C-31

2046 Words

"Papa!" mahigpit na yakap ang isinalubong ni papa sa akin nang humakbang ako palapit dito. Nakatanggap ako nang tawag dito, at nakikiusap na bisitahin ko siya. Nakapag-usap na kami ni Aquihiro na ipapaalam na sa magulang ang pagdadalang-tao ko, iyon nga lang kailangan naming pekein ang bilang ng buwan ng sanggol na nasa sinapupunan ko. Pati iyon ay naisip ni Aqui para hindi pagdudahan ang dinadala ko. Malaki ang pasasalamatan ko sa bagay na iyon. "Anak!" ramdam kong na miss nga ako nito. Pero pansin ko lang ang pangangayayat nito, kaya agad akong kumalas sa pagkakayakap at tinitigan ang aking ama. "What happened, papa? May sakit ka ba? Parang pumayat ka po." Hindi ko maiwasang mag-alala. Matanda na si papa, mas mahina ang katawan na labanan ang mga sakit-sakit na possible na dumapo rito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD