LARA Akala ko'y katapusan na namin ni Miranda. Akala ko'y mawawala na kami ng tuluyan at hindi na kami magkikita ni Laurent. Akala ko lang pala ang lahat dahil lahat ng akala ko'y binura ng kapangyarihan ng isa pang tri-keeper na si Priam Cloud. Niligtas niya ang buhay ko; kami ni Miranda gamit ang kakayahan niyang pagsamahin ang tatlo niyang properties. Suot nito ang puting trench coat na hanggang tuhod ang laylayan. Nakabota ng pandigma at nakaitim na gloves na halatang yari sa makapal na tela. Nagawa nitong bumuo ng isang malaking panangga gamit ang kanyang wind at water keeps. Hindi parin ito gumagalaw sa kinatatayuan at tila hinihintay ang susunod na pag-atake ng makamandag na assassin. "Ilayo mo na ang gate keeper," malamig at kalmado nitong sabi habang nakatalikod saamin. Tumay

