Nakatingin lang ako sa lecture ni Ma’am na sinusulat niya sa blackboard. Medyo bad mood ako ngayon dahil sa kanya. Hindi ko naman akalain na magiging classmates pala kami at sa likod pa talaga ni Kylie siya umupo. Bwisit bakit kasi do’n pa ang may bakante. Ang malas ko talaga kahit kailan. Parang pinapasa sakin ng kamalasan ang pagkamalas nito.
Humalukipkip ako habang nakatingin sa mga sinulat ko sa notebook. Nagsimulang magdiscuss si Ma’am pero hindi ko siya pinakinggan.
Half of the class are sleeping and doing some nonsense things and the other half of it are still listening to her.
Patago kong binalingan ng tingin ang katabi ko. Namamaluktot siya sa kakasandal sa upuan niya, nakakrus pa ang braso nito at mahimbing na natutulog na animo’y hindi niya nagawang matulog kagabi. Napatawa ako saking isipan. Pagdating talaga sa kanya ay nawawala pansamantala ang pagiging cold at loner ko.
Hindi pa rin siya nagbabago. Ganon na ganon pa rin ang gawi niya. Ginagawa niya ‘yan kapag naboboringan siya o walang gana makinig kaya minabuti niya nalang na matulog.
Napakainosente niya. Hindi siya bagay makipagkaibigan ng isang katulad ko. Hindi siya bagay na makasama niya ang isang gaya ko.
Natapos ang half day ng klase ay lunch time na. Ginising ni Mev si Kylie at nagising rin agad ito. Dali-dali kong inayos ang bag ko, nararamdaman ko kasing nakatingin siya sakin. Lalapit na sana siya sakin nang umiwas ako at dali-daling umalis. Nakayuko akong lumabas sa room. Kabisadong-kabisado ko na ang rountine niya kaya umiiwas ako.
Alam kong yayain niya akong sumabay maglunch but I always rejected her in that way. Arrg! Her head is hard as her skull. Ilang taon na lumipas pero ganon pa rin ang ginagawa niya. Walang bago at naiinis ako. Hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na halos limang taon ko siyang iniiwasan at limang taon na rin niya akong hinahabol. She’s still hoping that the old me can have a chance to be back.
Nakakainis man isipin ay wala akong magawa. I have trust on her but not enough to vulgar my deepest secret. Hindi ko pa ‘to sinasabi sa kanya, nor even to my sister.
“Rosella! Wait up!” hindi ako tumigil sa paglalakad. Ano na naman bang kailangan ng lalaking ‘to?
“Teka, sandali lang,” hinawakan niya ang braso ko na ikinatigil ko. Mahinahon kong kinuha ang paghawak nito sa braso ko at hinarap siya.
“I can’t help you.”
“Hindi naman ako hihingi ng tulong sayo. I want to treat you for helping me earlier.” Ayan na naman ang nakakiritang ngiti niya. Ngiting aso.
Treat? Usually ay hindi ko ito tinatanggap lalo na sa mga hindi ko kilala. Hindi ko naman talaga siya kilala, except his name. Hindi ako dali-daling magtiwala dahil sarili ko lang ang pinagkakatiwalaan ko. Nasanay na ‘ko na ako lang tumayo sa sarili kong pagkatao.
“Sige na naman Ro, para may kasama rin akong maglunch. Hindi ka ba naaawa sakin?” hindi at wala akong pakialam sayo. And also, I don’t want to give dirt on my reputation. Paniguradong maraming magbubulungan at mga rumors na kakalat once na um-oo ako sa kanya.
“And if you’re worrying about them, I don’t care. Just let them be. Wala ka rin naman pake right? So why bother showing some attention to them?” Bullseye. Nahula niya ang iniisip ko.
