THUNDER LAVISTRE “Ibig mo bang sabihin sariling nating kamag-anak kalaban na natin ngayon?” Tanong ni Storm kay Flame. Nandito kami ngayon sa likod ng bahay na nag uusap. Hindi namin kasama ang iba pero naka video call sila para hindi na sila gagastos pa sa gasolina para lang dito. “Oo pero hindi ko pa alam anong dahilan bakit nila ito ginagawa..” sagot ni Flame kumakain ito ng niluto niyang banana turon. Ito kasi ang gusto ng mga bata na meryenda dahil ito ang pinabili ng mga bata kay Jimmy bago sila umuwi galing paaralan. “Kung ganun kailangan tayong mag ingat, dahil kung totoo ‘yan ang una nilang papasukin at susubukin kunin ay ang mga bata..” paliwanag ko at nilingon ko ang mga bata. Nakita ko pa na niluwa ni Ai ang sinubo nito siguro dahil mainit pa. “Kailangan madagdagan ang mga

