FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA PAGDATING KO SA MANSION BUMUNGAD sa akin ang mga mukha ng dalawa sa pinsan ng asawa ko. “Anong nangyari sa inyo?” Hindi ko maiwasan na hindi mag tanong dahil sa naabutan ko. Tiningnan ko si Mommy Aaliyah. “Nag suntukan sila dahil kay Francine..” sagot ni Mommy. Nag mano ako dito at humalik ako sa pisngi ni mom. Dahil sa narinig ko hindi ko maiwasan hindi mairita at mag salubong ang kilay ko. “Bakit? Dahil ba ito sa nangyari parin? Hindi ba kayo marunong mag move on?” Tanong ko sa dalawang lalaki. “Patawag mo nga anak si Francine..” utos ni mom sa akin, humawak pa ito sa balakang ko. Umiling ako at nag salita. “Hindi na po kailangan, kung nandito si Francine baka ano lang mangyari..” magalang kong sagot. Umupo ako at nag salita. “Kayong dalawa. Ano