“Ayaw mo no’n? Ililibre kita kahit anong gusto mo. Please Ro,” him calling me Ro sent me a chills down to my spine. Wala pang nakakatawag sakin nyan, karamihan ay Rosel ang tawag nila sakin at ni ate kaya nakakapanibago sa pakiramdam. Kinikilabutan ako.
I sighed in defeat. Ngayon na lang ulit ako nilibre, at sa isang tao pa na kanina ko lang nakilala na classmate ko pala.
“’Yown! Tara na.” hinila na niya ang wrist ko, sinisiguro na susunod ako. Ano ba ‘yan, palagi na ba siyang didikit sakin? No way, kung may plano siya na gagawin ‘yun ay iiwasan ko rin siya katulad ng ginagawa ko kay Kylie. Exempted ngayong araw dahil ililibre niya ‘ko.
Tinatahak pa lang namin ang daan papuntang caf ay pinagtitinginan at pinagbubulungan kami. Samin ba talaga sila nakatingin o saming kamay? Pilit kong kumawala sa hawak niya pero mas lalo lang ‘yun humihigpit.
“Hayaan mo silang pagpiyestahan tayo.” Bulong niya na ikinainis ko. Ngumingisi pa talaga siya. Hindi ko alam ang iniisip niya pero ayaw ko ang ideyang pumapasok sa isip niya.
Pagdating namin sa caf ay may ilang nakatingin samin pero hindi ko sila binigyan ng pansin, pati rin itong kasama ko. Naghanap siya ng maaupuan namin at hindi niya pa rin pinapakawalan ang pulupulsuhan ko. Unti-unti na ring sumasakit ito, ang higpit kasi ng pagkahawak niya. Sinisigurado niya talaga na hindi ako makakawala.
Nang may nakita siyang bakanteng table ay agad niya itong nilapitan at kinaladkad niya naman ako. Hinahayaan ko nalang dahil parang ayaw gumalaw ng katawan ko. Umaandar ang pagiging tamad ko kapag may kasama ako. At isa pa, dapat na siya lang mag-adjust dahil marami siyang pabor na hiniling sakin na natupad ko naman.
“Dito ka lang, oorder lang ako.” Nilagay niya lang ang bag niya sabay alis agad. Hindi niya man lang tinanong kung ano ang ioorder ko. Hayaan ko nalang, tutal libre niya naman ‘to.
Patagong tinignan ko ang paligid. Ang daming estudyanteng kumakain, nagtatawanan at nag-uusap. Meron ring pumipila at ang iba ay nagsisitulakan pa kaya ang unahan at ang likuran nila ay naiinis ang mukha.
Hindi ko sadyang mapadako ng tingin sa isang grupo na nagtatawanan. Lahat sila babae pero ang napukaw talaga ang atensyon ay ang babaeng nakatingin sakin. Hindi siya sumasabay makipagtawanan sa mga kasama niya, nananatiling tahimik lang siya at nakatingin sakin.
Iniwas ko na ang tingin ko. Hindi niya naman siguro nahalata na tinignan ko siya, iiwas agad ako kapag nakakita ko siyang nakatingin sakin. Salamat kay bangs dahil hanggang mata ko ang haba nito.
Kahit kailan talaga, Kylie— haay. Walang araw na hindi ka nag-aalala sakin.
Ilang sandali pa ay dumating na si Mev na may dalang tray at… dalawang service crew? May dala rin silang tray. Ang dala ni Mev ay puro burger, fries, spag, rice at may mga prutas rin tulad ng apple, saging at sliced pineapples. Ang nasa kanan niya ay puro sliced cakes, cupcakes, ice cream and anything na matatamis at ang isa na malapit sakin ay puro drinks like juice, iced tea, milktea, iced coffee at marami pa.
What the? Anong kalokohan ‘to?
“Since I don’t know your picks here, inorder ko ang iilan sa kanila.” Iilan sa kanila? Nagpapatawa ba siya? Sa totoo lang ay gulat na gulat ako, hindi ko naman kasi inaasahan na ganito pala karami ang ioorder niya but I remained my face to be calm. Kinuha ko na ang lunchbox ko, nagsign of the cross muna bago kumain.
