Chapter Three

2740 Words
NASAPO ni Panyang ang ulo nang magawa niyang maibangon ang sarili mula sa pagkakahiga niya sa kama. Mas masahol pa sa pinukpok ng martilyo ang nararamdaman niyang sakit ng ulo. Sumulyap siya sa nakapatong na alarm clock sa ibabaw ng bedside table. Alas-nuwebe na ng gabi. Pumikit siya sandali para kahit paano ay makundisyon ng kaunti ang isip niya. Saka niya biglang naalala. Naroon nga pala siya sa bahay ni Olay kanina habang nilulunod ang sarili sa alak kahit na hindi naman talaga siya sanay uminom. Masama kasi ang loob niya sa pinsan niya at sa kulugong masungit na Rene Roy Cagalingan na iyon. Sukat ba naman kasing magsumbong sa Lolo niya. Paano ako nakauwi dito? Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto ng silid niya. Pumasok doon si Chacha. "Gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?" "Hell," usal niya saka binagsak ang sarili muli sa kama. "Nagtaka ka pa. Ang lakas ng loob mong uminom. Para naman sadyang pinanganak kang tomador." Sermon nito sa kanya. "Please Chacha. I don't need that this time." Pakiusap niya sa kaibigan. "Sino nag-uwi sa akin dito?" "Iyong pinsan mo," halos pabulong na sagot nito. "Eh bakit halos bumulong ka diyan? Mahal mo pa rin siya, no?" aniya na may bahid na panunudyo sa tinig niya. "Tumahimik ka nga diyan. Huwag mong ipasa sa akin ang issue. Ano bang feeling na mahalikan siya?" Kunot ang noong tiningnan niya ang kaibigan. "Ano?" inosenteng tanong niya. Imbes na sumagot ay natawa lamang ito. "Hoy! Ano bang hinalikan ang sinasabi mo diyan?" "You mean wala kang natatandaan?" natatawang balik-tanong nito. "Malamang. Itatanong ko ba sa'yo kung alam ko." "Hay naku Girl, baka magtago ka diyan sa ilalim na kama mo kapag sinabi ko." "Eh ano nga? Ano nga iyon?" pangungulit niya. Tinitigan muna siya ni Chacha habang hindi maiwasan ang mapangiti. "Babatuhin kita ng unan eh. Sabihin mo na nga!" "You kissed Roy in front of everybody." Napabalikwas siya ng bangon sa sinabi ng kaibigan. "No way!" "Yes way." "Oh my God!!!" Nabalot ng lakas ng sigaw niya ang buong kuwarto. Alam niyang mas mapula pa sa mansanas ang mukha niya. Ibinaon niya ang mukha sa unan saka doon tumili ng tumili. Pilit niyang hinalungkat ang isip. Baka sakaling matandaan niya ang pinaggagagawa niya. Oo nga. Naalala na niya. Nakakailang bote na rin sila ni Olay nang malasing siya. Nasa gitna siya ng pag-eemote nang biglang dumating si Dingdong at ang kasama nito. Gusto niyang i-untog ang sariling ulo sa pader. Inakala kasi niya na si Victor ang kasama ng pinsan niya. At dahil nakainom siya. Daig pa niya ang sinapian ng kung anong anito sa katawan. Kaya hinalikan niya ito. "Oh no! What did I do?" "Ewan ko ba sa'yo. Sigurado bukas, uulanin ka ng tukso ng Tanangco Boys." Saglit siyang nag-isip. "Alam ko na!" sabi niya. Kulang na lang ay may sumulpot na bumbilya sa bumbunan niya. "Ano naman naisip mo?" Hindi siya sumagot. Sa halip ay agad siyang tumayo at dumiretso sa cabinet niya. Kinuha niya ang traveling bag niya saka nagsilid doon ng ilang pirasong damit. "Hoy teka! Anong ginagawa mong babae ka? Saan ka pupunta mo?" sunod-sunod na tanong nito. "Sa Pluto. Magtatago!" sagot niya. Nang makitang kumpleto na ang kailangan niya ay mas mabilis pa sa alas-kuwatrong lumabas siya ng bahay. "Panyang, sandali nga!" pigil ni Chacha sa kanya. "Ikaw na muna ang bahala sa flower shop. Pakisarado na rin itong bahay pag-uwi mo. Thanks bestfriend! Tatawagan na lang kita bukas! Bye!" PINUNO ni Panyang ng hangin ang dibdib niya. Sabay yakap sa kanyang sarili upang kahit paano ay maibsan ang nararamdaman niyang lamig. Naroon siya ng mga oras na iyon sa Tagaytay, sa flower farm na minana pa niya sa kanyang nasirang ina. Doon siya tumakbo matapos niyang malaman ang kalokohang ginawa niya nang malasing siya noong isang araw. "Good Morning Ma'am!" bati ni Nanay Ising. Ang caretaker ng farm at ng Resthouse na tinutuluyan niya ngayon. "'Nay Ising, Good Morning din po!" "Nakakatulog ka ba ng maayos dito?" tanong ng matanda. "Oo naman po. Alam n'yo naman na sanay akong matulog dito. Kung puwede nga dito na lang ako tumira. Mas tahimik dito." "Ang kaso mo'y ayaw pumayag ni Don Manuel. Lagi siyang nag-aalala para sa'yo. Ikaw naman kasi, puro ka kalokohang bata ka." Natawa siya sa sinabi ng matanda. Matagal na nilang katiwala ito sa farm nila. Ang sabi ng nasira niyang ina ay dalaga pa lamang ito ay si Nanay Ising na ang nangangalaga sa lugar na iyon. "Siguro'y may ginawa ka na namang kalokohan, ano? Aba'y dis oras na ng gabi nang dumating ka noong isang araw ah." "Si Nanay Ising naman oh, hindi naman po. Talaga lang napag-tripan kong pumunta dito." "Teka nga, maiba ako. Gusto mo bang ikaw ang kumuha ng mga bulaklak para sa kuwarto mo?" "Sige ho." Kakaibang kasiyahan ang nararamdaman ni Panyang kapag namimitas siya ng bulaklak. Parang kasama pa rin niya ang namayapang ina. Her mother loved flowers when she's still alive. Her mother is half-Filipina and half-Irish. Ayon na rin sa kanyang ina, nakilala nito ang kabiyak noong magpunta sa Ireland ang kanyang ama para idepensa ang titulo nito. Her father was a world champion car racer. Nang magpakasal ang dalawa  ay dito na sa Pilipinas nagpasyang manirahan ang mga ito. Doon niya namana ang berdeng mata niya. Sayang lamang at maagang kinuha ng Diyos ang mga magulang niya. Kapwa nasawi ang mga ito sa isang plane crash nang minsan papunta ang mga ito sa Ireland. Kaya nang bawiin na ng Diyos ang buhay ng mga ito ay pinagsumikapan niyang mas lalo pa itong mapalago ang mga naiwan nitong negosyo sa kanya. Hindi maiwasang makaramdam ng kalungkutan si Panyang. How she missed her parents so much. She's an orphaned at the age of ten. It's been fifteen years since that tragedy happened in her life. Pero hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin siya. Kaya't sa pamamagitan ng pagsali niya sa Drag Racing. Doon niya binubuhos ang lahat ng frustrations niya sa buhay. Doon niya binubuhos ang lahat ng sama ng loob niya. "No. Hindi ako dapat umiyak. Right Dad?" sabi pa niya sabay tingala sa langit na para bang naroon ang kanyang ama at nakatanaw sa kanya.  "I'm a fighter. At walang fighter na umiiyak." Huminga siya ng malalim. Saka ipinagpatuloy ang  pamimitas ng mga bulaklak. "IKAW BA hija ay may nobyo na?" tanong ni Nanay Ising. Naroon sila sa kusina ng hapon na iyon. Pinapanood niya itong magluto ng paborito niyang goto. "Naku wala pa ho." "At bakit naman? Sayang ang ganda mo. Dapat sa edad mo'y may nobyo ka na." "Alam n'yo 'nay, may nagugustuhan naman po akong lalaki. Ang kaso hindi naman niya ako pinapansin." Pagkasabi noon ay si Roy agad ang sumagi sa isip niya. "Bulag ang lalaking 'yon kung ganoon." "Oo nga po," wala sa loob na sagot niya. Bakit ba siya ang naisip ko? Nang maluto na ang goto ay agad siyang hinainan ng matanda. Sinalakay ng mabangong amoy ng pagkain ang ilong niya. Akma siyang susubo ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Binaba muna niya ang kutsara at sinagot ang tawag nang makita sa screen ng phone kung sino ang caller niya. "Oy Cha! Anong balita diyan?" bungad niya pagkasagot dito. "It's me. You better come home now." Anang nasa kabilang linya. Kumunot ang noo niya dahil boses ng lalaki ang nagsalita. "Wow best, iyan na ba ang bagong talent mo? Ang mag-boses lalaki? Bongga!" "Loka-loka ka talaga! Si Dingdong 'to!" "Ah... akala ko naging lalaki na bestfriend ko. Eh teka, bakit hawak mo ang phone niya? Nagkabalikan na kayo?" sabi pa niya sa nanunudyong tinig. "Shut up! Hiniram ko ang cellphone niya dahil hindi mo sinasagot kapag number ko ang ginagamit ko." Bumuntong-hininga siya. Simula kasi nang magtago siya ay hindi niya sinagot ang tawag ng pinsan niya dahil alam niyang sesermunan na naman siya nito. "Ano ba kasi 'yon?" naiiritang wika niya. "Umuwi ka na. Hinahanap ka na ng Lolo." "Ayoko nga." "Panyang, umuwi ka na parang awa mo na. Naapektuhan na ang trabaho ko dahil sa mga pinaggagagawa mo." "Eh kasi..." "Bakit ka ba kasi nariyan? Nagtatago ka dahil sa ginawa mong kalokohan kay Roy." Nakagat niya ang ibabang labi. Ano nga ba ang isasagot niya? Wala siyang maisip. "Hoy Pamela! Sa susunod na manghahalik ka ng lalaki, siguraduhin mo muna kung tama ang taong hahalikan mo. Hindi iyong bira ka ng bira. Napahiya ka tuloy!" Nilayo niya saglit ang phone sa tenga niya. "Hayan na nga po." usal niya. "Umuwi ka na ngayong gabi." Utos nito. Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya. Bumuntong-hininga siya. Saka sinunod-sunod ang subo ng goto. "Lord, puwede bang umuwi ako ng pagapang? Para walang makakita sa akin?" sabi pa niya. Natawa ng wala sa oras ang nanahimik na si Nanay Ising dahil sa sinabi niya. NAPANGISI SIYA matapos niyang titigan ang sarili sa salamin. Umikot-ikot pa siya ng ilang beses. Sa hitsura niya ngayon, siguro naman ay wala nang makakakilala sa kanya. Matapos niyang makausap ang pinsan kanina ay agad siyang nag-isip ng paraan kung paano makakabalik ng Tanangco nang walang makakakilala sa kanya. At dahil isa siyang henyo. Naisip niyang mag-disguise. Iyon nga lang, ang tanging available na costume sa cabinet niya ay ang abaya o iyong pambabaeng damit ng muslim. Taon na ang nakakalipas magmula ng huli niyang sinuot iyon sa isang costume party. Kulay itim ang abaya niya at may kasama pang kombong o iyong belo. At para hindi siya lalong makilala. Sinuot na rin niya ang maskara. Tanging ang mga mata at ang dalawang kamay niya ang kita. Nang masiguro niyang ayos na ang suot niya ay nagpasya na siyang umalis. Bitbit ang traveling bag, kampante siyang naglakad patungo sa pinto. Akma niyang hahawakan ang doorknob nang biglang bumukas ang pinto. Ganoon na lamang ang hagalpak niya ng tawa ng magulat at mapasigaw si Nanay Ising. Naihagis pa nito ang hawak nitong mga tiniklop na malilinis na damit. "Ay kabayong aswang!" Hinubad niya ang suot na maskara saka nilapitan ang matanda habang naluluha siya sa kakatawa. "Ako ho ito," pagpapakilala niya. Hinampas tuloy siya ni Nanay Ising sa braso. "Naku talaga naman ikaw na bata ka! Napaka-pilya mo pa rin hanggang ngayon!" "Sorry 'nay, hindi ko naman intensiyon na gulatin kayo. Pauwi na ako." "Na ganyan ang suot?" tanong nito na tila ba nawi-weirduhan sa kanya. "Oho. May pupuntahan kasi akong costume party eh." Palusot pa niya. "Diyos kong bata ka talaga, eh mamamatay ako sa nerbiyos sa'yo eh." Reklamo ulit ng matanda. Nginitian na lang niya ang matanda saka hinimas ang likod nito. "Sige po 'Nay Ising. Aalis na po ako." "O sige, mag-ingat ka sa pagmamaneho mo. Ang balita ko'y kaskasera ka daw." Sabi pa ng matanda. "Hindi ho totoo 'yon. Tsismis lang 'yon." Biro pa niya dito. "Ay sus! O siya sige, basta't mag-iingat ka." MABILIS siyang tumakbo at nagtago sa likod malaking puno ng mangga. Alam ni Panyang na mas malala pa siya sa sintu-sinto na laging rumoronda sa Tanangco tuwing umaga at gabi. Pero kailangan niyang magpaka-baliw sa mga oras na 'yon para lang masiguro niyang walang makakakilala sa kanya. Ang nakakainis pa, kung bakit ba naman kasi mag-aalas diyes na ng gabi ay may mga tao pa rin sa kalyeng iyon. Hoy kayo diyan! Matulog na nga kayo nang makadaan na ako! Aniya sa isip. Mayamaya ay nagulat pa siya nang may biglang sumigaw na mga bata at biglang tumakbo. "Mommy! May black lady sa punong mangga!" sigaw ng mga ito. Lumingon siya sa paligid. Siya lang naman ang nilalang roon. Saka lang niya naalala na itim nga pala ang suot niya. "Mga tinamaan ng lintik ang mga batang iyon ah! Ginawa pa akong multo!" Reklamo niya. "Miss, hindi maganda ang trip mo. Huwag kang manakot ng mga bata dito!" Nanlamig ang buong katawan niya. Mas masahol pa sa nakakita ng multo ang pakiramdam niya. Dahil kilala niya ang timbre ng boses na iyon. Si Roy. Hindi niya alam ang gagawin. Gusto sana niyang kumaripas ng takbo pero tila tinulos siya sa kinatatayuan niya. Hanggang sa narinig na lang niya ang mga yabag nito na papalapit sa kanya. At dahil nakatalikod siya dito. Malamang ay hindi siya nito nakilala. Idagdag pa ang weirdong suot niya. "Sino ka? Taga-rito ka ba?" tanong nito. Hindi pa rin siya sumagot. Pinagpapawisan na siya ng malamig. Mas mabuti na iyong nakakita na lang siya ng totoong multo. At least iyon, may dahilan talaga siya para nerbiyusin. Hindi kagaya ng ganito na para siyang timang. "Bakit ayaw mong sumagot? Siguro magnanakaw ka no?" Bigyan ko kaya ng uppercut 'to para tumigil!  Nauubos na naman ang pasensiya niya sa isang ito. Handa na siyang sigawan ito nang bigla siya nitong hinawakan sa braso at pinihit paharap dito. Tinitigan siya nito sa mga mata. Nakita niya itong natigilan. "It's you. I should've known better." Halos pabulong na wika nito. "Sino ka ba?" kunwari'y tanong niya. "Don't give me that crap, Pam." Hindi niya maintindihan kung bakit naging musika sa kanyang pandinig nang tawagin siya nitong 'Pam'.  