AMBER Kanina pa tahimik si Priam Cloud. Mula nang makita namin si Lara kasama si Laurent. Hanggang sa makabalik kami sa kaharian ng Cairo, bilang na bilang na ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Napaka-weird ang inaasta niya at hindi ako sanay na walang kumokontra saakin. Tanging ang mga utos nito sa ibang mercenary keepers ang narinig ko at wala nang naging kasunod 'yon. Nakakapanibago. Nagkanya-kanya na ng landas sina Leisaro, Tanya, Alexis, Cass, Cendric nang makarating kami sa bungad ng sentro. Maganda naman ang ipinakita naming laban sa unang misyon namin bilang mercenary keepers. 'Yon nga lang ay parang mas masama pa sa paparating na bagyo ang timpla ng mercenary chief sa di ko malamang dahilan. Sa totoo lang parang alam ko na ang dahilan kung bakit nag-aalburuto na naman s

