NAPAAWANG na lang ang bibig ni Elisse nang makita ang susi na itinaas ni Gavin.
“I just tried my luck.” Gavin smirked.
Napakuyom ng kamao si Elisse. Kung mayroon siyang duplicate card para sa unit ni Gavin ay mayroon nga rin pala itong duplicate key para sa apartment niya.
Unti-unti namang nawala ang ngisi sa mga labi ni Gavin at tila biglang dumilim ang mukha nito, nang magsimula itong maglakad palapit sa kanya.
Alerto namang napatayo si Elisse at dinuro si Gavin. “Stop right there, or I’ll call the police.”
Ngunit tila walang narinig ang binata at nagpatuloy lang sa paglapit sa kanya.
Akmang aabutin niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng center table, nang mabilis itong hinablot ni Gavin at itinapon sa kung saan.
Napapitlag si Elisse nang dahil sa ginawa nito. She’s to stunned to speak.
“Ayan ba ang dahilan kung bakit ka nakipaghiwalay sa ‘kin? Dahil hindi ko maibigay ang gusto mo at ibinigay ‘yon sa ‘yo ng lalaking ‘yon? Ganyan ka na ba kadesperada na handa kang magpakama sa kung sino lang para may kumamot ng kakatihan mo?”
Nagpanting naman ang tainga ni Elisse nang dahil sa narinig. Nagpupuyos ang kalooban na sinugod niya si Gavin at pinagsusuntok ang dibdib nito.
“You jerk!”
Pero napasinghap na lang si Elisse nang malakas siyang itinulak ni Gavin pahiga sa sofa at mabilis na pumaibabaw ito sa kanya.
Pilit naman siyang nagpupumiglas upang makawala rito, ngunit masyado itong malakas.
Nanlaki na lang ang mga mata ni Elisse nang biglang hubarin ni Gavin ang suot nitong polo.
“It may be too late, but I will give it to you, then. You’re mine, Elisse. Walang kahit na sino ang makakakuha sa ‘yo! Lalo na ang lalaking ‘yon!”
Akmang hahalikan siya ni Gavin nang biglang bumukas nang malakas ang pinto. Sabay silang napalingon ni Gavin sa bagong dating.
Nakaramdam naman si Elisse ng pag-asa nang makita niya si Cameron. He’s looking at Gavin furiously.
Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Sa isang iglap ay nawala sa ibabaw niya si Gavin at bigla na lang itong tumilapon sa sahig. Dali-dali naman itong nilapitan ni Cameron at walang tigil na pinagsusuntok.
“You piece of s**t! You cheated on her that’s why she left you! And you deserve it!”
Agad na napaupo si Elisse. Gusto niyang sumigaw para patigilin si Cameron, pero wala namang boses na lumalabas sa kanyang bibig.
Somehow, the scene that’s happening right now in front of her is so satisfying.
Gulat na napalingon naman sa direksyon niya si Gavin. “How... You...”
Matapang naman niyang sinalubong ang tingin nito.
“Yes. I discovered that you have a relationship from one of your author and that you just get close to me so that I can sign a contract with you.”
Kumunot ang noo ni Gavin. Hanggang sa napuno nang malakas nitong tawa ang apat na sulok ng apartment niya.
Natigilan naman si Cameron at napataas na lang ng kilay si Elisse?
Epekto ba ‘yan ng pambubugbog sa kanya?
“Now I get it. Ang kontrata na galing kay Cameron ang pinili mong pirmahan para maghiganti sa ‘kin.” Napailing si Gavin at seryosong tumingin sa kanya.
“But tell me, Elisse. Ako pa rin ang mahal mo. Galit ka lang sa ‘kin kaya mo nagawa ‘yon.”
Sa pagkakataong ‘yon ay si Elisse naman ang natawa nang malakas. Hindi makapaniwalang tinitigan niya si Gavin.
“Mahal? Sino naman ang nagsabi sa ‘yo na mahal pa kita?” Napatayo siya.
“The moment I saw the two of you in that horrible scene, is the time that I also woke up in my own dream. That’s why there’s no way that I’ll return to you.” She pointed her finger at the door. “Now, get out!”
“Narinig mo siya. Umalis ka na at baka kung ano pa ang magawa ko sa ‘yo!” nanggagalaiting aniya naman ni Cameron.
Pinunasan naman ni Gavin ang dugo sa gilid ng kanyang labi, bago pinulot ang polo na nasa sahig at tumayo.
Matalim sila nitong tinitigan, bago naglakad paalis at padabog na isinara ang pinto.
Napatingin naman si Cameron kay Elisse na halatang nabigla pa rin sa mga nangyari dahil bigla na lang itong natulala. Kaya naman ay dali-dali niyang nilapitan ang dalaga.
“You’re not safe to stay here anymore. Doon ka muna sa mansyon,” suhestiyon niya.
Tila natauhan naman si Elisse nang dahil sa sinabi ni Cameron at agad na napalayo rito.
“No! Hindi ako aalis sa lugar na ‘to! Papapalitan ko na lang ang lock ng pinto ko para hindi na siya basta-basta makapasok pa.”
Napahawak naman sa batok si Cameron. “Pero hindi mapapanatag ang loob ko kung mananatili ka pa rito.”
