Ihinain namin ni Keith ang mga niluto niya pagkatapos niyang maihanda ang lahat ng mga 'yon. Naiilang man ako sa kanya ay ipinilit ko na iwaksi ang nararamdaman ko. Hindi ko puwedeng pilitin ang sarili ko. Alam ko naman na kahit na sinong babae na mamahalin ni Keith ay sobrang masuwerte, pero ayokong mahalin siya dahil lang do'n. Gusto kong mahalin siya na handa na ako. Nang matapos kaming maghain ay dumulog na kami sa hapag-kainan. Nauna nang kumain si Gino dahil may pupuntahan daw ito. Bago pa man namin maumpisahang kumain, bigla na lang nagsuka si Gino na ikinagulat ng lahat. Sabay-sabay kaming napatayo nina Krystal at Keith dahil katabi lang namin siya. Namimilipit sa sakit si Gino. Mabilis na hinugot ni Keith ang cellphone niya mula sa bulsa niya at tumawag ng ambulansya. Lahat ay

