Maingat akong umupo sa gilid ng aking kama. I really miss my bed… Finally! After one week nakauwi din kami ng baby ko. Akala ko nga ay magkakaugat na ang likod ko dahil sa tagal ng pagkakahiga. Dinaig pa ang mga guwardiya sa monumento ni Rizal kung makapag bantay si Samuel at Rizza. Kung hindi man ay may isang nurse talaga silang kinuha para magbantay sa tabi ko. Hays! "Inayos ko na ang mga gamit mo bakla ha, mahiga ka na lang muna diyan!" Narinig kong sabi ni Rizza kaya napalingon ako sa gawi nito. Kanina pa ito abala sa pag aayos sa closet ko. "So anong balak mo sa mga pinatanggal mong damit?" Tanong nito "Balak kong ibenta na lang yan tutal hindi ko na yan magagamit at yong iba naman ay hindi ko pa talaga nasusuot!" Sagot ko dito. Nailing naman ito, "You see, ito yung sinasabi ko