Napataas siya ng kilay. “Hindi rin ako mapapanatag kung doon ako titira sa mansyon mo.”
Malalim namang napabuntonghininga si Cameron. Nagsalubong ang kilay ni Elisse nang bigla itong dumiretso papasok sa kuwarto niya.
“Wait! What are you planning to do?”
Napamaang siya, habang pinagmamasdan itong isilid ang kanyang mga damit sa loob ng maleta.
“I won’t take no for an answer. You’ll stay with me and that’s final. Who knows what that psycho man can do. Kung nasa poder kita ay hindi ka niya magagawang saktan.”
“But—”
“No more buts. You can still hide your real identity as long as you like. Tahimik naman sa mansyon kaya paniguradong makakatapos ka rin ng mga nobela habang nandoon ka. Isipin mo na lang na nasa bakasyon ka.”
Napaisip naman si Elisse. Hindi pa rin niya gusto ang ideya ni Cameron, pero may punto ito.
Kung tutuusin ay puwede naman siyang maghanap ng ibang apartment. Pero maaari pa rin siyang sundan at guluhin ni Gavin doon.
Kung mananatili muna siya sa mansyon ni Cameron ay paniguradong makakaisip at makakagawa rin siya ng paraan para maresolba ang problema niya kay Gavin.
“Fine! But just one month.”
Napaangat naman ng tingin sa kanya si Cameron.
“Deal.”
Kinagat niya ang ibabang labi. Makakaya naman siguro niyang pagtiisan na makasama ito sa loob ng isang buwan.
UMIIGTING ang panga ni Cameron, habang nagmamaneho. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang eksena na nasaksihan kanina.
Wala talaga siyang balak na puntahan si Elisse. Pero hindi siya mapalagay nang i-seen lang nito ang chat niya kahit pa sumagot naman ito sa email niya.
Pero agad siyang binalot ng pangamba nang makita ang pamilyar na kotse ni Gavin sa tapat ng inuupahang apartment ng dalaga. Kaya naman ay walang pagdadalawang isip na malakas niya itong binuksan.
At tumambad sa kanya ang eksena na siyang nagpainit ng ulo niya. Hindi niya akalain na may kakayahan palang maging gano’n ka agresibo si Gavin.
Truth be told, Gavin used to be his best friend. Pero hindi niya alam kung bakit bigla na lang nagbago ang naging pakikitungo nito sa kanya ng tumuntong sila sa kolehiyo.
Mula noon ay itinuring na siya nitong kakumpetensya sa lahat ng bagay.
Saglit niyang nilingon si Elisse na nakatutok lang ang atensyon sa labas.
“You sure you’re okay? Hindi ka ba talaga nasaktan?”
Napailing naman ito. “Nope. Ayos lang ako.”
Hindi na siya umimik pa. Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa mansyon niya.
“Wala ka bang katulong dito?” nagtatakang tanong ni Elisse nang makapasok sila sa loob.
“Mayroon lang napunta rito tatlong beses sa isang linggo. Kaya wag kang mag-aalala. Dahil solong-solo mo ako sa halos lahat ng oras.” Cameron winked at Elisse.
Napasimangot naman sa kanya ang dalaga. “Isang buwan lang ang usapan natin. Siguro ay rito ko na lang din tatapusin ang nobela na isasali ko para sa collaboration.” Matalim naman siya nitong tinitigan. “Kaya wag mo akong guguluhin.”
Napailing siya, bago dahan-dahang nilapitan ang dalaga at pinaglandas ang likod ng palad niya sa mukha nito.
Napapikit naman ito nang dahil sa ginawa niya. Napansin niya pa ang mahigpit nitong paghawak sa laylayan ng suot na t-shirt.
Cameron smirked. Elisse can deny it all her want. But it’s obvious that she’s attracted to him too.
Sa pagmulat nito ng mga mata ay tila ba napapasong lumayo ito sa kanya at tumikhim.
Nakangiting tinalikuran na niya ito at nagsimulang maglakad. Dinala niya si Elisse sa isa sa mga guest room ng mansyon niya.
Namamanghang inilibot naman ng dalaga ang tingin sa malawak na kuwarto. Kahit ang kulay puting kama na nandoon ay malapad at kakasya ang apat na tao. Mayroon din itong maliit na chandelier at isang mahabang sofa na nakalagay sa paanan ng kama, kung saan ay nakaharap sa isang flat screen tv.
“In fairness. Para akong nakalibre ng hotel accommodation,” komento pa nito.
Cameron chuckled. “Of course. Wala kang kahit na anong gagastusin dito kaya wala kang dapat na ipag-alala.”
Umupo ito sa gilid ng kama at seryosong tumingin sa kanya. “Yes. But don’t forget that it’s only for a month.”
Matiim na tinitigan naman ni Cameron si Elisse. “One month it is.”
Patuloy ang pagdating ng oportunidad kay Cameron para makasama niya ang dalaga. Kaya naman ay wala siyang balak na aksayahin ito.
Sa ngayon ay mayroon lamang siyang isang buwan para mapaibig ito. Kaya naman ay sisiguraduhin niya na sa paglipas ng isang buwan ay hindi na nito gugustuhin pang umalis sa tabi niya.