Chapter Fourty-one: “Magandang araw Azarael!” bati ng mga nakakasalubong niyang anghel sa kanya. Ngumiti naman siya at sumagot din. “Magandang araw din sa inyo!” Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad patungo sa kanyang silid. Umaalon ang kanyang itim na buhok at sumasayaw sa ihip ng hangin. Maganda ang ngiti niya dahil natapos na niyang ayusin ang mga nagulo dito sa langit dahil sa pagpasok ng mga mortal. Wala naman siyang problema o hinanakit sa pagpasok ng mortal dito sa langit. Alam niyang kasama ito sa plano ng dakilang lumikha. Pagpasok niya sa kanyang silid ay agad siyang dumeretso sa kanyang lamesa at nagsalin ng tubig. Tinitingnan niya ang kanyang silid sapagkat pakiramdam niya ay may nag-iba sa loob nito. “May pumasok ba dito? Bakit parang may kulang,” sabi niya