FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Seryoso ka dito hon? Paano kung tambangan na naman nila kayo?” Tanong ng asawa ko sa akin habang inaayos ko ang suot kong Alexander McQueen black tuxedo na may citro itong kung ano man ang tawag dito. May high heels ito na Alexander McQueen din na style ay boots na tago din ang hita ko. Para madali ako maka kilos if bigla nila kaming tambangan. “Okay lang sa amin ‘yun Love, ang importante mag pakita kami..” sagot ko nginitian ko ito at inipit ko ang buhok ko ng ponytail lahat. “Ate mag lagay ka ng hairpin na tulad nito na makinang..” wika ng kapatid kong si Winter. “Okay lagyan mo ako..” utos ko dito at umupo ako at hinayaan ko na ito na lagyan ako. “Yan bagay sayo Ate hindi ka naman sobrang plain black. Parang may lamay ka kasing pupuntahan eh..”

