"NAKAKABAGOT naman," reklamo ni Humphrey. "Nasaan na ba ang mga Pengkum dito?" "Wala. Malamang nasa inuman na ang mga iyon. Sabado kaya ngayon." Sagot naman ni Vanni na ang tinutukoy ay ang ibang mga taga-roon sa Tanangco. Kagaya ng dati ay naroon sila sa tapat ng tindahan ni Olay at nakatambay. Dahil Sabado ng gabi at walang pasok kinabukasan kaya hayun sila at pare-parehong nakatu- nganga. Mayamaya ay siya naman ang binalingan ng mga ito. "Ikaw Panyang? Kumusta ka na?" tanong ni Victor. "Okay na." sagot niya. Isang buwan matapos ang aksidente ay unti-unti siyang naka-recover. Naghilom na halos ang lahat ng mga sugat niya. Hindi na rin halata ang mga pasa niya. Pati ang sugat niya sa ulo ay hilom na rin. Isa na lang ang tanging hindi pa hilom at nananatiling sariwa pa h
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


