Chapter 6: Again- Sebastian

1148 Words
"Bullshit!" Malakas na mura ko nang may bigla na lamang may naunang magpark sa akin. Lalo pang uminit ang ulo ko nang makitang hindi pa inayos ng driver ang pagkakatigil ng sasakyan nito. Lalabas na sana ako para sitahin ito, nang matanaw ko ang isang babaing nagmamadali sa pagbaba ng sasakyan. Shit! Mura ng utak ko nang makilala ko ito. How can I forgot that face? Halos araw araw siya ang laman ng diyaryo, magazine at television. Nang makahanap ako ng magandang pwesto na matitigilan ng sasakyan ko ay agad na rin akong sumunod sa loob. Sumalubong agad sa pandinig ko ang malakas na tugtog at iba't ibang amoy sa paligid. Pabango, alak, at usok ng sigarilyo. Hays! Kahit kailan talaga hindi ako masasanay sa lugar na ito. Kung hindi lang ako napapahiya sa mga kaibigan ko ay hindi talaga ako pupunta dito. Its been a years since the last time na nagkasama kami, kaya hindi na rin masama kung pagbigyan ko rin sila. Mula kasi nang ako na ang pumalit kay daddy bilang Director ng hospital namin ay halos nawalan na ako ng oras sa lahat. Bahay' Hospital na lang ang naging daily routine ko. Pasimple kong iginala ang paningin sa paligid. "Nasaan na kaya ang babaing yon?" mahinang tanong ko sa sarili. Hindi panrin ito nagbabago, napaka carefree pa rin niya. Kahit ang simpleng pagpark lang ng sasakyan ay hindi pa magawang ayusin. Tsk! Natigil ang pagiisip ko nang maramdaman ang pagakbay ng kung sino sa akin. Si, Samuel isa sa mga malapit kong kaibigan way back in college. "Ang tagal mo bro! Kanina pa kami dito, ang dami mo ng utang na tagay." Masayang sabi nito habang iginigiya ako papunta sa VIP room sa itaas, kung saan sila nakapwesto. "Finally! Our Doctor Sebastian Bolivar is here!" Nakangiting saad naman ni Francis at sinalubong ako ng yakap sabay tapik sa aking likuran. Ganon din ang ginawa ng apat pa na sina Adam, Lennon, Farres at Jared. Nakakamiss din ang mga ungas na 'to, its been a year since noong huling nakumpleto kami. Kasal pa ni Francis at Jean noong huli kaming magkasama... "Akala namin hindi mo na naman kami sisiputin eh." Saad ni Adam, sabay abot sakin ng isang bote ng Beer. Na agad ko namang tinanggap at umupo sa tabi nito. "Kaya nga, aba' dapat i'celebrate yan at hindi naging drawing si Doc. Bolivar ngayon!" Sabat naman ni Lennon, na ikinatawa ng lahat. Sabay taas ng hawak nitong bote na sinundan din namin. "Cheer!" Sabay sabay na sigaw ng lahat habang nakataas ang mga boteng hawak namin. Naging maingay agad ang umpukan at kanya kanyang bidahan at asaran. As usual na nangyayari sa tuwing magkakasama kami. Ngunit natigil ang pagsasaya ng grupo namon nang makarinig kami ng mga sigawan at kaguluhan. Shit! Hindi pa nga ako nagtatagal na sa pagkakaupo ay may ganyang ganap na agad! Saad ng isip ko. Dahil salamin ang wall ng VIP room na kinaroroonan namin ay kitang kita namin ang mga nangyayari sa ibaba kung saan nagkakagulo. Pati ang malakas na sound na bumabalot sa buong bar kanina ay tumigil na rin at lahat ng atensiyon ay nasa dalawang babaing nag aaway sa gitna ng dance floor... "Woooh!" Halos sabay pa na sambit ng mga kaibigan ko nang sampalin ulit ng babae ang kaharap nitong babae. "Wow! I didnt know na may live shooting pala dito!" Saad ni Jared habang nakangising nakatingin sa nagkakagulong babae. "Hey! That's Vanny