PAGKABABA ko mula sa motorsiklo ni Kuya Jom ay nanatili lang ako sa kinatatayuan ko sa harap ng ANCHS. Tiningala ko ang malaking arko na nasa gate. Isang bagong simula ito para sa akin without Saffi by my side. A new start without her by our side. Huminga ako nang malalim. Alam kong magkakaroon ng malaking puwang sa pagkakaibigan namin dahil sa pagkawala ni Saffi pero alam kong makaka-adjust din kami. Isang linggo na ang nakalipas mula nang mailibing si Saffi. Kahit naninibago pa rin kami dahil wala siya ay pinipilit pa rin naming maging masaya dahil iyon ang gusto niya. Isa pang magandang balita ay parang walang nagbago kina Daryl at Shana mula nong hapong iyon sa puntod ni Saffi. Nanatili silang magkaibigan kahit na minsan ay napapansin kong nagkakailangan silang dalawa. Isang beses