“Ubusin mo ‘yan ah? Opps, I don’t take no for an answer. Wala akong pake kung tataba ka basta ubusin mo ‘yan.” Ang sarap niyang balingan ng matatalim at masasamang tingin pero hindi pwede. I controlled my rising irritation, kung baka sakaling magawa ko ‘yun ay makikita ko ang tinatagong kamatayan ng mga matang ‘yan.
Wala na rin akong magawa at nagsimula na kaming kumain. Bahala siya d’yan kung hindi ko mauubos lahat ‘to ay sasabihin ko nalang na busog na ‘ko. Habang abalang kumakain ay kapwa napatigil kaming dalawa sa narinig na nakakasakit sa tenga na tili.
“What did you do to me?!” galit na sigaw ng isang babae habang nakatayo at hindi makapaniwalang nakatingin sa uniform niya. Basa yata ito. Todo bow at sorry naman ang isang babaeng may yakap na tray na manang at nerd kung manamit. Imbes na above the knee length lang ang palda ay hanggang ibaba ng calves niya ito. Nakapigtail ang buhok at may suot na malaking glasses.
It’s her, she’s in trouble again. Napakalamya talaga niya. Habulin talaga siya ng away.
“You b***h! Take off your clothes!” umalingawngaw ang sigaw ng babae pero nakatungo lang siya. Hindi siya umiling o tumango, nakatungo lang. She’s crying, I can see that. Mistulang parang may isang sikat na artista ang tinitignan namin dahil sa lahat ng ulo na nandidito ay nababaling sa kanila.
Tinuon ko nalang ang atensyon sa pagkain ko. Wala naman akong pakialam d’yan.
“Teka, diba classmate natin yan?”
Hindi ko pinansin ang komento ni Mev. Oo, classmate namin ang nakayukong nerd. Azra Montecillo, ang top 1 sa klase namin.
“I said take off your clothes! Magpalit tayo ng uniform!”
“P-pwede bang sa c-cr nala—“
“I want them now! Bilis!”
Hindi pwedeng hindi ko marinig ang usapan nila dahil ilang table lang ang pagitan nila samin. At naririndihan na ‘ko sa boses ng babae. Hindi naman siguro sinasadya ni Azra ang ginawa niya. And also, it’s only water. Napakaarte naman ng babaeng ‘to. Parang tubig lang, matutuyo rin ‘yan buti sana kung coke o juice ‘yan.
“Ahhh, ayaw mo hah?” sinimulang marahas na inaagaw ng babae ang yakap-yakap na tray ni Azra. Umiiling naman siya, hindi sumasang-ayon sa utos ng babae. Lahat ng tao ay nakatingin lang, ang iba ay walang pakialam. Meron ring nagbubulungan at tumatawa. Ang mga kaibigan ng babae ay tinawanan lang si Azra, chinicheer pa nga nila ang kaibigan nito. Wala man lang nagtangkang umawat sa kanila.
That’s it.
“Grabe naman yung babae, hindi ba siya naaawa sa classmate natin? Should we call a teach— h-hey! Saan ka pupunta?”
Nilapitan ko sila. Sumusobra na siya. Porke maganda at mayaman siya ay pwede na niyang gawin ‘yan dito. She’s a human too, tao din naman siya nagkakamali lang. Nang nasa harap na nila ako ay tumigil ang babae sa ginagawa niya.
“And who are you? A trying hard hero who wants to save the wrong victim?” ahh, so pinapalabas niya na siya pa ang biktima? I hope you don’t mind me saying this but, she’s a b***h.
Binalingan ko ng tingin si Azra, nakatungo pa rin siya at yakap-yakap ang tray, nangangatog rin ang kanyang tuhod at nanginginig ang balikat niya. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Tumingala siya sakin nang makita niya ito. Hindi ako nakatingin sa mga mata nila, nasa crest niya ako nakatingin.
