[1] Not A Reverie

1489 Words
This is a work of fiction. Any names, characters, places, events, businesses are either the author's imagination that used in a fictitious manner/way. Any resemblance to reality or any other stories are just purely coincidental. Warning: there will be malulutong cusses in this chapter and also the rest of the story. Please excuse my insensitive languages. Enjoy reading! ~*~ "Ma? Saan po tayo pupunta?" nakasimangot kong tanong kay mama habang nakahawak ako sa kamay niya at ang isa naman ay hinahawakan ang kulay pink kong bag na Barbie. Uuwi na kami ngayon dahil uwian na ng school pero nagtaka ako nung ibang daan ang tinahak namin kaya mapapatanong talaga ako. Nagugutom na rin ako at kanina pa tumutunog ang tyan ko. Gusto ko ng kumain. Lumuhod si mama sa harap kaya napatigil ako sa paglakad. "Anak, samahan mo muna si mama mag-grocery. Ayos lang ba sa'yo 'yon?" nakangiting sabi niya sabay kuha sa mga hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko. "Bibili kasi ako ng mga kailanganin natin para sa pang-araw-araw nating kabuhayan. Hindi muna kita pwedeng iuwi dahil hindi pa ito uwian ng ate mo kaya walang magbabantay sa'yo. Tapos si papa ay sa gabi pa makauwi. Payag ka bang sumama ka sakin?" Nakangiti ko rin siyang tinanguhan. "Okay lang po sakin ma basta po may kapalit," sabay ngiti ko nang nakakaloko. Napatawa siya sa sinabi ko. "Sige, ano ba 'yon?" "Pizza! Bili po tayo ng pizza mama!" masigla kong sambit habang nakataas ang dalawang kamay ko sa ere. Nanggigigil niyang kinurot ang matambok kong pisngi. "Mmmm! Ikaw talagang bata ka. Manang mana ka sa ate mo." "Eh kasi ma gutom na gutom na rin po ako. Kanina pa nag-iingay ang tyan ko." sabay kamot sa ulo ko. "Sige, bibili tayo ng favorite pizza mo pero pagkatapos lang natin mag-grocery. Okay ba yun sayo?" ngumiti ako bilang tugon sabay thumbs up ko. "Okay na okay po! Tara na po!" ako na ang nanghila kay mama kaya wala siyang nagawa kundi sumunod sakin. Pumunta kami sa isang bus station at naghintay doon. Nang may dumaan na nagtitinda ng ice cream ay bumili si mama para saming dalawa. Dalawang tig-10 ang binili ni mama. Nakatingin lang ako sa paglagay ni manong ng ice cream kong ube flavor sa cone. Medyo nae-excite kasi isa rin sa mga paborito ko ang ice cream. Nang matapos siya sa paglalagay ay inabot niya ito sakin at masaya ko itong kinuha sa kanya. "Salamat po," pagpapasalamat ko sa kanya at ngumiti siya. Bigla nawala ang mga ngiti ko nang may nakita akong kakaiba sa mga mata niya. Imahe, isang imahe. "Walang anuman, hija." nakangiting sabi niya sabay balik na ulit sa pagkuha ng ice cream. Napakurap ako sa nakita ko. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko, namamalik mata lang yata ako. Tama, baka gutom lang ito. Walang hiyang gutom na 'to, dahil sa kanya kung ano-ano ang nakikita ko. "Anak, napaano ka? Napuwing ka ba?" umiling ako. "Wala po ito ma, kumati lang ng kaunti." inabot ni manong ang ice cream kay mama. "Ay hija, natutunaw na siya oh. Kainin mo na, sayang naman." muli ay tumingin ako sa mga mata ni manong. Ayan na naman, nakikita ko talaga. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot. Kinakabahan akong umiling-iling, pinapaalis sa isip ko ang imaheng nakita ko sa mga mata ni manong. "Ayaw mo ng ice cream anak?" umiling ulit ako. Naramdaman ko nalang na may mainit na tubig sa pisngi ko. "Sige po, salamat po manong." nagpasalamat rin si manong kaya bumalik na kami ni mama sa pag-upo. "Anak, okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Hindi mo ba gusto ang flavor? Gusto mo bili ulit tayo ng ibang ice cream?" Nag-aalala na si mama dahil sa kinikilog ko pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nakita ko. Muli ay iling ang naging sagot ko. Napaluha ako hindi dahil sa natutunaw ang ice cream ko kundi sa nakita ko sa mga mata ni manong. Hindi ko mawari kung imagination ko lang yun. Nakakatakot ang ganong pangyayari. Hindi ko akalain na makakita ako ng ganong eksena sa edad kong ito. Si manong kasi, masasagasaan siya ng dalawang bus. Puro kulay pula ang nasa paligid. Hindi ko rin lubos maisip na nakita ko 'yon mula sa mga mata niya. Kahit na 7 years old pa lang ako may kaunting kaisipan na akong nabubuo. Pinalaki ako ni mama na alam ang lahat ng bagay. Kada may tinatanong ako ay agad niya itong sasagutin kahit na nag-aalinlangan siya. Pero may mga bagay na hindi ko dapat malaman ngayon na bata pa lang ako, katulad ng nakita ko kanina. Pinaliwanag niya sakin pero kaunti lang dahil sabi niya raw, malalaman ko din ito paglaki ko kasalukuyan. