"Okay, so ibig sabihin naniniwala tayo sa impaktang tinubuan ng isang libong shuriken sa binti kaya tayo luluwas papuntang Gaikoz? Lara pangalan pa lang maksalanan na! Nicali Sin, isa siyang kasalanang pinaglihi sa kasinungalingan at panlilinlang!" bungad saakin ni Amber paglabas na paglabas ko sa malaking tarangkahan ng kastilyo. "Amber, this is about Laurent. He is our friend. Isama na natin ang ilang mga double keepers at posibleng tri-keepers na dinukot ng mga tumidous para sa maitim nilang plano, we have to take our chance" pangungumbinsi ko sa kaibigan na hanggang ngayon ay hindi parin naniniwala kay Sin. Katabi namin ang tahimik na si Sin na halatang napipilitan lang sa pagsama saamin. Wala itong magawa dahil siya ang may alam kung saan makikita si Laurent at wala na rin itong kaw

