Agad isinagawa ang operasyon ng anak namin. Dahil si Seb ang donor ni Yanna ay ang kambal na kapatid niya ang nagsagawa ng operasyon. Sina Doctor Wilson at Doctor William, na katulad din ni Sebastian ay mga magaling rin na doktor. Kinakabahan man sa mangyayaring operasyon ay pinili ko na lang magtiwala at ipaubaya sa diyos ang lahat. Alam ko na whatever happens there's always a reason. Nanghihina na lang akong napaupo sa mahabang upuan na nasa labas ng Operating Room. Habang lihim akong nagdarasal na sana maging maayos ang lahat. "Vanny!" Gulat akong napalingon sa pinaggalingan ng boses. "R-Rizza…" Napaahon ako sa pagkakaupo at patakbong sinugod siya ng yakap. Ang emosyon na kanina pang nagpapabigat sa dibdib ko ay biglang kumawala nang makita ko siya. Mahigpit niya akong niyakap, sa ila

