HUMINGA nang malalim si Maam Dizon. “Totoong malapit ang kalooban ni Karen kay Ginoong Valdez dahil katulad ko ay mahal din ni Karen ang library. Pero mali ang iniisip ninyo kung iniisip ninyong may relasyon silang dalawa. Noong ipanganak ni Karen ang sanggol ay patagong ibinigay ni Ginoong Valdez sa mga magulang ni Karen ang sanggol. Para hindi na iyon makagawa ng mga haka-haka ngunit hindi rin iyon nakaligtas sa mga tao nang lumaki na ang tatay ko.” Napakunot noo kaming lahat na nakatingin kay Ma’am Dizon. “Kung ganon, sino po ang ama ng tatay ninyo kung hindi po si Ginoong Valdez.” “Ang anak ng dating Presidente ng ating school paper.” “Si Ginang Arnaiz,” narinig kong bulong ni Saffi. “Si Ginang Arnaiz po?” tanong ko kay Ma’am Dizon. Tumango siya nang marahan. “Magkasintahan

