ANDREA TINONGKO Napa balikwas ako ng higa ng mawala yung babaeng katabi ko kaya agad kong ginising si Nanay. “Nay wala po yung babae!!” Pang gigising ko kay Nanay. Bumangon agad si nanay. “Baka nag banyo anak? Teka may naririnig ka bang nagsisibak?” Tanong ni nanay sa akin kaya agad akong napa tahimik. “Oo nga po!” Sagot ko at agad akong bumaba ng kama at lumabas ng bahay. Nakita ko na alas sais pa lang ng umaga. Si nanay at tatay din ay lumabas. “May naririnig kaming nag sisibak ng kahoy sino——” napa tigil si Tatay sa pagsasalin ng makita nito ang kabundok na kahoy na panggatong. Dalawang mataas ito na lagpas tao ang tangkad na puro kahoy. Nakita namin ang maisan namin na maayos na at nalinis na rin. Mga naani na ang mga mais. “Hayop talaga itong mga mag nanakaw na ito!” Galit na wi