right?" Sabat naman ni Farres, na bahagya pang naibuga ang iniinom nitong alak. "f**k!" Malakas na mura ko nang makilala ko ito. Yan ang nakita kong suot niya kanina. Kaya kahit hindi ko makita ang mukha nito dahil bahagya siyang nakatalikod sa gawi ko, ay alam ko pa rin ang hulma ng katawan niya. "She did'nt change, she's still the Vanny I know way back in college." pailing iling naman na sabat ni Lennon. Napabaling ang tingin ko dito. Oo nga pala! He did'nt like Vanny ever since because of her image. Si Lennon kasi ang taong may pagka old fashion ang gusto sa mga babae, na exact opposite naman ni Vanny. " Eh kasama na naman niya ang amasonang si Rizza, so what do you expect diba?" seryosong sabat naman ni Jared na ikinalingon ng lahat sa kanya. "Wow! Bro, dont tell me hindi ka pa rin makamove on sa pagkakabasted ni Rizza sayo noon, parang may nalasahan yata akong ampalaya! " Panunukso naman ni Francis na ikinatawa ng lahat. "f**k you bro!" Mura nito na lalong ikinatawa ng lahat, maliban sa akin. Dahil literal na hindi ako makatawa sa nakikita ko. Shit! The woman already unconscious but Vanny continously slaping her. Akma na sana akong tatayo para awatin ito nang matanaw ko ang paglapit ni Rizza dito. I feel relief when I saw her stop, ngunit agad ding napalitan ng pag aalala nang makita ko itong tumakbo palabas. This time hindi na ako nag'alinlangan pa na tumayo at sumunod dito. Hindi ko na rin pinansin ang pagtawag ng mga kaibigan ko, all I'm thingking now is her. Hindi ko na siya naabutan pa sa labas kaya tumuloy na lang ako sa parking lot. I saw her car, but no one inside nang silipin ko ang loob nito. Nagmamadali akong sumakay ng aking kotse at mabilis na umalis. "Where did you go?" Balisa kong saad habang iginagala ang paningin sa daan. Magkahalong kaba at pag-aalala ang naramdaman ko. What if may gawin na naman ito na lalo nitong ikakapahamak. Napanatag ang loob ko nang matanaw ko siyang nakaupo sa gilid ng kalsada. Itinigil ko na lang ang sasakyan sa di kalayuan, sapat lang para matanaw ko siya. "Bullshit!" Malakas na mura ko sabay suntok sa manibela ng aking sasakyan. She's crying because of that bastard! Hinayaan ko siyang ilabas ang bigat na nararamdaman nito. Nang masiguro kong kalma na siya ay unti unti akong nagdrive palapit sa kanya. Nang tumapat na ang sasakyan ko sa kinaroroonan nito ay tsaka ko binuksan ang hardtop convertible ng aking sasakyan. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. "Hop in!" Saad ko, Saglit itong natigilan at napatulala sa akin. But I feel relief nang tanggapin nito ang offer ko at walang pagaalinlangan na sumakay sa kotse ko. "Pwede bang dumaan muna tayo sa convenience store na malapit?" maya maya at sabi nito, tumango ako bilang sagot. "Sure!" Tugon ko rito. Para naman itong bata na nabigyan ng kendi na tuwang tuwa at bahagya pang pumapalakpak. Hays! Kanina lang umaatungal sa pagiyak ngayon naman ay tuwang tuwa! Saad ko sa isip. Napapailing na lamang ako habang tinatanaw itong pumasok sa convenience store. "Binura mo na nga talaga ako ng tuluyan sa memory mo, that you did'nt recognized me." usal ko habang nakatanaw pa rin dito. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan ko. At pagod na isinandal ang ulo sa headboard ng sasakyan. "Vanny..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD