Sa likod ng Nars SA INFIRMARY na nagkamalay si Sheryl. "Shh, calm down, hija." Pahinuhod ng nars. Hinahagod nito ang likod niya nang bumalikwas siya sa pagbangon at muling sumigaw. "N-Nasaan ako?" "Nandito tayo sa loob ng clinic, She. Nag-collapse ka kanina sa room kaya dinala ka ni Manong Guard dito,'' nag-aalalang sagot ni Luis. "A-are you okay?" Tanong nang lumapit na si Miles. May hawak itong basong may lamang tubig at iniabot. Tinanggap niya iyon at mabilis na ininom. "Dahan-dahan lang," awat ni Luis. Agad nitong kinuha ang panyo sa bulsa at pinunasan ang tumutulo sa baba niya. Nagtataka kung bakit namumutla siya at nangangatog ang mga kamay. "How do you feel, hija? I called your parents and they're on their way to fetch you. Are you alright, now?" Bahagya siyang tumang

