.
I rather chose to be with alcohol kesa makipag plastikan sa mga taong wala namang inambag sa buhay ko. Napalingon akong muli sa lalaking kasama ko. Nakatuon lang ang paningin nito sa unahan habang may seryosong guhit ng mukha.
Hays! Bakit ba napakadamot ng lalaking ito ngumiti. Akala mo laging pasan ang mundo. Sayang ang gwapo pa naman sana.
"Ganyan ka ba talaga? Libre naman ang ngumiti, hindi rin yon nakakabawas ng kayamanan, pero bakit ang damot mo?" Sabi ko dito.
Bumuntong hininga ito at binagalan ang pag drive, pagkatapos ay mabilis na bumaling sa akin.
"My bayad ang ngiti ko." Seryosong sabi nito. Pagkatapos ay ibinalik ulit ang paningin sa unahan. Malakas naman akong napatawa. Businessman ba ito at pati pag ngiti ay pinagkakitaan? Natatawang tanong ko sa isip.
"Magkano ba? I'll pay you." Sabi ko
"Sigurado ka? Balik tanong naman nito. Nawala naman ang pagkakangiti ko sa labi.
Bakit milyon ba ang kabayaran sa isang ngiti niya, grabe ha!
"Bakit? Anong tingin mo sakin poor! "
Balik tanong ko rin sa kanya, na bahagya pang nakaangat ang isang kilay ko.
Nagpailing iling naman ito.
Tsk! Tingin ba niya sa akin walang pera! saad ko sa sa isip.
"Eh kung sabihin kong... Sarili mo ang gusto kong ipambayad mo, kaya mo?" Seryosong sabi nito.
Ganon na lang ang pagbagsak ng panga ko, na parang umabot pa yata hanggang sahig ng kotse nito.
Bwisit!
Seryoso ba siya?
"Ano ba yang ngiti mo ginto at virginity ko pa talaga ang pangbayad." palatak ko rito
Simpleng manyak din pala ang mokong na'to ehh!
Tumingin ito sa gawi ko na parang hindi makapaniwala.
Aba! At mukha na ba akong laspag!
Sinamaan ko ito ng tingin. Na ikinatawa nito ng malakas.
Di naman ako makapaniwalang tumingin dito.
His laughing!
Mas bagay pala sa kanya ang nakatawa. Parang nadagdagan ng ten times ang gandang lalaki nito.
"Im just kidding!" Pagkuway ay sabi nito.
Tinitigan ko naman ang mukha niya. Just kidding huh!
Aba! At marunong din pala siya non... Naiiling na lamang akong napatingin sa mukha nito.
May kung ano sa lalaking ito na nagpapa abnormal ng t***k ng puso ko. Natigilan ako sa pag iisip nang pumasok ang sasakyan nito sa malaking gate. Maang akong napatingin sa gawi niya nang matanaw ko ang malawak na dagat. May mga ilang taong naroon na abala sa paliligo at paghaharutan. Nagpatuloy ito sa pagdrive, nang huminto ang sinasakyan naming kotse ay taka kong pinagmasdan ang paligid. Medyo madilim sa kinaroroonan namin at walang katao tao.
Ano kayang binabalak ng lalaking ito? Baka totohanin niya ang sinabi niya kanina.
Nang sulyapan ko ito ay abala siya sa pagkalikot ng celphone niya. Maya maya ay may apat na taong dumating. Agad itong bumaba sa kanyang sasakyan, at sinalubong ang mga ito. Mga staff marahil ito ng resort, makikita sa pagkakapareho ng mga suot nila. Nanatili lang ako sa loob ng kotse habang pinapanood ang mga kilos nila. Yong dalawa ay nagset ng malaking tent, ang isa naman ay gumawa ng bonfire. Samantalang ang isa ay naglatag ng malaking mat sa buhangin at sinet up ang mga dalang pagkain...
Napakagat labi ako habang nakatingin sa mga ito, lalo na sa lalaking abala sa pag utos sa mga gagawin nila.
God! Ano ba to? Kanina ko lang siya nakilala pero may ganitong ganap na agad. Natanaw ko ang paglapit nito nang matapos na ng mga tauhan ng resort sa ginagawa nila. Binuksan niya ang pinto sa gawi ko at inalalayan akong makababa ng sasakyan. Iginiya niya ako pa upo sa mat na nakalatag, na puno ng pagkain.
Wow! Romantic din pala ito kahit suplado! Ani ko sa isip.
Kinuha nito ang makapal na rob na nakapatong sa tabi ko at isinuot sa akin. Maang akong napatingin sa kanya.
"You should'nt wear that kind of dress!" Seryosong saad nito na ikinakunot ng noo ko.
anong problema nito sa damit ko? Inirapan ko na lamang ito, ngunit hindi ako nagsalita.
Im speachless...
kumuha ito ng pagkain at nilagyan ang plato ko,
"Eat well honey! And I will eat you later!" Sabi nito na habang may pilyong ngiti sa mga labi nito.
Sunod sunod naman akong napalunok, habang nakatitig sa mukha nito..
OMG! Mukhang napasubo pa yata ako...
Goodluck sa na lang sa perlas mo Vanny!