“Ro-Rosella,”
“Give it,”
“Oh wow, I thought your going to save the wrong victim.” Sabat ng babae. Sarap iduck tape ng bibig niyang mapula-pula dahil sa lipstick. Napakaiksi pa ng palda, siguro kung tutuwad siya ay makikita na panty nito.
“Rosella, p-please hin.. hindi ko sinasadya.” Tumaas ang kilay ko. Alam ko naman ‘yun, ang sakin lang ay ibigay mo sakin ang tray ng masampal ko ito sa endorser ng make up ang babaeng ito.
“Just give it,” pinatalim at ginawa kong nakakatakot ang boses ko. Hindi ako nabigo at dahan-dahan niya itong inabot sakin.
“That’s good. Pwede kang sumali sa grupo ko girl. You’ll be perfect when your with us, sisikat ka rin tulad namin.” Nakangiting sabi niya, narinig ko pa ang pagsang-ayon ng kaibigan niya.
“Sorry, I’m not fond of hanging out with clowns.” Cold kong sabi. The crowd suddenly burst into laughters, some are saying nonsense after I said that to her. Ang iba ay nagchicheer pa. Her, then, smile vanish. Her jaw clench and deadly glaring at me. Ang bilis naman mag-iba ng colors nito. Napatingin siya sa tray na inaabot ko sa kanya.
“Anong gagawin ko d’yan?” she cross her arms while rising her left eyebrow. Niyugyog ko ng kaunte ang ikalawang pag-abot sa kanya, pinapakitang naiinis ako. Naiinis naman talaga ako kanina pa. Inistorbo nila ang lunch ko.
Dali-dali niya naman itong kinuha. Tss. Takot rin naman pala eh. Kinuha ko yung isang baso na may laman ng tubig sa table nila at binuhos ito mula sa ulo niya. Ayan, perfect ikalawang ligo na niya ‘yan.
She gasp as her big mouth open wide while looking at me with a saucer-like eyes. Kasing laki ng buwan ang pagbukas ng bibig niya. Bungangera.
“What the fvck?!” singhal niya after kong binuhos siya kanya ang tubig.
“How dare you!”
“You b***h!”
Tinulungan nila ang kaibigan nilang basang sisiw. Puro sila b***h, hanggang b***h lang ba ang idedescribe nila sakin?
“And who are you to do that to her?” balik kong tanong sa kanila.
“Hindi mo ba kami kilala?!” tamad akong tumango sa tanong ng kaibigan niyang puno rin ng kolorete ang mukha.
“Then mention our names!”
“Clown, clown, clown and clown.” Tig-isa isa ko silang tinuro habang sinabi ko iyon. Umawang ang mga bunganga nila. Tila, first time nila na may gumaganon sa kanila.
“You four arrived to the right place to be laughed at.” Susugurin na sana ako ng babaeng binuhusan ko ng tubig nang may biglang humarang sa harap ko at sinampal siya.
“That’s enough Lizy! This is gone too far!”
The voice, her voice. Kilalang kilala ko ito. Hindi ako pwedeng magkamali.
“Hah! At sino ka naman para pigilan ako?!"
“Kaibigan ko ang kinakalaban mo kaya kung ayaw mong tukusin ko ng heels ko ang mga mata mong sobrang kapal ng mascara, better get out." Matapang na sagot niya. Nagulat ako sa totoo lang, hindi ko ini-expect na papasok rin siya sa gulong 'to.
Tinignan niya lang ng masama si Kylie. Feeling ko may kuryenteng dumadaloy sa mata nila dahil sobrang intense ng kanilang pagtitigan.
