FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA SINUOT KO ANG EARPIECE KO ulit matapos ko maligo at mag bihis. Ngayon pa-punta na kami sa Batasang pambansa, hindi naman ako naka posas o ano pa malaya akong nakaka kilos at nakaka lakad. “Pumasok ka na sa loob..” utos ni Willis sa akin at pinapasok nila ako sa isang armored vehicles bulletproof ito at sound proof din ito. May apat na bintana ito kanan at kaliwa na tig dalawa kaya apat. Ngunit puro bakal naman ito kaya malabo ka din makalabas. Pero wala akong planong lumabas o tumakas, tinago ko sa ilalim ng jacket kong pula ang hawak ko ebidensya na sasampal sa kanilang lahat sa loob. Umupo ako sa bakal din na upuan sa loob at sinara na nila ito at narinig ko pa ang pag kandado dito. Nilingon ko ang likod ko ng may sumakay na driver dito at binalik

