KANINA pa ako palinga-linga sa paligid kung nakarating na ba sina Ayla at Marge. Sila na lang kasi ang wala at emcee pa naman si Marge at Chax sa Prom. Itinaas ko ang laylayan ng pula kong gown at tinangkang tumayo pero pinigilan ako ni Daryl. “Saan ka pupunta?” tanong niya. “Hihintayin ko lang dyan sa arc sina Ayla at Marge. Wala pa kasi sila, eh.” “Dito mo na lang sila hintayin. Dito naman tayo magkikita lahat.” “Eh, si Marge ang emcee, eh. Dapat nandito na siya.” “Thirty minutes pa bago magsimula ang ceremony. Relax. Daig mo pa ang organizer kung mag-alala.” “Psh. “Umirap ako kay Daryl at bumalik sa pagkakaupo. Napahalukipkip ako habang pinapanood sina Kaye at Roxi na nag-aayos ng candle sa stage para sa candle lighting mamaya. Maraming palamuti sa stage. May mga balloons at