Pagkatapos na pagkatapos sabihin ‘yun ni Kylie ay agad na tumakbo si Lizy at nasunod na parang aso ang tatlo niyang kaibigan. Hindi sila bagay sa school na ‘to. Kung pwede lang na ireklamo sila sa kanilang pambubully pero wala pa ring kwenta kapag isinumbong ko ito sa mga teachers or sa Dean.
Naramdaman kong may lumapit sa likod ko.
“Cool,” kahit na hindi ko pa siya tignan ay alam kong may sumisilay na ngisi sa kanyang labi. Aba, nag-eenjoy pa siya? Hindi ako warfreak, kusa nalang gumalaw ang mga paa ko. My lips, my body, my hands. Parang may sarili silang utak at kaluluwa sa biglang paggalaw nila.
Bumalik na ako sa table para ipagpatuloy ang naudlok na lunch ko. Wala pa ito sa kalahating kinain ko. Isang oras nga ang lunch namin pero binawasan nung apat na clowns. Hindi ko naman iniexpect na may ganitong g**o pala na mangyayari. Hindi ko rin iniexpect na pati ako ay nasali. I’m really weird.
Pagka-upo na pagka-upo ko ay may narinig akong mga yapak ng paa papunta sa direksyon ko. Marami sila. Don’t tell me—
“Eat lunch with us guys. Baka biglang bumalik ang mga clowns na ‘yun at sugurin pa kayo.”
Tumabi sakin si Mev at ang dalawa naman ay nasa harap namin pumwesto. Si Kylie ang kaharap ko samantalang si Azra naman ang kaharap ni Mev.
“Yey! Thanks Iro ah. Ang bait bait mo naman. Ewan ko lang kung gaganahan pa akong makakain nito sa bwisit na mga clowns na ‘yun.”
“Don’t lose your appetite just because of them.” Inikot nalang niya ang kanyang mata, naiinis.
“O-okay lang ba s-sa inyo na k-kasama ako?”
“Of course! Sang-ayon na sang-ayon ako. Ewan ko lang sa katabi ko.”
Wow, pinaparinggan ba ako nito? Tahimik lang akong kumakain dito pero nasali pa ako.
“Wag kayong mahiya. Kuha rin kayo dito, these are my treats for Ro but I think ayaw niyang kainin. Hindi niya pa nga niya nagagalaw.”
Confirmed. Pinaparinggan nga ako ng lalaking ‘to. Dahil ayaw yatang tumahimik ang lalaking ‘to sa pagpaparinig sakin, kumuha ako ng strawberry cheesecake, burger at dalawang siopao. Mga favorite ko kaya ‘to, hindi pwede na tatanggi ako. Baka ubusan pa ako nila. At tsaka, nakasanayan ko nang kumain ng kahit anong pagkain kapag naiinis ako. I also like desserts, kaya nga kinuha ko ang strawberry cheesecake.
“Ayun, kumuha rin. Kailangan lang pala ng pagpaparinig bago kumuha.”
I can sense it. Nararamdaman ko. Alam kong ngumingiti siya ngayon at ang dahilan no’n ay ako. She didn’t let her hopes down. Palagi talaga siyang umaasa na babalik ang dating ako at hindi ko sinasadyang nabigyan ko siya ng pagkakataon. I’m so stupid to give her hopes up. Akala niya siguro, unti-unti na ‘kong nagbabago dahil sa nangyari kanina.
Narinig ko ang pagbukas ng kanilang mga lunchbox.
“Oh yeah, hindi pa pala ako nagpapakila sayo Iro. I’m Kylie Suarez and… and,” naramdaman kong sumulyap siya sakin. Kahit na nakatungo ako habang kinakain ang lunch ko ay ramdam ko. Wala na akong pakialam kung sasabihin niya. Past is past.
“A-and you can call me Lie.” Narinig ko siyang bumuntong hininga.
“And this is Azra Montecillo. As you can see, nerd siya at siya ang top 1 sa class natin." She said as she reach out her hand para kumuha ng pineapple juice.
“Laki ng glasses mo ah, may grado 'yan panigurado." Ani Mev sabay kagat ng burger.
“Ay oo nga pala. Iro, pwede bang sa inyo pa rin kami sasama maglunch bukas?” nagthumbs up si Iro habang may burger sa bibig niya. Nilunok niya muna ito at nagsalita.
“Sure! Even ‘til the end of the class.” Nag-apir pa silang dalawa at ngumiti lang si Azra. Ako? Kumakain pa rin. Walang kibo, walang imik. Walang salita ang lumalabas sa bibig ko. Tumayo si Mev kata sinundan ko siya ng tingin. Saan naman pupunta ‘to?
“Ganito na ba talaga si Ro?” Tss. Lumipat pala ng upuan.
“Ahh si Rosella?” binalingan ako ng tingin ni Kylie sabay balik ulit kay Mev. Wow, lumipat pa talaga siya kay Kylie para lang pagchismisan ako? Lalaki ba talaga siya? Nabulungan pa sila kung maririnig ko rin naman.
“Oo matagal na. Simula nung…”
“Nung ano?” nag-aalinlangan pa siya kung sasabihin ba niya.
“Nung n-nawala ang mommy niya.” Napatigalgal naman si Mev sa sinabi niya.
“I shouldn’t asked.”
“Okay lang, asdfghjkl.” Hindi ko na narinig pa ang sinabi niya dahil sa sobrang hina ng pagkabulong niya. Whatever she said, she don’t want me to hear it. Patago akong tumingin ako kay Mev nung tumayo siya at tumabi na ulit sakin. Oh? Anyare sa kanya? Bigla yata nagbago ang mood niya. Hindi ko makita ang mata niya dahil nakayuko at natatakpan ito ng bangs niya. Bahala siya d’yan.
Habang kinakain ko yung strawberry cheesecake ay napatigil ako at nagulat ako nung niyakap niya ako patagilid. What the heck? But then again, I remained my face a cold one.
“I promise you, hindi ka na ulit pa makakaramdam ng sakit. Hindi ko ‘yun hahayaan.” What the heck? Ano bang pinagsasabi nito? Is he out of his mind? Nahihibang na ba ‘to? At niyakap pa talaga ako ah? Dito pa talaga sa maraming tao! Jeez! This is so uncomfortable.
Narinig ko ang paghikbi ni Kylie at ngumiti lang si Azra. Ang oa nila ha. Bakit? Ano bang sinabi ni Kylie kung ba’t niyakap ako ng baklang ‘to?
“Babaguhin kita. Ibabalik ko ulit ang dating ikaw.” Bulong niya na kaming dalawa lang ang makarinig.
Really? Let’s see kung magagawa mo. Si Kylie nga ay todo lapit sakin at umaasa pa rin na mababago ko ang sarili ko, ikaw pa kaya na kani-kanina lang kita nakilala? Impossible.
Yumuko nalang ako. Hindi ko alam kung ano ang ilalabas sa bibig ko. The right words can’t get out of my lips. Ayaw ng dila ko ilabas. Siguro hindi pa ito ang tamang oras para sa ganitong sitwasyon. Dahil sa biglaan na rin siguro.
Mabilis kong niligpit ang lunchbox ko sabay sukbit ng bag ko saking balikat. Naririnig ko pang tinatawag nila ako pero hindi ako tumigil sa pagtakbo.
Sa totoo lang, gusto ko rin baguhin ang sarili ko para kay Kylie. Umaasa siya na maging close kami at bumalik na ulit sa lahat. Kahit na gustong gusto ko mangyari ‘yun ay hindi pwede. I have my own reasons. The reasons I should keep it only a secret.
Paliko na sana ko ng may nakabangga ako.
“Watch we’re your going, idiot.”
Inirapan niya ‘ko sabay lagpas sakin. Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko. Is it because I saw it? Tinignan ko ang likod niyang papalayo sakin.