NAALIMPUNGATAN si Elisse dahil nilalamig siya. Kumunot ang noo niya dahil hindi naman gano’n kalamig sa loob ng kuwarto niya.
Kaya kahit gusto pa sana niyang ipagpatuloy ang pagtulog ay dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Napatingin siya sa labas ng bintana at napabalikwas bigla ng bangon nang mapansin na madilim na ang paligid.
Naguguluhang inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng lugar na kinaroroonan niya ngayon. Hindi pamilyar sa kanya ang kuwarto na nabungaran.
Akmang tatayo siya nang bigla siyang makaramdam ng sakit sa kaselanan niya. Kinagat niya ang ibabang labi at maingat na kumilos.
Sa isang iglap ay tila eksena sa pelikula na naglaro sa alaala niya ang lahat ng nangyari kanina. Kung gano’n ay nakatulog pala siya sa bahay ni Cameron.
Nang sa wakas ay nagawa na niyang makatayo nang maayos ay napangiwi siya nang maalala na wala nga pala siyang suot na panty. Hindi tuloy kumportable ang pakiramdam niya.
Kung bakit naman kasi kailangan niya pang sirain ‘yon, eh. Puwede namang tanggalin na lang niya nang maayos!
Dahan-dahan siyang lumabas ng kuwarto at bumaba. Elisse still feel sore down there. Hindi naman niya kasi akalain na gano’n pala kalaki ang alaga ni Cameron. That’s too much to take for a first timer like her. Sapat ng naranasan niya ang sarap ng pagkakapasok nito sa kanya ng isang beses kaya hindi na ito makakaulit pa.
Mas lalong tila nanghina naman si Elisse pagkababa. Pakiramdam niya kasi ay maliligaw siya sa laki at lawak ng mansyon ng binata. Ni wala man lang siyang makasalubong na katulong para mayroon sana siyang puwedeng mapagtanungan.
Hanggang sa makarinig siya ng pagkalansing ng mga gamit at makaamoy ng isang pamilyar na putahe. Sinundan niya ang pinanggagalingan ng ingay at amoy. Nakarating siya sa kusina at sa wakas ay nakita rin niya si Cameron.
Ngunit muntikan na siyang mapaatras nang bumungad sa kanya ang matipuno nitong likod. Wala kasi itong suot na pang-itaas na damit. Pero may suot naman itong kulay asul na apron. Ang kaso lang ay tanging ang harap lang naman nito ang natatakpan no’n.
Pakiramdam niya ay nanuyo ang kanyang lalamunan. Tila mas mabubusog pa siyang titigan ang likod nito kaysa sa pagkain na iniluluto nito. Ipinagdikit din niya ang dalawang hita dahil para siyang maiihi na hindi niya maintindihan.
“Hanggang kailan mo balak na tumunganga riyan? Kung ako lang sana ang pinili mo noon pa ay matagal mo ng nalasap ang sarap sa piling ko at napagnanasaan ang likod ko.”
Napamaang si Elisse nang biglang magsalita si Cameron. Pero mas lalo siyang nahindik nang dahil sa sinabi nito.
Sa isang iglap ay tila nakawala siya sa isang hipnotismo at sinamaan ito ng tingin.
“Hindi porke’t nagawa mo ang gusto mo sa ‘kin ngayon ay ibig sabihin makakaulit ka na. Truth be told, curious lang ako tungkol sa bagay na ‘yon. Lalo pa at erotic-romance writer ako. I just want to experience the scenes that I write.” Elisse crossed her arms. “Thanks for the actual demonstration, but that would be the first and definitely the last.”
Natigilan naman si Cameron sa ginagawa at gulat na napalingon sa direksyon ni Elisse.
“I bet the contract has been sent to my email already. I’ll just check and signed it when I got home. That’s all I want to say. Let’s both have a civil relationship as my boss and as your writer. Goodbye.”
Tumalikod na si Elisse at akmang aalis na, nang mabilis siyang nahawakan sa braso ni Cameron para pigilan.
“You don’t mean it.”
Gustong matawa ni Elisse nang humarap siya kay Cameron at makita ang reaksyon nito. Nagtatagis ang bagang nito, habang masama ang tingin sa kanya.
Kung umakto kasi ito ay parang ito pa ang nawalan.
“Of course I mean it,” taas noong saad niya rito.
Napahigpit ang hawak nito sa braso niya, dahilan para mapangiwi siya. Mukhang napansin naman nito ‘yon dahil mabilis siya nitong binitiwan.
“Then why didn’t you do it with Gavin if you want an experience in the first place?” Cameron eyed her suspiciously. “And why did you even say those things earlier? What really happened between the two of you?”
Natahimik naman bigla si Elisse. Naalala na kasi niya ang kahindik-hindik na tagpo na naabutan niya sa condo ni Gavin.
But there’s no way in hell that she will let Cameron knows about it. Paniguradong pagtatawanan lamang siya ng binata dahil nagpaloko siya kay Gavin at mas lalo pa nitong ipapamukha na mali siya ng pinili.
“It’s none of your business. So I’m not telling you anything. I’ll go ahead.”
Elisse is about to leave, but Cameron stopped her again.
“Fine! I will forget what you said earlier for now and won’t bug you with questions anymore. But please eat first before you leave. Besides, it’s hard to commute from here. So I’ll drive you home.”