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak. Nahihirapan na rin si mama patahanin ako. Pinipigilan ko rin ang pag-iyak pero kusa lang siya lumalabas kada nalulungkot ako o natatakot. Ang pagbangga ng dalawang bus ang ikakamatay ni manong ang hindi mawala-wala sa isip ko. Bigla akong nakaramdam ng awa. Mukhang mahirap kasi ang pamumuhay ni manong dahil sa suot niyang gusot-gusot at maraming tahi. Paano na ang pamilya niya? Ang mga anak niya? Sino na ang magtatrabaho para sa kanila? Sino na ang aasahan nila? Lumuhod si mama sa harap ko, hindi pa rin kasi ako tumitigil sa pag-iyak. "Sshhh, tahan na anak. Gusto mo bili nalang tayo pizza?" umiling ulit ako at sakto na may huminto na bus sa likod ni mama. Nakaramdam ako ng kaba, parang may pumipigil sakin na wag kaming sumakay ni mama. Hawak-hawak na ni mama ang kamay ko at handa na sana siyang tumapak sa hagdan ng bus nang hinawakan ko ang laylayan ng damit niya. "M-ma, w-wag *hik* po. Wag po tayong s-sumakay," "Paano tayo makakapunta sa mall ng mabilis anak? At tsaka diba gustong gusto mo na kumain ng pizza?" hindi ako sumagot kay mama. Umiling-iling lang ako habang nakahawak sa laylayan ng damit niya. Kailangan ko siyang pilitin pero hindi ko alam kung ano idadahilan ko. "Ma'am, sasakay ho ba kayo?" nilingon ni mama ang konduktor na nakasandal sa pinto. Humihikbi akong kinarga ni mama at sumakay kami. Ang daming tao, ang daming madadamay. Umupo kami malapit sa pinto. "Anak, ano ba nangyayari sayo? Hindi kita maintindihan." tumigil ako sa pag-iyak. "M-ma kasi po, may nakita a-akong kakaiba kanina k-kay manong." panimula ko. "Anong kakaiba sa kanya anak?" pinahiran niya ang mukha kong puno ng luha at ang sipon kong lumalabas sa ilong ko. "Mama, nakita ko siyang namatay." napatigil siya sa ginagawa niya sakin at tinignan ako, may takot sa mga mata niya. "A-ano?" "Maniwala po kayo ma, nakita ko siya. Nagsasabi po ako ng totoo. Nakita ko kung paano siya namatay. Ma, bumaba na tayo dito sa bus." pagpupumilit ko sa kanya. Niyuyugyog ko pa ng bahagyan ang braso niya. "B-bumaba? Bakit?" "Dalawang bus ang babangga kay manong mama. At sa tingin ko ay isa na itong bus na sinasakyan natin." umiling siya sa sinabi ko. Marahil ay hindi naniniwala sa mga pinagsasabi ko. "M-mama, please po bumaba na tayo mama." "Ohhh, Sitio Mada dyan. May bababa ba dito sa Sitio Mada?" sigaw ng konduktor. "Kami po," "Oy pre, may bababa daw." "Pre malapit na tayo sa Sitio Mada," "Hoy Alvin, itigil mo na. Nilampasan na natin oh," "Manong, para po. Bababa na po kami dito." "Alvin, bingi ka ba? Naririnig mo ba ako?" "H-hindi ko ata mahinto, p-parang nasira ang preno." "ANO?!" Nagsimulang magsigawan ang ilang tao sa loob. Ay iba ay natataranta at natatakot ang mukha, may iba rin nagsisimulang umiyak. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Teka, ano nangyayari? Bakit sila ganyan? Biglang tumayo si mama at tinignan ang direksyon kung nasaan ang driver at ang konduktor. "Akin na nga yan!" "Putangina! Ayaw huminto!" May ilang mga lalaki ang nagsilapitan doon. "Pre, ako dyan." "Mama, ano pong nangyayari? Bakit sila lumalapit doon?" tanong ko kay mama pero hindi siya sumagot. Nasa unahan pa rin ang atensyon niya. Natataranta ang mukha ni mama, at kahit na may pumapasok na hangin mula sa bintana ay pinagpapawisan pa rin siya. "Deputa to! Nasira ang gagong preno!" "P-pre, may taong dadaan. Iwasan mo," "Alvin, iwasan mo." "Tangina! Pati manibela ayaw gumana!" Tumayo na rin ako para sana tignan ng maayos ang ginagawa nila pero napunta ang tingin ko sa bintana, mas dumoble ang kabog ng dibdib ko. Si manong, ang nagtitinda ng ice cream. Tatawid siya sa daan. Hindi niya alam na may paparating na bus dahil nakasombrero siya. "Ikutin mo ang deputang manibela!" inagaw ng konduktor ang bilog at sapilitang inikot ito. Napaupo ako bigla dahil sa biglaang pagliko. Pati si mama ay naout of balance at napaupo rin. Narinig ko pa ang ibang tao na sumigaw sa biglaang pag-ikot ng manibela daw. Nasa kabilang daan na kami ngayon. Ang hindi namin alam ay may paparating rin na ang bus kaya..... *SCREEEEEECCCHHHH* *BOOOOOOGGGSSSSSHHHHH*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD