Chapter 02

1329 Words
BRYAN’S POV “Bryan? Ano bang problema? Ano ba ang pinag-usapan niyo ng Mommy mo? Bakit ka nagkakaganyan, pinagpapawisan ka na!” “Tandaan mo - - - - - -, kahit na anong mangyari mahal na mahal kita,” “Mahal din naman kita. Bakit ka ba nagsasabi ng ganyan na parang aalis ka...” “Wala lang haha... Mahal kasi kita, kapag nagsasabi ako nun gumagaan pakiramdam ko.” “Ahh... Mahal kita - - - Mahal kita - - - Mahal kita kung mawalay ka sa buhay ko oh~ kung pag-ibig mo’y maglaho, paano na kaya ang mundo hala! Umuulan!” kanta niya hahaha... Baliw talaga. “Kasama ba yung ‘hala! Umuulan!’ sa lyrics? Hahaha..” nakatitig lang ako sa kanya. Ang ganda talaga ni - - - - - -. “BRYAN! TUMINGIN KA SA DAAN!” pagkasigaw niya nun bigla akong napatingin. “AAAAAAAAAAHHH!” nalaglag kami sa bangin. “Bryan! Mamamatay na ba tayo?” umiiyak niyang sabi at nararamdaman ko nang lumulutang na kami. Malalim ang bangin kaya posibleng mamatay kami. Niyakap ko siya at hinalikan ko siya sa noo. “Kahit naman mamatay tayo, parehas naman eh... Hahaha! Masaya naman tayong mamamatay... Hayaan mo papakasalan kita sa heaven. Mahal na mahal kita - - - - - -” “Nakakapagpatawa ka pa ng ganyan ahh... Mamamatay na nga tayo ganyan ka pa! Mahal din kita Bryan!” ;;; “Bryan?! Bryan! Bryan!” Narinig ko ang sigaw na yun. Si Sky pala. “What?” “Binabangungot ka y’ata, kanina ka pa nagsasalita ng ‘ano bang pangalan mo?’ bakit? Sino ba yun?” Bigla niyang sabi sakin. “No. Forget that, it’s nothing.” “Ahh... Gusto mo ba ng tubig?” “A-ah.. sige, ikuha mo ko,” Sabi ko kaya naman, tumayo siya sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. “Sino ka ba talaga? Hindi ko matandaan ang pangalan mo, sino ka ba? Bakit mo sinabi na mahal mo din ako?” Bulong ko sa aking sarili. Gusto kong malaman ang pangalan ng babaeng nasa panaginip ko. Sino ka ba? “Oh Hon, inumin mo na ‘to at nang makapag-pahinga na tayo.” Nandito na pala si Sky at may dala-dala siyang tubig. Agad ko namang ininom ito at saka bumaling ulit sa pagkakahiga. “Ayos ka na Honey?” Sabi ni Sky. Tumango na lang ako, bilang sagot ko. Ipinikit ko na ulit ang mga mata ko. ;;; Morning 07:45 a.m. Bumangon na ako. Wala na sa tabi ko si Sky. Siguro bumaba siya para ipagluto ulit ako. Bago ako bumaba ay naligo muna ako at nagbihis. “Morning Hon!” Sabi niya at nginitian ako. Nginitian ko din siya pabalik. “Kain ka muna,” Sabi niya bago inilapag ang plate sa table. “Ahh... Mamaya na lang, may pupuntahan lang akong mahalaga.” Sabi ko at kinuha ang susi ng kotse ko. “Teka muna! Saan ka pupunta? Wait. Sasama ako!” Maglalakad na sana siya paakyat ng hagdan pero hinawakan ko ang braso niya. “Why, honey?” “You don’t need to! Hindi mo na kailangang sumama, kaya ko na ang sarili ko, okay? Dito ka na lang sa bahay!” “Okay!” Hinalikan niya ako sa pisngi. Kaya naman nagpatuloy na ako sa pagsakay sa kotse ko. Pinaandar ko na ito at pumunta na sa Police Station. *** Pinarada ko na muna ang kotse ko sa Parking Lot. Bago ako bumaba ay nagsuot muna ako ng eye glasses, mahirap na, baka may makakilala sakin. Pumasok na ako sa Police Station. “Good Morning Sir!” Sabi ng isang pulis. Hindi niya ako nakilala kaya naman nginitian ko siya. “Nandito ba ang Chief niyo? I want to talk to him, right now!” “Sige po Sir! Samahan ko na po kayo sa Corner niya!” Nauna siyang maglakad. Ako naman sumunod lang sa kanya. Binuksan niya ang pinto, kung saan naroroon ang Chief Corner. “Good Morning po Chief! Gusto daw po kayong maka-usap nito!” “Ahh... Sige sige! Iwanan mo muna kami!” Sabi ni Chief sa kasamahan niya kaya naman lumabas ito at sinara ang pinto. “Maupo ka muna Mr. Bryan!” Oo. Kilala niya ako. Mayroon akong pinagawa sa kanya. Matagal ko ng pinagawa sa kanila kung ano ba ang sanhi ng pagkakaroon ng aksidente