uhm.. Hello ako si Bryan, 18 years old and syempre lalaki, gusto mobang malaman ang storya ko? well..
isa kaba sa lumuluha nalang bigla sa gabi dahil sa kalunkutan? na.. samantalang yung iba may mga girl
friend na tapos ikaw wala pa? alam ko yung pakiramdam yung kirot sa puso na parang pinipilas paunti-unti
ng kalungkutan well pwede mo basahin to. for free
ok.. magpapa kilala ulit ako sa inyo, Hi ako si Bryan, 18 years old. uhm.. mejo mahiyain
ako and hindi pa ako nagkakaroon ng girl-friend, and syempre... sino ba hindi gusto magka girl-friend diba?
pero wala akong lakas ng loob para mang ligaw sa babae or manuyo manlang. well.. may mga kaibigan akong mga babae
pero mga childhood friends ko sila kasama ko sila simula bata pako, (kayanga child hood friends diba
duhh.. ) joke lang wag ka muna umalis hindi corny tong kwento ko, so... balik uli tayo.. wala pa akong
nagiging girl-friend since birth and wala akong maisip na paraan para maka pang ligaw and kung naisip -
nyo na magpaturo ako sa mga kaibigan ko mang ligaw is hindi ko na ginawa dahil mahiyain nga ako and
hindi-rin nila akong kilalang ganon , kilala nila ako bilang ayaw sa babae nag papangap lang ako na
ayaw ko sa babae dahil lagi nila akong kinukulit pag may mga babae silang kasama tapos napapahiya ako
well.. saakin ayos lang naman yun dahil mga kaibigan ko naman sila pero ayoko lang talaga na ganon.
and alam din ng mga pamilya ko na hindi pa ako na hindi pa ako nagkakaroon ng girl-friend kahit isa
ayos lang naman sa kanila na wala akong girl-friend hindi naman sila nag aalala sakin minsan nga
napapagkamalan nila akong bakla dahil 18 years old nako pero wala pa akong girl-friend alam.. ko..
alam.. ko.. na may mas matanda pa sakin na hangang ngayon hindi pa nag kaka girl-friend pero satingin ko
maayos naman akong lalaki.. mejo payat ngalang pero kung i-de-describe ko sa inyo yung mukha ko is mukha
akong koreano... yup.. oo mukha akong koreano matangos ilong pero hindi naman ako saksakan ng puti mejo
maitim lang ng konti pero ilalarawan ko sarili ko ay tall-dark-skinny and handsome . alam ko.. alam ko..
mejo corny pero just imagine it.
pero simulan na natin yung kwento..
and sakadahilanang wala akong girl-friend is nag hanap muna ako ng trabaho ,para makatulong ako sa bahay
naghanap ako ng trabaho kahit saan, sa jollibee lang or mcdonald etc.. which is inabot ako ng gabi and guess what?
wala manlang ako nakitang may bakanteng trabaho kahit isa.. and gumabi na, nag simula ako mag hanap ay
umaga inabot ako ng gabi, and naisip ko is sobrang malas ko ngayon. and umuulan pa.. buti nalang may
dala akong payong sa bag.. and naglakad lang ako pauwi.. sabay may nakita ako papalit sakin na isang..
isang babae?? lumapit sya sakin and sabi nya
Girl:Kuya pwede pasilong po muna *kinakapos sya ng hininga* . kuya ok lang ba kung ihatin moko sa kotse
ko? please mabilis lang kuya.
alam ko.. alam ko.. sobrang random neto. pero totoo to yan talaga yung exactong sinabi niya sakin and
syempre diko alam kung pano mag respond kaya ganto sinabi ko:
Boy:ahm... s-Sige ahm.. s-saan ba naka park yung sasakyan mo ate?
and tumingin sya sakin alam nyang kinakabahan ako.
girl:doon pa kuya eh..
Boy:s-sige, tara..
And sobrang Ganda niya.. grabe.. mejo maliit nga lang, or .. matankad lang ako? ano height ko? 6.2f.
ok so habang nag lalakad kami is hini-hingal siya . sakto meron akong tubig sa bag syempre tinananong
ko siya
boy: ahm.. Ate gusto nyo poba ng Tubig?
girl: oo, baket meron ka?
boy: opo, ate m-meron akong tubig dito wait lang..
girl:ano nga pala pangalan mo?
boy: ah... Bryan po..
girl: bat ba po ka ng po? mukha bakong matanda? *sabay tawa*
boy: ay sorry..
girl:ok lang.. patricia nalang i-tawag mo sakin or pat for short
boy:ohh.. osige pats.
girl: pats? sabi ko pat hindi pats..
boy: ay sorry pats .. i mean Pat!
girl:hahahahahaha.. oh! eto na yung kotse..
ok... hindi ko alam kung ilang taon na sya pero damn.. may kotse na sya? kung huhulaan ko yung age nya
is mga 16-17 palang sya... and napansin kodin na hindi sya mahiyain katulad ko.
boy:ohh... ah.. ate ilang taon napo kayo?
girl: eighteen , baket? ikaw?
boy: eighteen din..
girl: oh... magkasing edad lang pala tayo..
boy: oh.. akala kopo 16 lang kayo eh..
girl: *pabulong nyang sinabi* "porket maliit eh..."
ok so.. papasok na sya sa kotse. and ako naka tunga nga lang sa labas na parang tanga, and sabi nya..
girl:thank you.. ah..
boy: (ngumiti nalang ako tapos tumungo)
And sabi nya..
girl: gusto mo hatid kita? saan kaba papunta?
syempre tumangi ako kasi baka may pupuntahan syang mahalaga
boy:wag na ate.. baka may pupuntahan kapa.. nakakahiya..
girl: wala kong pupuntahan na mahalaga. bilisan mo sumakay kana
boy:oh.. ok.. *binuksan ko yung pintuan ng kotse* thank you ate ah..
girl: ok lang ano kaba.. wala naman akong mahalagang gagawin.. and pats na nga lang sinabi kona sayo
kanina ah..
boy: *patawa kong sinabi na* ay sorry.. nakalimutan ko
girl:wait may gagawin kaba? gusto mo samahan mo muna ako mag shopping? and kung gutom ka libre nadin
kita, thank you konadin sayo yun..
boy:wala naman po pero baka-
girl:sige na! samahan mona ako, wala ka naman palang gagawin eh..
boy:ok, sige samahan na kita..
kung nag tatanong kayo kung anong oras na nung umalis kami is 7:30 pm. yup.. pagod ako.. ng hihina and
dismayado dahil wala akong nakitang trabaho pero makakahindi ba ako dito sa magandang babae nato?
syempre hindi diba?.. balik uli tayo sa sa kwento , bigla nya akong tinanong na
girl:uy! saan mo gusto kumain?
syempre hindi ko alam sasabihin ko, kaya sinabi ko is
boy:ahm.. hindi ko alam eh.. kahit saan nalang.
girl:ako na nga pipili. hmm... saan kaya maganda.. ay! alam kona gusto mo sa yellow cab nalang? nagutom
na talaga ako eh
boy: oh sige ayus lang.. wait!?!? mahal doon ah!!
girl: mm.. oo mejo mahal doon pero sobrang sarap naman ng pagkain doon.
boy: ako pwede ako kahit sa mcdo or jolli-
girl: kanina tinatanong kita eh... wala na sa yellow cab tayo kakain bahala ka diyan..
boy: *natawa ko bigla kasi ang cute niya magalit*
girl: baket ka natawa?
boy: w-wala.. sigurado ka gusto mo sa yellow cab?
girl: oo talaga, bigla kong gusto kumain doon eh.
boy: oh sige, doon nalang
girl: naka-kain kana ba doon?
boy: saan sa yellow cab? hindi pa eh.. masyadong mahal doon.
Ey. dont judge me ok? mahirap lang kami and hindi namin kaya bumili ng mga ganon pagkain "sa ngayon"
kayanga nag hahanap ako ng trabaho eh.. well nag hahanap ako ng trabaho para makatulong sa pamilya ko
hindi para bumili ng yellow cab, lumalayo na tayo sa kwento anyways sabi nya naman sakin..
girl: ok lang yan li-libre naman kita eh..
ok.. at this point.. umandar nanaman pagiging mahiyain ko dahil isipin nyo babae pa yung gagasto sa
lalaki diba?,pero naisip ko na pasasalamat niya naman sakin to eh kaya.. siguro ok lang..
then ang awkward kasi tumahimik na,, pero 5 minutes later tinanong niya ko na
girl: may gagawin kaba bukas?..
boy: wala naman, ahm.. baket??
girl:pwede mo bako samahan bukas?
boy: saan?
girl: basta.. may swimming kasi kami ng mga kaibigan ko.. wala lang akong ka partner *bigla siyang na taranta*
uhh.. hindi yung mag boy-friend girl-friend ah mag partner lang ganon.. basta!! ano sasama kaba?
Ok.. eto nanaman tayo, nag papanick nanaman kasi ano isasagot ko? kasama niya mga kaibigan nya? ibig-
sabihin maraming tao doon . baka nakakalimutan nyo mahiyahin ako.. so.. sinabi ko is
Boy: sige , ba buka-
girl: Talaga?!?! thank you thank you thank you! sabi mo ah.. bukas ah..
Kung tatanungin niyo ko kung baket ko sinabing sige is.. HINDI KODIN ALAM!! nag panick ako, hindi ako
pwedeng humindi sa kanya parang na co-controll niya ko alam nyo ba yung pakiramdam na ilang minuto
palang kayong mag kasama parang alam mong siya na talaga yon. siya na.. hindi mo talaga ma e-explain
yung feeling and same as me! hindi ko din ma expain kung ano tong nararamdaman ko o ku-mokontrol sakin
so..yung na nga yung ng yari, and sinabi ko sakanya na.
boy: oo..
boy: wait saan nga pala yun? kasi baka malayo and may entrance fee ba? baka kulang kasi budget ko
and mga magkano kaya aabutin pamasahe doon?
girl: uy..? kalma kalang.. ako nalang susundo sayo.. ok? ...wait akina number mo.
boy: number?
girl: number ng cellphone hello??
boy: ay! wait ito oh *binigay ko num ng cellphone ko then naka recieve ako ng text mula sakanya para ma
save yung number nya sakin and sabi niya*
girl: yan save mo nalang yung number kojan lagay mo pat nalang or patricia kung gusto mo
At bigla akong naka hinga ng maluwag and wait?? susundo malalaman nya kung saana ko nakatira? and kung
ano itsura ng bahay namin nakakahiya!!. yaan yung mga tumatakbo sa isip ko nung sinabi nya yan pero syempre
sinabi ko
boy: wait.. uhm.. pwede mag kita nalang tayo doon sa *ganitong lugar*
girl: hmm.. osige tawagan nalang kita maaga tayo aalis ah..
boy: mga anong oras?
girl: giruo mga 6:00 am mag bihis kana.
boy: 6? ok.
So.. pag tapos naka kain na kami sa yellow cab and grabe ang sarap! siguro masarap dahil ngayon lang
ako naka kain doon? ewan ko or masarap dahil kasama ko siya? and.. ganyan yung mga ini-isip ko pag uwi
then the next day.
*ringing*
*ringing*
*ringing*
then gising ako ni mama sabi may natawag daw sakin, pag answer ko ng phone, narinig ko si pats,
ok... pats na tatawag natin sa kanya ngayon since inaya niya tayo mag swimming well actually ako lang talaga
hindi kayo kasama pero jokes aside,pag answer ko ng phone is galit na galit na si pats.
pats: hello!!?, asan kana? anung oras na?? bilisan mo!! hello?
bryan: hello? sorry malapit nako wait!! aabot pabako? *sobrang natataranta na talaga ako neto*
pats: bilisan mo asan kana ba?
bryan: nasa bahay palang wait lang talaga sobrang mabilis lang to
pats: jusko sabi ko 6 dapat naka bihis kana eh! mag se-seven na oh!
pats: bilisan mo iintayin kita dito
bryan:sorry talaga ah.. wait maliligo lang ako.
pats: maliligo? wag kana- *naputol na yung linya*
OK.. ok... alam ko na maliligo na kami sa pupuntahan namin pero gusto kolang mag amoy and mag mukhang
mabango kay pats ok? so balik uli tayo.. tapos nako maligo and mag ayos then sakto tumawag ulit sya
pero mas galit na sya ngayon.
pats: hello?? bryan ano na??? asan kana??
bryan: hello andito nako
then.. papalapit nako sakanya.. then pag lingon niya sakin grabe... sobrang ganda nya kamukha nya si
si uhm.. si yung sa harry potter yun!.. si emma watson just imagine it na kamukha niya talaga or baka mas maganda
panga.. jokes aside so.. continue na tayo.
bryan: hi. sorry sorry sorry sobrang sorry talaga late ako ng isang oras
pats: tara bili! sumakay kana!
bryan: *tumalon agad ako sa sasakyan and sinarado yung pinto*
bryan: uyy. pats, sorry ah..
pats: ayus lang hindi naman tayo masyadon late.. 1hour lang naman!!!
bryan: sorry..
pats: *bigla siyang tumawa*
pats: joke lang eto naman. joke lang yon ok lang naman maski ma late eh *sabay tawa*
bryan: potek .
pats: *natawa paden*
bryan: *tinignan kolang sya kung pano tumawa sobrang ganda niya.. grabe parang nag i-slow motion yung
moment nayun* tapos bilang napansin nyako na nakitingin sa kaniya.
pats: baket? ? ?
bryan: uh... wala *sabay lingon sa bintana*
pats: *biglang natawa ulit ng konti*
bryan: malapit na ba tayo?
pats: oo malapit na..
pero ang totoo kinakabahaan na talaga ako neto dahil hindi namana ako masyadong lumalabas well.. nakapag
swimming nako dati pero kasama ko mga pamilya ko nun. sobrang kinakabahan talaga ako so sinabi ko sa kanya
na.
bryan: uy pats
pats: oh?
bryan: kinakabahan ako..
pats: hah? baket naman?
bryan: hindi kasi ako sanay ng maraming tao eh mahiyain ako
pats: baket dimo sinabi sakin dati?
bryan: hindi ko alam ngayon kolang na isip eh *sabay tawa*
pats: hayaan mo akong bahala sayo.
bryang: ikaw bahala ah??
pats: oo akong bahala sayo.. tabi kalang sakin.
mga 10 minutes nakarating na kame.
pats: ok, andito na tayo. sama kalang sakin ah..
OK.. akala ko mag si-swimming kami sa cheap or normal na swimming pool lang pero pag labas ko ng kotse
bumungad agad sakin is yung mga malalaking building!?!?!?!? ano to condo?? grabe ngayon lang ako naka
punta sa ganito, pero syempre feeling kalmado lang tayo para chill. pero biglang pumasok sa isip ko..
yung mga nandito is mayayaman mga bigtime and anung ginagawa ko dito? tapos biglang hinatak yung kamay
ko ni pats and sabi nya.
pats: Uy tingin ka ng tingin sa taas tara na pasok na tayo!
bryan: Ay.. sige tara...
habang napasok kami nilamig na agad ako sa aircon and nag bayad pa sa pats para sa entrance fee, hindi
ko alam kung ako lang ba yung naiinis pag nakikita kong nag babayad yung babae para sa lalake pero
hiyang hiya talaga ako pero wala namana akong magagawa andito na kami, so.. sasama na lang ako sa kanya
pero tinanong ko siya
bryan: Uy pats, magkano binayad mo?
pats: baket?
bryan: basta magkano?
pats: secret..
bryan: sabihin mona!..
pats: 700 pesos each baket ba?
bryan: ANO??? i mean ano?? baket ang mahal?
pats: malamang magandang resort to alangan bayad kojan 50 pesos lang *sabay tawa*
pats: wag mona intindihin basta sama kalang sakin
bryan: na bigla lang ako kasi 700? marami na akong mabibili doon noh.
pats: oo naman tama ka marami na tayong mabibili sa 700 *tapos tumawa ulit*
bryan: tapos dalawa pa tayo bali 1400 pesos? grabe... nakaka lula mga presyo dito
pats: *ngumiti lang sakin si pats tapos tumawa konti*
And pag tapos non nakarating na kami and nag aantay samin yung mga kaibigan ni pats, ilan sila? marami
Siguro kung bibilangin ko mga 12 sila, hindi alam kung madami para sa inyo yun pero madami para sakin
and akala ko mag si-swimming lang kami.. pero guess what? may nakita akong.. alak and hindi lang basta
alak mga mamahalin na alak. ano ano yung mga alak nayun? hindi ko na matandaan pero hindi nabibili sa
sari-sari store anyways balik na tayo sa kwento.
pinakilala na ako ni pats sa mga kaibigan nya.. and sobrang kinakabahan ako hindi ko alam kung baket,
pero kinakabahan ako .and sabi ni pats.
pats: *kausap ni pats mga kaiban nya* Uyy musta *beso-beso*
babaeng kaibigan ni pats: grabe akala namin hindi na kayo pupunta eh.
babaeng kaibigan ni pats(2): oonga saan ba kayo ng galing? at sino tong kasama mo? yieeee
tapos lahat na sila nag "yieee" an sobrang hiyang hiya na talaga ako . hindi ko kinakahiya si pats na
hihiya ako sa sitwasyon.
lalaking kaibigan ni pats: oonga pat sino yan bf mo no??
merong isang lalaki na hindi maganda yung tingin sakin pero alam ko kaibigan din ni pats yun kaya
kinamayan ko and parang suplado or mahiyain lang? hindi ko masabi kasi hindi pa naman kami close
pero ang nakaka gulat is yung sinabi ni tricia.
pats: oo, boyfriend ko.
bryan: *bigla akong tumingin sa kaniya*
lalaking suplado: huh? boyfriend mo?
lalaking suplado:*tumingin kay bryan at sabi* swerte ka..
pats: syempre naman noh.. *sabay tawa*
babaeng kaibigan ni pats:*tumatawa din* baliw ka talaga pats.
lalaking suplado: sandali lang ah.. cr lang ako..
pats: guys boyfriend konga pala si bryan, naka limutan ko pakilala sa inyo.
pats: uy bryan.. halika pakilala kita sa mga kaibigan ko guys eto nga pala si bryan
pats: bryan eto nga pala si... Ella ,Layla,Lucy,Claire,Eliza,Katherine,Ashley yan yung mga girls
pats: yung mga boys naman is yun si Adrian yung isa naman Jordan,Vincent,Alex,Eric tapos yung nag "cr"
is si Joshua. yan.. napakilala na kita.. ano gusto moba mag swimming?
At this point is nalilito ako sa mga pangalan nila pero siguro sa umpisa lang to. and siguro magtatagal
kami dito sa resort mga ilang gabi siguro kami dito kasi may alak pa eh.. well.. marunong naman ako
uminom kasi uminom naman ako pag may mga handaan pag may birthday or ocasion. so ang sabi ko sa kaniya
bryan: a-ah... p-parang maginaw pa eh.. siguro mamay- *bigla akong tinulak sa pool*
pats: *sabay tawa* ano?? malamig ba?
pats: wait lang hintayin moko
bryan: so dahil hinagis nga ako ni pats ako lang mag isa dito and wala pakong ka close dito.. so ang
awkward talaga na tunganga lang ako at hinihintay si pats
pats: *naka swimsuit na* hello.
bryan: at bigla akong natulala sa kaniya. sobrang ganda nya at papalapit siya dito?? *sabay tumalon si tricia sa pool*
pats: *wowww* sobrang lamig nga...
bryan: sabi na sayo eh.. *sabay hinawakan kamay ko at hatak*
pats: tara nga! marunong kaba lumangoy?..
bryan: Hindi.. kayanga andito lang ako sa mababaw eh.
pats: halika bili!! turuan kita..
bryan: ayoko nga ano ko bata?.
pats: tara na!!
bryan: *pabulong kong sinabi na* ayoko nahihiya nga ako..
pats: osige mamaya nalang.
pats: tara kain muna tayo nagugutom nako
bryan: sige *sabay ahon sa swimming pool*
pats: *Pasigaw na sinabi ni pats na* GUYS TARA KAIN NA TAYO!!
Mga kaibigan ni pats: *Sige! sunod kami!*
*sandali lang paty*
*Kakain kolang*
*kumain na kami paty*
naisip ko na paty pala yung tawag nila kay patricia, and kami nalang yata yung hindi pa nakain tapos
inaya ako bigla ni pats
pats: tara bryan kain kana
pats: *sabay lapit sakin kasi alam niyang nahihiya ako* ano bang gusto mo kainin hah?
pats: pili kalang jan
bryan: *sabay tumingin ako sa kanya* sige na kaya ko nato salamat..
pats: bili!!! tara gutom nako
bryan: sandali lang! gutom nadin ako no! *sabay tawa*
pats: *natawa din*
pagkalipas ng 30 minutes.
pats: uy bry. gusto mo ng beer? ay wait, umiinom kaba?
bryan: ah.. mejo.
pats: sus, kunwari kapa. *sabay tawa*
bryan: oonga! di naman ako malakas uminom. *sabay abot ng beer sakin*
Joshua (lalaking masungit): oonga pala paty saan nga pala kayo mag i-stay? kasi mag gagabi na oh..
At... ok ok Hindi kodin na pansin na pansin na mag gagabi na pero tama siya saan kami mag s-stay? imposibleng mag drive si pats ng lasing
or mag commute? malayo yung sakan dito.. kaya tumabi bigla ako kay pats and sabi ko sa kanya..
bryan: *pabulong na sinabi* uy pats pano nga pala tayo makakauwi??
pats: shhh.. wag ka mag alala mag check-in nalang tayo sa hotel.
bryan: *pabulong na sinabi* tayong dalawa???
pats: oo, baket? angal ka? *tipsy na*
bryan: sabiko nga hindi...
pats: joke lang *sabay tawa*
pats:ok lang yan.. hindi ka namans siguro r****t noh??
bryan: a-ano?? syempre hinde!!
pats: *natawa* joke lang eto naman anung oras naba?
bryan: *sabay check sa phone* !! ano mag a-alauna na??
pats: ano?? 1am na ng umaga!?!?
pats: *uminom pa ng isang baso* tara bilis mag check-in na tayo
And yun na nga Dinala na kami ng staff sa kwarto namin tapos ?? ano sa tingin niyo ang mangyayari?
end of chapter 1.
note: napansin ko na kapag kasama ko patricia is kahit maraming tao sa paligid ko ay nagagawa ko padin umakto ng tama hindi katulad dati na para masususka ako pag maraming tao na hindi kakilala hindiko alam kung bakit ganon yung nararamdaman ko pero kapag kasama ko si patricia nawawala lahat ng hiya sa isip ko. (hindi naman sa "walang hiya" ah.. parang na may na overcome lang ako..)