"Are you ready?" Gulat akong napalingon kay Rizza nang bigla itong magsalita sa bandang likuran ko. "Naibaba na lahat nina Samuel at Dean ang mga gamit natin. They are waiting on us at the parking lot." Patuloy na sabi nito, isang tango ang ginawa ko bilang sagot. "Are you sure, nandun na lahat ng kailangan mo? Bka may nakalimutan ka pa!" Tanong ulit niya. Marahang akong umiling. "Nothing!" Tipid na tugon ko. Muli kong iginala ang paningin sa kabuuan ng kwarto ko. Mamimiss ko ang lugar na ito, the place where I started. Ito ang unang property na nabili ko from my own money. And I'm proud to myself na sa kabila ng pagiging waldasera ko ay may nabili naman akong pag aari ko. "Sige hintayin na lang kita sa labas." Sabi ulit nito. Kilala talaga ako ng babaeng ito, she really know tha