Doon lang napansin ni Elisse ang mga pagkain na nakahain sa mesa. Sa totoo lang ay gutom na rin naman siya. Pero hindi niya ‘yon ipapahalata sa binata.
“Okay. That sounds fair.” She shrugged and made her way to the table.
Sumunod naman sa kanya si Cameron na hinango na mula sa kawali ang kaninang niluluto nito. Manghang sinundan lamang ni Elisse ng tingin ang ginawang paglalagay nito ng pagkain sa plato niya. Mayroong chicken teriyaki, beef caldereta at pork sisig.
Napataas siya ng kilay. “I didn’t know that you actually have the skills to cook,” komento niya at nagsimula ng kumain.
“Because you don’t?” Cameron teased.
Nanlalaki ang mga matang napaangat siya ng tingin sa binata. “Paano mo naman nalaman?”
“I did my research.”
Hindi na siya nagkomento pa dahil alam niyang hindi naman sila magkakaroon ng matinong usapan.
Pagkatapos nilang kumain ay agad naman siyang hinatid ni Cameron katulad ng ipinangako nito. Pero nanumbalik ang inis na nararamdaman niya dahil naiwan niya ang kotse sa restaurant kanina dahil dito. Kahit anong pilit naman niya sa binata ay ayaw naman nitong idaan doon ang kotse.
“Talaga bang wala kang balak na magpakilala? Maganda sana kung kahit papaano ay makakasalamuha mo rin ang mga mambabasa mo at kapwa mo manunulat sa publishing,” biglaang tanong ni Cameron sa kanya.
Napasandal na lang si Elisse sa kinauupuan at tumingin sa labas.
“I don’t really have a plan to go public. Puwede naman akong pumunta sa publishing house sa oras na may ma-publish na akong libro sa inyo para mapirmahan ‘yon. But I don’t do public book signing events.”
Napatango naman si Cameron, habang nananatili sa daan ang atensyon niya.
“Okay. I’ll respect that. But we will be having a collaboration project soon. Kung ayos lang sa ‘yo ay isasama sana kita sa collab. Lalo pa at erotic-romance ang genre ng series na pinaplano namin. That would be your first project in publishing if ever.”
Nakuha ng impormasyon na ‘yon ang atensyon ni Elisse. Sa totoo lang ay hindi pa siya napasama sa kahit anong klase ng collab noon, kaya naman ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng excitement.
“It sounds great. When will it start?”
“Next weekend.”
Itinigil ni Cameron ang kotse nang magkulay pula ang ilaw sa traffic light.
“May meeting din na magaganap para pag-usapan ang iba pang impormasyon tungkol sa collab. Kung hindi ka man makakapunta talaga ay puwede ko namang i-email ulit ang tungkol doon.”
Napatango-tango si Elisse. Hangga’t ayos lang na hindi siya personal na magpakilala sa mga magiging kasama niya ay wala naman siyang nakikitang problema sa proyekto.
“I’ll think about it,” aniya ni Elisse. Ayaw naman niyang basta-basta rin na pumayag agad sa bawat sabihin at ialok ng binata sa kanya.
“Okay. Just let me know of your decision.”
Nabalot na sila ng katahimikan buong biyahe pagkatapos ng usapan nilang ‘yon. Hanggang sa tumigil ang sinasakyan nilang kotse.
Napakurap si Elisse nang mapansin na halos nasa tapat na pala sila ng apartment na inuupahan niya. Ang mas lalo pang ikinabigla niya ay nang makita ang kotse na nakaparada rin sa mismong tapat nito.
Hindi makapaniwalang nilingon niya si Cameron, na ngayon ay nakataas na ang kanang kamay, habang iwinawagayway ang kanyang susi.
“Sinong nagsabing pakielaman mo ang gamit ko habang natutulog ako? At sinusundan mo ba ako?” Hindi napigilan ni Elisse ang pagtaas ng boses niya.
“Nagmagandang loob na nga akong ipahatid ang kotse mo, pero ako pa ang kasama.” Napailing si Cameron.
“Also, I have already told you that I did some research about you. Hindi ko nga lang napaghandaan ang biglaan mong pag-alis noong nakaraang linggo kaya hindi ko alam kung saan ka ba nagtago. Tinanong ko rin ang landlady mo, pero kahit siya ay wala ring ideya kung saan ka ba nagpunta.”
Napaawang ang bibig ni Elisse. Hindi niya akalain na hahantong sa gano’n ang binata, para lang makumbinsi siya nito na pumirma sa publishing.
“Puwes, ngayon na pinili ko ng pumirma sa publishing mo ay umaasa ako na titigil ka na research mong ‘yan.”
Naiinis na kinuha niya rito ang susi ng kotse niya, bago dali-daling bumaba. Pagkapasok ng bahay ay siniguro muna niyang naka-lock na ang lahat, bago siya dumiretso sa kuwarto niya at binuksan ang laptop.
Unang pumukaw ng pansin niya ang email mula sa publishing ni Cameron. Binasa niyang maigi ang mga impormasyon na nakasaad sa kalakip nitong kontrata. Nang masigurong wala namang kakaiba sa kontrata ay pinirmahan na niya ito.
Pakiramdam niya ay sobrang dami ng nangyari ngayong araw. Kaya naman ng ihiga niya ang katawan sa kama ay agad na hinila siya ng antok.