Bigla ay umarangkada ang t***k ng kanyang puso. "How do you know it's me?" tila wala sa sariling tanong niya habang titig na titig pa rin silang dalawa sa mga mata ng isa't isa. "Because you're the only one here who have the most beautiful pair of eyes." Halos pabulong na wika nito. At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, ang puso niya'y tila kay saya matapos nitong sabihin na maganda ang mga mata niya. Sa dinami-dami ng nagsabi niyon sa kanya. Bakit iba ang naging dating sa kanya nang si Roy na ang nagsabi? Oh no! Bakit ganito ang nararamdaman ko? "Pare!" Noon tila natauhan silang pareho. Lumingon si Roy sa tumawag dito. Nakita niya si Darrel at si Ken na magkasama. "Roy, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Darrel. "Wala naman. Just dealing with someone here." Tiningnan siya ng dalawa. Kumunot ang noo ni Ken saka siya tiningnan ulit simula ulo hanggang paa. 'Pare, hindi ko alam na umaampon ka na pala ng mga masisiraan ng bait? Grabe na 'yan ha? Baka maaga kang kunin ni Lord." Sabi pa ng huli na hindi nila malaman kung seryoso ba ito sa sinasabi o nagbibiro. Eto na lang kaya ang bigyan niya ng mag- asawang sapak at sipa. "Tse! Hindi ako baliw!" singit niya sa usapan. "Panyang?" magkasabay pa ang dalawa. "Hindi. Ako si Darna." Pamimilosopo pa niya sa mga ito. "Bakit ganyan ang suot mo?" takang-taka tanong ni Ken. "Wala naman. Nag-swimming kasi ako eh." Napapailing si Darrel habang hindi mapigilan ang tawa. "Talagang nag-disguise ka pa ha?" anito. "Ssshhh! Quiet! Bawal kayong mag-react." Sagot niya. Saka hinubad ang maskarang suot pati  ang belo. "Bakit ba kasi ganyan ang suot mo? Huwag kang mag-alala hindi naman namin pinagkalat na hinalikan mo si Roy sa harapan naming lahat eh." sabi pa ni Ken. "Heh! Manahimik ka na nga!" sigaw niya dito. Kung puwede lang murahin ang mga ito ay ginawa na niya. Pasalamat na lang ang mga ito at tinuruan siya ng magandang asal. Sinulyapan niya si Roy, tahimik lang ito habang nakatingin pa rin sa kanya. "Lubayan n'yo na nga siya," saway nito sa dalawa na wala pa rin tigil sa kakatawa.  "Ikaw naman. Halika na at ihahatid na lang kita sa inyo. At puwede ba? Magpalit ka ng matinong damit. Pati mga bata natatakot na sa'yo. Buti hindi ka pa na- ngangagat." Baling naman nito sa kanya habang salubong ang mga kilay. Saka siya hinila nito at naglakad sila ng sabay patungo sa direksiyon ng bahay niya. Maputlang masunget! Aniya sa sarili. "Ano palagay mo sa akin? Aswang?" angil niya dito. "Hindi ako ang nagsabi n'yan." Depensa naman nito. "Ewan!" Nang makarating sila sa tapat ng gate ng bahay niya ay hinarap siya nito. "Puwede ba Pam? Umayos ka ng kilos mo. Ayusin mo ang mga trip mo sa buhay. Hindi ka na bata. Act your age." Panenermon nito. Nang matapos ito ay mabilis itong Tumalikod at naglakad palayo. 'Pam' na naman ang tinawag niya sa akin. Bakit kailangan ganito kasaya ang pakiramdam ko kapag totoong pangalan ko ang tawag niya sa akin? Kung ano man ang dahilan ng lahat ng hindi niya maipaliwanag sa damdamin niya ay ayaw niyang alamin. Ayaw niyang intindihin kahit na ang totoo'y naguguluhan siya. Pilit niyang siniksik sa isip niya na si Victor lang ang tanging gusto niya. Wala ng iba. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD