THUNDER LAVISTRE Nang maidala namin lahat sa barko ang mga bagahe binigyan ko ng pera si Kuya Danny upang makabili din siya ng makakain niya kapag nasa loob na siya. “Damon, magsabi ka sa mga tao natin na mag abang na lang sila bukas, mamayang hapon o gabi ang dating ni kuya Danny sa Maynila..” utos ko kay Damon ito ang kasama ko at ang kapatid ko. May iba pa kaming kasama tulad nila Earl at Ezekiel. “Okay nasabi ko na, oo nga pala nasa Hotel na sila Vlad pala kasama ang iba..” sagot nito. Nilingon ko ito saglit at tumango ako. Nilingon ko si kuya Danny hanggang nagsabi na ang mga taga barko na aalis na. “Mag ingat po kayo!” Sigaw ko at kumaway pa ako. Nag thumbs up lang ito at kumaway din. Hinintay na muna namin silang makalayo hanggang mawala sa paningin namin bago kami bumalik ng