ko. Hanggang ngayon masasabi ko na may Amnesia pa rin ako dahil kahit isa sa mga nangyari wala akong matandaan. “Chief nalaman mo na ba kung ano ang sanhi ng aksidente ko?” “Mr. Bryan, mapapatunayan ko po na hindi aksidente ang pagka-aksidente niyo nung nakaraang taon! Sinadya po ito!” “Ha? May alam ka ba kung sino?” “Wala po Mr. Pero ginagawa po namin lahat para malaman niyo kung sino ang may sanhi! Pero marami po kaming nakitang ebidensiya!” “Ha? Anong ebidensiya?” Tanong ko sa kanya. “May kasama po kayo noong nangyari ang aksidente!” “Ha?” Paano? Pero imposible na may kasama ako noon na babae. “May nahanap po kaming kwintas, yung heart po na nabubuksan Mr.!? May laman po yung litrato, nakita namin na kasama kayo sa litrato pero hindi na po namin maaninag ang mukha nung babae dahil sa nabasa ito nung umulan pagkatapos ng aksidente!” Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. “At isa pa po Mr. May nahanap din po kami na wedding ring, mukhang balak niyo na pong pakasalan yung babae!” “W-what? Kasal? Paano?” Imposible dahil sabi ni Sky sakin na may proposal akong ginawa bago ako maaksidente. Ibig sabihin lahat ng nalalaman ko kasinungalingan lang? What the hell. “At saka nga po pala, itanong mo po sa wife niyo kung sa kanya itong jacket! Nahanap din po kasi namin ito sa kotse niyo nung aksidente!” Inabot niya sakin ang Pink na jacket. “Okay! Itatanong ko sa kanya!” Paalis na sana ako ng hawakan ni Chief ang braso ko. “Paalala lang po Mr. Kapag sinabi niya na hindi sa kanya ang jacket na yan, ibig sabihin mali po kayo ng napakasalan!” Binitawan na niya ang braso ko at pumasok na siya sa Corner niya at nginitian ako. Bigla akong kinabahan dahil sa huli niyang sinabi sakin. Kapag sinabi niya na hindi sa kanya ang jacket na yan, ibig sabihin mali po kayo ng napakasalan! Hindi pwede ‘to! Kailangan ko ng magmadali para malaman ko na kung sa kanya ba ito. Pero paano kung hindi ito kay Sky, anong gagawin ko? What the heck. Binilisan ko na aking paglakad para marating ko kaagad ang kotse. Pero bigla kong nakita na dinudumog at pinagkaka-guluhan na ito ng lahat. “Hayst. Bakit ngayon pa?” Sinuot ko ang eye glasses ko at agad na tumakbo. “EXCUSE MEEEE!” sigaw ko kaya naman bigla silang napalingon sa akin at agad na tumabi. Binuksan ko agad ang pinto ng kotse ko at agad na sumakay. Ni-lock at pinaandar ko na ito! “Waaaaaaahhh si Bryaaaaaaaan!” Rinig kong sigaw ng mga kababaihan. Kaya naman agad ko ng pinatakbo ng mabilis ang kotse ko. Hahabulin pa sana nila ako pero hindi na nila nagawa dahil malayo na ako sa kanila. Thank you, god! Pero sino ka ba talaga babaeng nasa panaginip ko? Sino? Sino ka?” Pinaharurot ko ang aking sasakyan at agad binilisan para makarating na agad ako sa bahay. *** Nakarating na ako sa bahay at pinarada na lang kotse ko sa Parking lot. Kinuha ko ang pink na jacket at binuksab ang pinto. “Sky?!” Tawag ko sa pangalan nito. Kaya naman nakita ko siya na naka-upo sa couch at nanonood ng T.V. Pinuntahan ko siya at kinausap. “Sky!” Agad siyang napalingon sakin at pinatay ang T.V. “Bakit Hon?” Sabi niya. “I will ask a question!” Sabi ko at umupo sa Sofa. Siya naman umupo sa couch. “Oh? What is it?” “May ipapakita ako sayong bagay pero sasabihin mo lang naman kung sayo ito o hindi!?” “Ahh... Yun lang ba? Easy. Ano ba yun?” Pinakita ko sa kanya ang pink na jacket at balak ko na sana itong iabot sa kanya ng bigla siyang umiwas. “What is that Bryan? Ilayo mo nga sakin yan! Saan mo ba nakuha yan? Ang baho-baho kaya! Alisin mo na yan diyan! Eeewww!” Tumayo siya at biglang nagtatakbo sa C.R. Tama nga ako, kaya pala wala akong maramdamang pagmamahal sa kanya, dahil hindi siya ang tunay kong minahal. Nagkamali nga ako ng pinakasalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD