MAGKAKASAMA kami ngayon dito sa hospital dito sa bayan namin. Sinamahan namin si Ma’am Dizon at nagpagamot na rin kami ni Kaye ng sugat namin sa braso. Kanina pa kinuha ng ambulansya ang katawan ni Miss Chua sa library at dinala sa ibang hospital. Narinig kong sinabi kanina ng medical representative na humihinga pa si Miss Chua. Sinulyapan ko si Marge at Roxi na nasa tabi ko. Magkatabi lang ang kinauupuan namin at kaharap namin si Kaye na ginagamot ng isang nurse ang sugat. ‘Iyong sugat ko tapos na ring gamutin. Tinahi lang tapos nilagyan ng gamot at bandage. “Ayl,” tawag ni Chax nang makalapit siya sa amin. Galing siya sa kuwarto ni Ma’am Dizon sa kabila at tumawag na rin siya kay sir Chris at ipinaalam ang nangyari. “Kamusta si Ma’am Dizon?” tanong ko nang makaupo siya sa tabi ko

